00:00Ngayong November 2, tuloy pa rin ang pagdating ng mga bumibisita sa Manila North Cemetery.
00:05At mula doon may report si Bernard Ferrer live. Bernard?
00:13Dayan, unti-unti nang dumarating ang mga kababayan natin na dumadalaw sa punto
00:18ng mga yumaong mahal nila sa buhay dito sa Manila North Cemetery.
00:28Sinamantala ng ilan nating kababayan ang kanilang walang pasok sa trabaho para dumalaw
00:33sa punto ng kanilang mga mahal sa buhay sa Manila North Cemetery.
00:38Mayroon doon libreng sakay na inilaan para sa mga senior citizen at persons with disability o PWDs.
00:46Samantala mahalagang paalala ng pamunuan ng Manila North Cemetery hanggang alas 8 lamang ng gabi
00:52Ngayong November 2, pinapayagan ang pagdalaw ng publiko.
00:57Maigpit din pinagbabawal ang pagpasok ng anumang uri ng sakyan sa loob ng sementeryo
01:02kabilang sa mga pinagbabawal na dalhin ang mga sumusunod,
01:06mga paril at matatalim na bagay gaya ng kupsilyo cutter at spatula,
01:12mga inumin ng mga alkohol, mga alagang hayop gaya ng aso at pusa,
01:18mga gitara at malalakas na sound system o speaker,
01:21mga bagay na madaling magliyap, gaya ng alkohol at tiner at lahat ng uri ng sugal.
01:27Nananatiling nakabantay ang mga miyembro ng Philippine National Police
01:31para matiyak ang kaligtasan at mapanatili ang kaayusan sa Manila North Cemetery.
01:37Dito matatagpuan ang sculpture ng three-finger scout sign bilang pagalala
01:42sa 24 na miyembro ng Philippine delegation sa 11th World Scout Jamboree
01:48na nasawi sa isang plane crash noong 1963.
01:52Matatagpuan din dito ang huling handunga ng ilang dating Pangulo,
01:55Senador, Alcalde at iba pang dating opisyal ng pamahalaan.
01:59May lawak na 54 hectares ang Manila North Cemetery na inikilalang isa sa pinakamalaki
02:06at pinakamatandang sementeryo sa Metro Manila.
02:11Dayan, tuloy-tuloy naman ang pagdating sa mga oras ito ng mga kababayan natin
02:16na sinasamantalangan yung walang pasok sa trabaho at skwalahan.
02:21Sa paligid naman ng Manila North Cemetery ay okay pa naman yung usad na mga sasakyan.
02:29May bahagya lamang pagbabagal dahil yung ilan natin kababayan,
02:34lalo na yung sa may harapan ng sementeryo, ay dito nagbababa.
02:38Pero may pigtong pagbantay ng mga police at traffic enforcer
02:41at pag-enforce ng no-parking policy.
02:45Yung normal na operasyon o regular operasyon ng Manila North Cemetery
02:50ay magbabalik naman bukas November 3.
02:53So yan pa rin ang uling sitwasyon dito sa Manila North Cemetery.
02:56Balik sa inyo dyan, Dayan.
02:59Maraming salamat Bernard Ferrell.