- 20 minutes ago
- #whatweknowsofar
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
- Residential area sa Cubao, QC, nasusunog
- Pet crematorium, ipinasara; pet owners, desididong maghain ng reklamo
- Fetus,natagpuan sa shoe box at balot ng plastic
- MNLF, dineny na itinatago si Sen. Bato Dela Rosa; giniit na wala silang ugnayan
- Off-duty na pulis na inakalang mamamaril, binugbog
- P459B-worth ng DPWH projects, flinag
- Senate majority, suportado ang pagpupurga ng 'Pork' sa 2027 Nat'l Budget
- PRO-CAR, itinangging nalusutan sila ni Ex-BuCor Chief Gerald Bantag
- Dagsa ng mga bumibisita sa sementeryo, tuloy pa rin
- Ate Gay, pumanaw sa edad na 55
- Private business jet,bumagsak; 9 patay
- ComSec: DOTR Sec. Dizon: Open for all dapat ang E-gates sa NAIA
- Agaw-pansing halloween costumes
'What We Know So Far' is GMA News’ latest newscast anchored on verification journalism, helping viewers make sense of trending stories, claims, rumors, and viral posts. #WhatWeKnowSoFar
It looks into what’s true, what’s false, and what’s still unclear, while keeping you updated as the facts develop.
Catch 'What We Know So Far' Mondays to Fridays, 6:00 PM to 6:30 PM on GTV.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Pet crematorium, ipinasara; pet owners, desididong maghain ng reklamo
- Fetus,natagpuan sa shoe box at balot ng plastic
- MNLF, dineny na itinatago si Sen. Bato Dela Rosa; giniit na wala silang ugnayan
- Off-duty na pulis na inakalang mamamaril, binugbog
- P459B-worth ng DPWH projects, flinag
- Senate majority, suportado ang pagpupurga ng 'Pork' sa 2027 Nat'l Budget
- PRO-CAR, itinangging nalusutan sila ni Ex-BuCor Chief Gerald Bantag
- Dagsa ng mga bumibisita sa sementeryo, tuloy pa rin
- Ate Gay, pumanaw sa edad na 55
- Private business jet,bumagsak; 9 patay
- ComSec: DOTR Sec. Dizon: Open for all dapat ang E-gates sa NAIA
- Agaw-pansing halloween costumes
'What We Know So Far' is GMA News’ latest newscast anchored on verification journalism, helping viewers make sense of trending stories, claims, rumors, and viral posts. #WhatWeKnowSoFar
It looks into what’s true, what’s false, and what’s still unclear, while keeping you updated as the facts develop.
Catch 'What We Know So Far' Mondays to Fridays, 6:00 PM to 6:30 PM on GTV.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:30Magpahagi po yan ng Barangay E. Rodriguez sa Pubao.
00:33Nagnangalit na apoy ang sumiklab sa residential area sa New York Street corner, Stangford Street.
00:40Kitang kita yan sa ating traffic cam.
00:43Kita rin ang lagablab at makapal na usok mula sa sunog.
00:47Bandang 5.02 po yan, PM.
00:49Kani-kanina lang, itinaas ang unang alarma ng Bureau of Fire Protection.
00:53Makalipas ang 19 minutes, umabot na sa ika-apat na alarma ang sunog.
00:57Ang bilis.
00:57Patuloy ang pag-apola sa apoy hanggang sa mga oras na ito.
01:01Inaalam pa ang mitsya ng sunog.
01:09Mainit na usap-usapan nito.
01:11Ngayon, Mava, yung pinasarang pet crematorium sa Baco or Cavite,
01:16na sa halip na i-cremate ang labi ng mga hayop,
01:19ay itinapo ng mga ito sa isang bakanting lote.
01:22Naku, kaya naman talagang galit na galit yung mga pet owner at desidito rong maghain ng reklamo.
01:27Here's what we know so far with Ian Cruz.
01:31Mga kapuso, sarado na nga po itong pet crematorium na Ajay's Post After Care dito sa Baco or Cavite.
01:38Pero marami pong galit na pet owners na nag-avail na nga kanilang servisyo
01:43ang naghainah ng reklamo sa Bacora City Police.
01:48Ito po ang pet crematorium na nabuking na itinapon sa bakanting lote sa Bulacan
01:53ang labi ng halos at lumpong aso ng kanilang mga kliyente.
01:57Sa halip na i-cremate ang mga ito,
01:59ilan sa mga fur parents na ito, aming nakausap,
02:01desidido raw silang ireklamo ang pet crematorium.
02:04Sobrang kong sakit eh.
02:06Hindi pa pong nakakabumbun sa pagkamatay ni Ivy.
02:09Tapos ganun pa yung nalaman ko na itinapon nila na parang basura.
02:13Kiniyak naman ang alkali ng Baco or na si Mayor Strike Reville
02:16na may makakasuhan sa nangyari kahit pa nga hindi na raw nakikipanggatulungan
02:21ang nga may-ari nito.
02:23At ayon nga po sa Chief of Police ng Baco or na si Lieutenant Colonel Alexey Desamito
02:27nasa 53 na complainants na nga ang dumulog sa kanilang himpilan para magreklamo.
02:33Kabilang na dyan ang 7 complainants na positibong kinilala
02:37ang 7 sa 28 na alagang hayop na tagpuan nga po sa San Jose del Monte, Bulacan.
02:43Pusideng estafa ang iharap na reklamo sa limahan ng 7 may-ari o tauhan
02:47itong pet crematorium.
02:49Ipinagutos na rin po ni Director Melvin Matibag ng NBI
02:53ang pagsasiyasat sa insidente na nawagan din sa Senate President Nguyen Gatchalian
02:58na tiyakin na sumusunod sa batas ang mga pet crematoriums
03:02at pet service providers sa buong bansa.
03:05May dalawang sites pa sa Bulacan ang natagpuan kung saan may mga patay na alaga.
03:10Kaya naman, bukas ang pintuan ng Bacor City Police sa lahat ng Kirk parents
03:15na magreklamo laban sa itinasarang crematorium.
03:20Mas lumami po yung magdatingan dito kasi napaliwanagan po sila
03:24na kailangan nilang i-formalize yung mga reklamo po nila.
03:28So that's what we know so far.
03:29Ian Cruz, GMA News.
03:32Ito Mark sa ibang balita.
03:34Nakakaawamin talaga.
03:35Hindi sapatos kundi fitos ang nakita sa isang shoebox sa Quezon City.
03:40Ang fitos na diskubre sa tambak ng basura.
03:44Here's what we know so far with James Agustin.
03:47Nakahalos sa mga basura ang isang fitos na madiskubre sa Regalado Highway
03:51sa barangay North Fairview dito sa Quezon City.
03:54Bago mag-alas 3.30 ng hapon kahapon.
03:57Ang fitos nakasilit sa kahon ng sapatos at ibinalot pa sa plastic.
04:03Ayon sa mga taga-barangay, isang lalaki na nangangalakan ng basura
04:06ang nakakita sa fitos.
04:08Sa kuha ng CCTV, kita yung lalaki na tulak ang kanyang trike.
04:12Huminto siya doon sa poste kung saan nakatambak ang mga basura.
04:16Matapos ang ilang minuto na pagkalkal, makikita na tinawag niya ang isang residente.
04:20Lumapit yung dalawa doon sa mga basura at doon na tumakbo yung residente
04:25para i-report sa barangay ang nakitang fitos.
04:28Sa ilang oras na backtracking ng mga otoridad sa mga kuha ng CCTV,
04:33nadiskubre na ilang nangangalakal ang huminto sa lugar para tingnan ng mga basura.
04:38Hindi pa matukoy kung sino'y posibili nag-iwan sa fitos.
04:41Patuloy ang imbisigasyon ng Quezon City Police District.
04:43Hindi sila residente pero sila yung regular na dumadaan lang dito sa kahabaan ng highway na ito
04:49para kumuha ng basura o magpulot ng mga kung ano pwede nila mapakidubang.
04:54And that's what we know so far. James Agustin, Jemmy News.
04:59Dininay ng Moro National Liberation Front o MNLF na itinatago nila si Sen. Bato de la Rosa.
05:06Sinabi yan ng MNLF matapos i-reveal ng DILG na protektado si de la Rosa ng isang grupo sa Mindanao.
05:13Ang giit ng MNLF, wala silang formal na relasyon kay de la Rosa.
05:17Wala rin daw ebidensya ang miyembro si de la Rosa ng MNLF.
05:21Hindi rin siya kaalyado at hindi rin pinoprotektahan ang grupo.
05:24Pero sabi ng MNLF, posibleng may personal at political connection si de la Rosa
05:29sa ilang personalidad na konektado sa MNLF.
05:32Noong biyernas naglaps ang ultimatum para sa pagsuko ni de la Rosa,
05:36kaya pinaiting na ng PNP ang manhunt para sa kanya.
05:40May paya naman si Sen. Ping Lacson sa mga autoridad.
05:44Sa pagtugis daw ng high-profile target o pag-handle ng sensitive life case,
05:49secrecy discipline is key unless necessary raw ang disinformation para sumulpot ang hinahanap.
05:56Sinusubukan pa namin kunin ang reaksyon ng kampo ni de la Rosa.
06:00Pero nauna na silang dumulog sa Supreme Court para pigilan ang pagpapatupad ng 50 million pesos na bounty
06:08para sa kanyang pagkakahuli at harangin ang pagpapaaresto sa kanya ng International Criminal Court.
06:15Isang off-duty na polis mula sa Antipolo ang binugbog ng isang grupo.
06:20Nako Mark, ang sabi raw ay nagbantaro kasi itong polis at akmang bubunot ng baril.
06:25Here's what we know so far with EJ Gomez.
06:27Huli ka dito po sa Antipolo City, ang pangbubugbog ng grupo ng kalalakihan sa isang off-duty na polis Antipolo.
06:36Ayon sa polis siya, nagiinuman ang grupo na napagtripan ang polis.
06:40Pero ayon sa mga saksi, walang nangyaring inuman.
06:44Bigla na lang daw dumating sa lugar ang lasing na polis sakay ng kanyang motorsiklo.
06:50Nangorsonada, nagbanta at nag-akmang maglalabas ng kanyang baril.
07:01Isinukod sa ospital ang nagpakilalang polis na napuruhan sa mukha.
07:05Ayon sa polis siya, totoong polis na may ranggong polis korporal ang lalaking binugog.
07:11Sa inisyal na investigasyon, nagiinuman umano ang grupong sinita ng polis korporal.
07:18Hindi po totoong nagiinuman sila. Naglalaro po sila ng ML dahil po may piso wifi po doon.
07:24Nabiglang may duma na nakamotor.
07:26Nangungusonada po.
07:28Tinanong siya ng mga kabataan na kung ano pong packing niya.
07:31Tapos bigla na lang po nag-bag finger.
07:33Hindi po siya makausap na maayos dahil po lasing siya.
07:37Inakalaro ng grupo na mamamarilang polis kaya nila ito kinuyog.
07:41Inaresto ng antipolipolis ang apat na sangkot sa insidente.
07:45May dalawang minordeedad na nasa kustodiyang ngayon ng Lingap Kabataan.
07:50Sir, totoo po ba na binugbog niyo po yung polis?
07:53No comment po.
07:54Lasing daw po yung polis?
07:56No comment po.
07:57Meron daw po nga inilabas na ba rin?
08:00No comment po mo.
08:02Sinusubukan pa ng GMA News na kuna ng pahayagang sangkot na polis na nagpapagaling pa.
08:07And that's what we know so far.
08:10EJ Gomez, GMA News.
08:13Nasa 459 billion pesos na halaga ng DPWH projects,
08:18ang Finlag ng Commission on Audit o COA.
08:21At si Mav, ikaw ang sumilip ng report na ito.
08:24Ako nga, Mark.
08:25Bakit Finlag, Aver?
08:27Ang sabi kasi ng COA, Mark,
08:28nakita raw nila na inaward yung mga projects sa mga kontraktor
08:31na kaduda-duda o mano yung financial capacity.
08:35Here's what we know so far sa aking report.
08:38Dinat ng Commission on Audit o COA
08:40ang aabot sa 459 billion pesos na halaga ng DPWH projects
08:45mula 2024 hanggang 2025.
08:47Doon sa 2025 COA Audit Report,
08:49lumitaw na 11,391 public projects ang inaward ng DPWH
08:54kahit na may kaduda-duda ang kapasidad
08:56yung mga kontraktor na pondohan nito.
08:58Una, hindi kumpleto ang mga isinumiting dokumento ng contractors
09:02kaugnay ng mga ongoing projects nila
09:04o ongoing contracts.
09:06Dahil dito, malilin ang kompetasyon
09:08ng Net Financial Contracting Capacity o NFCC nila.
09:11Yung NFCC ang basihan ng gobyerno para makita
09:14kung pwedeng mag-bid ang isang contractor
09:16para sa isang proyekto.
09:17Kapag nakakuha sila ng proyekto,
09:19ibinabawas ang halaga nito sa NFCC nila.
09:22Base doon sa audit ng COA,
09:24198 na kontrata ang inaward sa ilang contractor
09:27sa DPWH North Manila District Engineering Office
09:30dahil kwalifikado ang NFCC nila
09:32para doon sa unang proyekto.
09:34Pero binigyan pa sila ng karagdagang mga proyekto
09:36kahit hindi nasasapat yung natitira nilang NFCC.
09:39Kaya sabi ng COA,
09:41pag pinagsama-sama ang mga kontratang inaward
09:43sa pare-parehong kontraktor,
09:45hindi nasapat yung NFCC nila
09:47para pumasasabiding.
09:48Base rin sa audit report,
09:50pinakamaraming na-award na kontrata
09:51sa mga bidder na kulang ang dokumento
09:53sa Ilocos Region,
09:55Northern Mindanao,
09:56Calabarzon,
09:57Cagayan Valley at Central Luzon.
09:59Pinakamalaking halaga naman
10:00ang na-award na kontrata
10:02yung sa Mimaropa
10:03na lampas 65 billion pesos.
10:05Ang sabi ngayon ni DPWH
10:07Sekretary Giovanni Lopez,
10:09ipinadala na nila ang findings ng COA
10:11sa mga implementing office
10:12para tugunan nito.
10:14Hiningan din namin ang pahayag
10:15sinidating DPWH Sekretary
10:17si Manny Bonoan at Vince Tizon
10:18pero wala pa silang tugon.
10:20And that's what we know so far.
10:22Mav Gonzalez, GMA News.
10:24Suportado ng Senate Majority
10:26ang pagpupurga ng mga pork
10:27o yung pagtanggal
10:28ng mga kwestyonable o manong items
10:30sa proposed 2027 national budget.
10:33Sapa yan.
10:34Sabihan ni Sen. Ping Lakson,
10:36United raw silang mayorya
10:38para malinis at transparent
10:40para sa malinis at transparent
10:42na 2027 budget.
10:45Sa isang tweet,
10:47ang sabi ni Lakson,
10:48and we quote,
10:48The majority of Senators
10:50are rallying behind
10:51Senate Finance Committee
10:52Chairman J.V. Ejercito's efforts
10:54to cleanse the 2027 budget
10:56of unwarranted,
10:58whimsical,
10:58and corruption-prone items.
11:00All means all.
11:01Kung baga,
11:02wabakapan daw nila
11:03si Sen. Ejercito.
11:04Una na hung sinabi ni Ejercito
11:08na iimbitahan
11:10ang civil society organizations
11:11na mag-observe
11:13sa paghimay ng bicameral conference committee
11:15na ila-livestream
11:17para maging transparent.
11:18Sa paunang pagre-review ng Senado,
11:21higit 6,000 DPWH projects
11:24ang isinisingit-umano
11:25sa 2027 budget
11:27na aprobado ng Kamara.
11:29Una na ang idinepensa
11:30ng House leaders
11:31ang kanilang naging pag-aproba
11:33sa proposed budget.
11:39Mark, kanina di ba
11:40si Sen. De La Rosa
11:42may isa pang personalidad
11:43na tinutugis ng mga otoridad,
11:45si dating Bureau of Corrections Chief
11:47Gerald Bantag.
11:48Ang tip ay nasa isang
11:50poultry farm daw,
11:51sa Ifugao,
11:52itong si Bantag.
11:53Pa-farm na lang pala si Sir doon.
11:55Ba?
11:55Pero nang puntahan ng pulisya,
11:57wala roon si Bantag.
12:00Nalusutan ba niya
12:01ang pulisya?
12:02What's the fact?
12:06Ayon sa pulisya,
12:08may natanggap silang tip
12:09na nagpapanggap daw
12:10na trabahador
12:11ng poultry farm
12:12si Bantag.
12:13Pero ni Anino ni Bantag,
12:14wala silang naabutan
12:16ang puntahan nito kahapon.
12:17Git ng Police Regional Office
12:19Cordillera Administrative Region,
12:21walang pag-aresto,
12:23kaya walang pagtakas
12:25na nangyari.
12:26Nagpunta roon doon
12:27ang pulisya
12:27para i-verify
12:28ang nakuha nilang tip
12:29tungkol sa possible location
12:32ni Bantag.
12:32Ang pagtitiyak nila,
12:34determinado silang tugisin
12:35si Bantag
12:36na wanted
12:37para sa pagpaslang
12:38sa broadcaster
12:39na si Percy Lapid
12:40noong 2022.
12:41Pina-aresto rin siya
12:42kaugnay sa pagkamatay
12:43ng umano'y middleman
12:45sa Percy Lapid case
12:46na si June Villamore
12:47noong inmate ito
12:48sa Bilibid.
12:49Dati nang itinang
12:50ginibantag
12:50ang mga paratang
12:51sa kanya.
12:53Mav,
12:54tuwing kailang ka dumadalaw
12:55sa mga yumao mong
12:57mahal sa buhay,
12:58ito yung hundas.
12:59Alam mo,
12:59hindi,
13:00kasi sa bahay lang
13:01yung or ng lolo ko.
13:02Nasa bahay siya.
13:16Nasa bahay pa,
13:17ngayong All Souls Day
13:18sila dumadalaw
13:19dahil All Saints Day
13:21daw kasi ang November 1.
13:227,000 ang crowd estimate
13:24ng polisya
13:25sa Angono Cemetery
13:26as of 10 a.m.
13:27Inaasahan pa yung dadami
13:28hanggang gabi
13:29ayon sa Angono Police.
13:31Tuloy-tuloy pa rin
13:32ang dagsa ng mga dumadalaw
13:33sa Manila North Cemetery
13:35today.
13:36Nasa 139,000 na
13:39ang crowd estimate
13:40doon kanina nga umaga.
13:42Naka-alert ko naman
13:43ng mga autoridad
13:43para masiguro
13:44ang siguridad
13:45at kaligtasan
13:47ng mga bumibisita.
13:51Malungkot na balita po,
13:52mga kapuso,
13:53ipinagluloksa
13:54ng showbiz industry
13:55ang pagpanaw
13:56ni Gil Adukal Morales
13:57o mas kilala natin
13:58bilang si Ate Gay.
14:00Pumanaw si Ate Gay
14:01sa edad na 55 years old
14:03kahapon,
14:04November 1,
14:05matapos ang mahigit
14:06isang taong pakikipaglaban
14:08sa cancer.
14:09Here's what we know so far
14:10with Athena Imperial.
14:15Nito lang October 15
14:17nang magdaos
14:18ng living funeral
14:20si Ate Gay
14:20na tinawag niyang
14:21Undas Ko.
14:22Dito nagbahagi
14:23ng kanilang heartfelt messages
14:25ang mga kaibigan
14:26at mahal
14:26sa buhay ni Ate Gay.
14:28Kagabi,
14:29pumanaw si Ate Gay
14:30matapos ang mahigit
14:31isang taong
14:32pakikipaglaban
14:33sa cancer.
14:34Ang pamilyang
14:34kanyang naulila,
14:36labis ang pagtanaw
14:37ng utang na loob
14:38sa lahat
14:38ng mga nagdasal
14:39at sumuporta
14:40sa komedyante.
14:41Bumuhos ang mensahe
14:43ng pakikiramay,
14:44pagpupugay,
14:45at pasasalamat
14:46mula sa showbiz industry
14:48at mga fans
14:49para sa tinagori
14:50ang mashup queen.
14:51Ang kanyang trademark songs
14:53talaga namang tumatak.
15:19Ang nagbibigay saya,
15:21may sarili palang
15:22pakikiba ka.
15:23Noong September 2025,
15:26shinare niya sa publiko
15:27na nakikipaglaban siya
15:28sa cancer
15:29at ang pagsailalim niya
15:31sa chemotherapy
15:32at radiation
15:33para sa bukol
15:34sa kanyang liig.
15:36Labis ang pasasalamat
15:37ni Ate Gay
15:37sa bawat small wins
15:38at sa mga tumutulong
15:40sa kanyang pagpapagamot.
15:42Ayaw!
15:43Wala na akong bukol.
15:45Kunti-kunti na lang o.
15:48Ay, thank you Lord.
15:50I love you.
15:51Thank you Lord.
15:51Nitong October 17,
15:54isinugod muli si Ate Gay
15:55sa hospital
15:56dahil sa septic shock
15:57at acute respiratory failure.
16:00Noong October 29,
16:01nagkaroon ng damage
16:03sa kanang bahagi
16:04ng kanyang utak
16:04dahil sa stroke
16:05bago pumanaw.
16:07Sa kanyang naging pakikibaka,
16:09kumapit siya sa may kapal.
16:12Minsan nakakalimutan
16:13kung magdasal.
16:15Nakakalimutan
16:16kung magsimba.
16:18Dapat pala
16:19oras-oras
16:20lahat ang ginagawa mo
16:21ipagdasal mo.
16:23Iyon ang natutulan ko dito.
16:25Paalam at salamat,
16:27Ate Gay.
16:27And that's what we know so far.
16:29Athena Imperial,
16:30GMA News.
16:39Caught on cam
16:40ang aktual na pagbagsak
16:42na isang private jet
16:43na yan
16:43sa isang residential area
16:44sa Florida, USA.
16:46Sumabog at tagliabang eroplano
16:48pagsalpok sa lupa.
16:50Siya mang nasawi
16:51sa insidente.
16:52Malak rater
16:53ang nalikanang pagsabog
16:54sa kalsada.
16:55Ayon sa Federal Aviation
16:57Administration,
16:58mula Texas-Pabahama sana
17:00ang Learjet 16
17:01nang bumagsak ito.
17:02Inaalam pa
17:03ang sanhinang crash.
17:09Ma'am,
17:10aminin mo.
17:11Aminin mo,
17:12minsan nakaka-stress
17:13yung interview
17:14ng immigration.
17:15Di ba kapag may flight ka?
17:16Oo.
17:17Di ba yung flight abroad?
17:18Totoo.
17:18Anong nginig factor?
17:20Kahit ilang beses ka
17:21nang lumabas ng bansa,
17:22palagi pa rin akong
17:23kinakabahan
17:23pag-immigration.
17:24Tsaka alam mo Mark,
17:25di ba mayroong
17:26mga ilang horror stories dito
17:28kagaya na lang
17:28yung hinanapan daw
17:29ng yearbook,
17:30ganyan.
17:31Pero,
17:31eto na,
17:32may possibility raw
17:33na mawala na
17:34ang immigration interviews.
17:36Gusto kasing
17:37i-recommend
17:38ni Transposition
17:38Secretary Vince Disson
17:40sa Pangulo
17:40na buksa na for all
17:42ang e-gate sa NIA.
17:44Mas mabilis kasi
17:44ang processing dito
17:45dahil gumagamit ito
17:46ng automated systems
17:48sa pag-verify ng identity,
17:50facial recognition
17:51at biometrics.
17:52Pero sa current setup,
17:54pag-outbound
17:54o palabas ng Pilipinas,
17:56ang pwede lang gumamit
17:57ng e-gates
17:58ay ang mga foreigners
17:58at OFW.
18:00So,
18:00yung ibang Filipino
18:01passengers na babiyahe,
18:02dadaan sa manual
18:03verification and interviews
18:05ng immigration officers.
18:08Ma'am, kapag sa arrival naman,
18:10kabaligtaran.
18:12So, Filipino passengers lang
18:14ang pwedeng gumamit
18:15ng e-gates.
18:16Sabi ni Secretary Disson,
18:18no-brainer daw yan
18:19kasi dapat lahat
18:20ng pasahero
18:20ay comfortable.
18:22E ano naman kaya
18:23ang say
18:24ng netizens dyan?
18:25Check nga natin
18:26ang ating
18:27comsec.
18:29Eto,
18:30dapat lang daw
18:30para mas mabilis
18:32ang proseso.
18:33Masyado na raw
18:33kasing behind
18:34ang bansa
18:34kapag airport
18:35ang usapan.
18:37Ang share naman ni Catherine,
18:39kakadaan lang daw niya
18:40ng e-gates
18:40at wala pang 5 minutes.
18:42Tapos na.
18:43Wow.
18:43Ang concern naman
18:44ng isa,
18:46makadumami ha,
18:46yung mga nagtit-TNT
18:48o yung mga
18:48tago ng tago.
18:50Bigo naman ang isa
18:51kung kailan naman
18:53hindi makapag-abroad
18:55dahil saan niya
18:56yung krisis.
18:59Ah, okay.
19:00Oo.
19:00Pero alam mo,
19:01okay nga yun
19:01pagka dumadaan ka
19:02sa e-gate,
19:03minsan lang kasi
19:04ang nagiging aberya doon,
19:05hindi mabasa yung passport.
19:06Oo nga.
19:07Tapos pupunta ka rin doon
19:09sa Banyuan.
19:09Oo, pupunta ka rin
19:10ng pila.
19:11Tama.
19:11Tapos minsan
19:11nababatre,
19:12pagbiglang kakat ka.
19:13Eh, di pipila ka na rin
19:15doon sa Banyuan.
19:15Napagka haba-haba naman.
19:17Oo nga.
19:18Pero diba,
19:18sobrang okay ito
19:19kapag naipatupad
19:20dahil una,
19:22it was anxiety,
19:23diba?
19:23Ang pagpunta sa airport
19:25ay nakakastress na.
19:26Huwag na nating dagdagan pa
19:27ng immigration interview
19:29na nakakastress.
19:30Pak na pak.
19:30Pero yung sabi nila,
19:31Mark, diba,
19:32na baka raw kasi mag-TNT.
19:34Pag wala ng interviews.
19:35Tino, Mark?
19:38Ayaw na talaga
19:39may tiwala.
19:40May tiwala.
19:41May tiwala si Mark
19:42sa mga vakasyonista natin.
19:45Tama.
19:45Ayan.
19:51Mav,
19:52nakapag-Halloween costume ka na ba noon?
19:54Bila ikaw si Maleficent.
19:56Ay, white lady.
19:58Palagi akong white lady.
19:59White lady?
19:59No effort.
20:00No effort kasi maputla na ako.
20:02Oo nga,
20:02so yun ang peg mo lagi dati.
20:04Oo, pero ito.
20:05Ang ilan sa agaw pansing costumes
20:08ngayong Halloween.
20:11O, ayan.
20:12Nananakos.
20:13Pero nagtatago.
20:14O, ganyan na atake.
20:16Naisang babae
20:17nang mag-commute
20:18suot ang kanyang
20:18scary costume.
20:20Kwento ni Yus Cooper Kitty.
20:21Ay, 5,000 pesos kasi ang premyo
20:24sa Halloween contest
20:25sa office nila.
20:26Eh,
20:26kaya kahit
20:27dignidad na ang kapali
20:29ay Ted Manat
20:30magtago na lang
20:31sa cortina.
20:33Ito naman.
20:34Pang 5,000 talaga ito.
20:36Imbis na sa Nietzsche
20:37ipasok
20:38e sa isang mall
20:38sa Bohol
20:39ang final destination
20:41ng kabaong.
20:42Kwento ng uploader
20:43na si Jordan
20:44one in a million kasi
20:45ang magpasok ng kabaong
20:47sa mall
20:47of all places.
20:48Kaya nang maimbitahan siya
20:50para mag-check or treat.
20:51Yan ang naisip niyang
20:52pak na pak na idea.
20:54Ang hoy.
20:55Ang hoy naman
20:56ng make-up ni
20:57ni Bangkay.
20:58Pero ang effort, no?
21:00Dapat meron ding award
21:01yung mga nagbuhat
21:02ng...
21:10Sasa'yo ba tayo naman?
21:13O, pero alam mo,
21:14ikaw ba nag-Halloween?
21:15Wala-wala.
21:16Hindi sa amin kasi
21:16sa probinsya,
21:17ano yun,
21:18nangangaluluwa tawag sa amin.
21:19Kumakanta-kanta kami
21:20sa mga bahay-bahay
21:22as our...
21:23In character,
21:24ano?
21:25As ourselves.
21:27O, yan.
21:27Tapos binibigay siya amin
21:28sumang malagkit,
21:30gano'n.
21:30O, saan yan?
21:31Ibang-iba sa mga village ninyo
21:33kasi.
21:34Ay, hindi.
21:34Sabi ni rin,
21:35hindi uso yung Halloween
21:37sa amin, eh.
21:37Sa Amerika yata
21:38uso yung mga ganyan,
21:40hindi, no?
21:40Hindi, hindi.
21:41Yung pagka nagko-costume ka
21:42tapos nag-tick or treat
21:44kayo, ganyan.
21:44Hindi uso nung baka ako, eh.
21:46Wala sa village nyo?
21:47Babawi ko na lang sa anak ko.
21:49Eh, tako.