00:00Wala ng tahanan ng siyam na pamilya sa sunog na sumiklab sa Quezon City kagabi.
00:06Ang apoy nagsimula umano sa poste ng kuryente.
00:10Nakatutok si Gabriel Gonzalez.
00:16Ganito kalaking apoy ang bumulabog sa mga residente ng Putol na Daan Street
00:20sa barangay Greater Lagro, Quezon City, dakong alas gis kagabi.
00:25Itinaasay katlong alarma ang sunog
00:27dahil sa mabilis ang pagkalat ng apoy sa mga bahay na gawa sa light materials.
00:3155 truck ng bumbero ang rumesponde.
00:34Isinalba ng mga residente ang ilang gamit at appliances.
00:38Si John Paul, karga-karaga pa ang anak ng sanggol ng Lumicas.
00:42Labis-labis daw ang pag-aalala niya dahil malapit lang sa kanilang bahay ang sunog.
00:47Nag-panic yun, natataranta.
00:50Biglang sabog po kasi yung sa likod.
00:53Nagulat po kami lahat dito.
00:54Lahat po ng gamit namin, nilapas po namin.
00:56Tapos tinulungan namin yung mga upahan din namin.
01:01Umakyat sa mga bubong ang mga bumbero para apulahin ang sunog.
01:05Ang mga residente naman, nagtulong-tulong na mapuna ng tubig ang mga truck ng bumbero.
01:10Napaiyak na lang ang ilang residente dahil wala silang naisalbang kahit ano.
01:14Nawala po yung mga birth certificate ng anak ko, yung mga ATM namin.
01:19Wala na po kami nasalba, wala po kami nagawa.
01:23Biglaan na lang po talaga.
01:24Si Virginia, bagamat malayo pa ang apoy sa kanila,
01:28kusanang lumikas kasama ang pamilya,
01:30inuna raw niyang ilikas ang mga alagang pusa at aso.
01:33Sinanaman na namin siyempre kawawa sila, pamilya na namin yan.
01:37Ayon sa Bureau of Fire Protection,
01:39abot sa labing tatlong bahay ang natupok ng apoy
01:42at tinatayang siyem na pamilya ang nawala ng tirahan.
01:45Nagkaroon po ng ano,
01:47sa poste po yung electrical service line.
01:51Doon po nagsimula yung sunog natin
01:53at naapektuhan yung mga bahay.
01:55Sumabog inaimbisagan pa po ng ating mga investigator sa ngayon.
02:00Sa barangay muna tutuloy ang mga nasunugan.
02:03Bago mag-ilas 12 ng ating gabi na apula ng apoy,
02:06wala namang naiulat na nasaktan o nasawi.
02:09Gabriel Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.