00:00Ticklo sa Kabanatuan, Nueva Ecija, ang isang Japon na membro umano ng sindikato at nambibiktima ng mga senior citizen.
00:09Nakatutok si John Constulta.
00:15Pauwi na sana sa kanyang bahay ang target na Japanese fugitive nang abutan siya ng tracker team ng Bureau of
00:21Immigration Fugitive Search Unit.
00:22You are under arrest.
00:25High profile na pugante siya na member ng isang Japan-based transnational crime syndicate kaya di naging madali ang paghuli.
00:32Sangkot umano ang sindikato sa mga special fraud scheme na mga senior citizen ang tinatarget biktimahin.
00:39Ang grupong ito ay mga former Yakuza kung saan nabuo yung grupo nila dito sa Pilipinas 10 years ago.
00:44Nung hindi pa sila wanted itong grupo na ito ay nag-invest yan sa online sabong.
00:48360 million pesos ang natangay daw ng sindikato ng sospek sa mga biktima sa Japan na nakapatay pa ng isang
00:55senior citizen nang pasukin nila ang bahay nito.
00:58Back in 2019, nag-set up sila dito ng call centers.
01:02At nagtatawag sila ng mga kanilang biktima sa Japan, nagpapanggap sila ng mga police officers.
01:08At dun nga sila mag-uumpisa na kunin yung detalye ng mga bangko ng kanilang biktima.
01:13At later on, magpapadala din sila ng tao sa bahay ng kanilang biktima upang kunin yung ATM.
01:18Wala pang pahayag ang suspect na nakakulong na sa BI Retention Facility sa Bikutan.
01:24John Consulta, Nakatutok 24 Horas.
Comments