Skip to playerSkip to main content
Hiniling ng Prosecution na magamit ang recorded interviews ng tatlong testigo nito laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa paglilitis ng International Criminal Court.


Ilan sa laman ng kanilang testimonya, ang Oplan Tokhang na nakatuon umano sa pagpatay at ang mga pagpaslang sa pamamagitan ng mga kuwentong nanlaban. #24Oras


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hiniling ng prosekusyon na magamit ang recorded interviews ng tatlong testigo nito laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa paglilitis
00:10ng International Criminal Court.
00:13Ilan sa laman ang kanilang testimonya? Ang oplang tokhang na nakatuon umano sa pagpatay at ang mga pagpaslang sa pamagitan
00:21ng mga kwentong nanlaban.
00:24Nakatutok si Bob Gonzalez.
00:30Bago pa man magsimula ang paglilitis ng International Criminal Court o ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, may hiling na
00:37ang prosekusyon para raw mapabilis ito.
00:39Sa request na final kahapon ni Acting Prosecutor Mami Mandiay Niang, hiling nilang gamitin ang recorded interviews ng tatlong witness
00:47laban kay Duterte para di na raw ito ulitin sa korte at makatulong para di magtagal pa ang trial.
00:52Naka-blackout ang maraming detalye sa public version ng mga salaysay ni na witness P1097, P1170 at P1318 para protektahan
01:03ang sensitibong impormasyon ng mga testigo.
01:06Kasama raw sa mga patutunayan ng mga testigong ito, ang papel ng Philippine National Police sa War on Drugs, ang
01:12pagbabago sa kapulisan ng maupo si Duterte bilang Pangulo, at ang individual criminal liability ni Duterte sa pagtukoy ng high
01:20-value target sa mga drug watch list.
01:22Nagtutog ma raw ang kwento ng tatlo at suportado ng ebidensya.
01:26Sabi ni witness P1097, pagpatay, imbes nakatok at pakiusap ang tukhang, naglagay pa umano sila ng warning placards sa ilang
01:35biktima.
01:36Ebidensya raw ito na tinarget ang ilang individual bilang high-value targets at inilagay sa narco list ni Duterte.
01:42Sa testimonya naman ni witness P1170, maipapakita raw ang mga akusasyon ni Duterte sa publiko na sangkot sa iligal na
01:50droga ang ilang individual na kalaunay napasama sa PRRD list.
01:55Habang si witness P1318, ipinaliwanag ang Operation Double Barrel at Tukhang, kabilang ang ilang pagpatay na staged umano sa pamamagitan
02:04ng kwentong ng laban, pagtatanim ng ebidensya at cover-ups.
02:08Sabi ng prosekusyon, pupunta pa rin naman sa korte ang tatlo para kumpirmahin ang salaysay nila at matanong ukol dito
02:15kaya hindi naman anilang mayuyurakan ang karapatan ni Duterte.
02:19Samantala, hiniling naman ang depensa sa ICC na i-reject ang aplikasyon ng prosekusyon na i-admit ang recorded testimony
02:26ni witness P1357 para magamit ang testimonya niya sa korte kahit hindi siya humarap dito.
02:32Sabi ni Defense Counsel Peter Haynes, ganitong tipo ng individual ang pinapaalis ng ICC trial chamber sa listahan ng prosekusyon,
02:40hindi ani at tumutugon ang testimonya niya sa research, mga aligasyon o findings.
02:45Nihindi raw pamilyar ang testigo sa mga pangyayari.
02:48Sa recorded testimony ni witness P1357, tinidetali ang operasyon ng Davo Death Squad.
02:55Hindi rin daw iko-cross-examine ang depensa si witness P0024 dahil natugunan na raw nila ang mga pahayag nito.
03:03Kahapon sa ikalima at huling status conference bago ang pagsisimula ng trial proper sa November 30,
03:09inilatag sa trial chamber na may opening statement ang Office of the Prosecutor, Legal Representatives of the Victims, at magsasalita
03:16rin daw ang depensa.
03:18Giniit din ang korte na dapat dumalo si Duterte sa mga pagdinig.
03:22Hindi papayagan ang mga salitang Tagalog, batay na rin sa Rome Statute na English at French ang lenguahe sa ICC
03:28trial.
03:29Five witnesses ang nakatakdang iharap ng prosekusyon hanggang Disyembre bago ang Christmas break ng korte.
03:3529 na testigo naman ang gusto nilang iharap via videoconference.
03:39May posibilidad din na mag-iba ang oras ng trial dahil sa time difference ng The Hague sa bansa kung
03:44nasaan ang mga testigo.
03:46Mav Gonzalez, ng Katutok, 24 Oras.
03:52Mav Gonzalez, ng Katutok, 24 Oras.
Comments

Recommended