Skip to playerSkip to main content
P8.8-B halaga ng 295 infrastructure projects, aalisin ng Senado dahil kulang ang mga DPWH document 


Walang pondo kung walang kaukulang dokumento.


Iyan ang iginiit ng Senado kaya halos P9 billion na halaga ng proyekto ang aalisin sa budget ng Department of Public Works and Highways sa susunod na taon. #24Oras


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Walang pondo kung walang kaukulang dokumento.
00:04Yan ang iginiit ng Senado.
00:06Kaya halos siyam na milong pisong halaga ng proyekto
00:09ang aalisin sa budget ng Department of Public Works and Highway
00:13sa susunod na taon.
00:15Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:22Target ng Senado na mapapirmahan sa Pangulo
00:25ang 2027 National Budget sa unang bahagi ng Desyembre
00:29Kaya ayon kay Senate Finance Committee Chairman J.V. Ejercito
00:34puspusan ang paghahanda sa committee report
00:37Pero ngayon pa lang, sinabi na ni Senate President Sherwin Gatchalian
00:42na aalisin ng Senado ang 295 infrastructure project
00:47na nagkakahalaga ng 8.8 billion pesos mula sa panukalam budget
00:52Ang dahilan daw, kulang ito ng kaukulang mga dokumento
00:56mula sa Department of Public Works and Highways
00:59o DPWH.
01:01Inanunsyo ito ni Gatchalian matapos matanggap ang sulat
01:04mula sa dating DPWH Secretary Vince Dizon
01:08na may natagpuan sila na 295 projects
01:12na hindi nakasunod sa mga requirement ng DPWH.
01:16Matatandaang sa pagdinig ng budget ng DPWH
01:19noong September 25,
01:21sinabi ni Gatchalian na ilang red flags
01:23ang nakita ng kanyang team sa proposed DPWH budget.
01:27Kabilang ang mga maling geographical coordinates
01:30na tumutukoy sa lokasyon ng mga proyekto,
01:33mga proyektong tinilad-tilad
01:36pero bahagi ng isang malaking proyekto,
01:39overlapping projects at iba pa.
01:42Sabi ni Gatchalian,
01:43nasa 7,000 mahigit na projects
01:46ang nakitaan ng red flag.
01:48Ano niya, kung walang kaukulang dokumento,
01:50walang pondo para sa proyekto.
01:52Titiyakin daw ng Senado na walang puwang
01:55sa pag-abuso sa kabanambayan
01:57lalo na raw ngayong mahina
01:59ang usad ng ekonomiya.
02:01Nito ang nagdaang biyernas naman,
02:03nakipagpulong si Ehersito
02:04kina DPWH Sekretary Giovanni Lopez
02:07at DOTR Sekretary Vince Disson
02:10kauglay sa mga proyektong kailangang pondohan.
02:13Ngayong araw,
02:14ang deadline na ibinigay nito sa DPWH
02:17para magsumite ng documentary requirements
02:20at justification
02:21para sa mahigit 6,000 infrastructure project
02:25na inilagay ng kamera sa proposed budget.
02:29Ano niya,
02:29ang mga proyektong hindi sapat ang dokumento
02:32ay aalisin nila.
02:33Sa pagsusuri ng Senate Finance Committee,
02:36ang infrastructure projects ay lumobo
02:38sa 16,244 sa kamera
02:41mula sa 11,420 projects
02:44na inilagay ng ehekutibo
02:46sa National Expenditure Program.
02:49Sinabi naman ni Ehersito
02:50na hindi niya sinasabing
02:51ang mga insertion ng kamera
02:53para sa mga distrito ay maanumalya
02:56pero dapat daw matiyak na mga proyektong
02:59na pondohan ay sumusunod
03:02sa requirements at talagang kailangan.
03:04Sandra Aguinaudo na Katutok, 24 Horas.
Comments

Recommended