00:00Sinutulan ng isang grupo ng mga negosyante ang pansamantalang pagbubukas ang busway sa EDSA Southbound para sa mga pribadong sasakyan.
00:08Ayon sa Management Association of the Philippines para sa mga pasahero ang busway at hindi sa mga pribadong sasakyan.
00:15Mas mainam daw kung dagdagan ang bilang ng mga bus at istasyon para mas mapadali ang biyahe ng mga commuter.
00:23Sinabi ng grupong MAP kasunod ng pahay ng Transportation Secretary Vince Dizon nitong lunes na pansamantalang bubuksan sa mga pribadong
00:31sasakyan ng EDSA busway habang nagpapatuloy ang Phase 2 ng EDSA Rehabilitation.
00:36Paglilinaw naman ang Departement ng Public Works and Highways, eksklusibo pa rin sa mga bus carousel ang busway.
00:42Ang maaari daw gamitin ng mga pribadong sasakyan ay ang Lane 1 hanggang Lane 4 ng EDSA Southbound sa loob
00:49ng dalawang linggo.
00:50Patuloy ang pagpatupad ng traffic management measures ng DPWH, katuwang ang MMDA para mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko.