00:00Pwedeng matuloy ang confirmation of charges hearing, pero hindi maaaring umusad ang paglilitis kung hindi maaaring po si Sen. Mato
00:11de la Rosa.
00:12Ayon po yan sa abogado ng mga biktimang dumulog sa International Criminal Court o ICC. Nakatutok si Maris Umay.
00:24Matapos sabihin ni DILG Secretary John Vic Remulia na nagpapahirap sa pagtugis kay Sen. Mato de la Rosa ang kanyang
00:31pagiging dating PNP chief at alumnus ng Philippine Military Academy, inilabas ni Palace Press Officer Claire Castro ang hamo na
00:40ito sa PNP.
00:40Ang inyong bandato ay magpatupad ng batas. May valid warrant of arrest so hindi pwede na kayo ang magdesisyon kung
00:50huhulihin niyo o hindi niyo huhulihin si Sen. Mato de la Rosa.
00:54Hindi dahil siya ay dati niyong naging chief, hamo na ito mismo kay General Natates Jr.
01:01Sa isang pahayag sinabi ni PNP chief police General Jose Melencio Nartates na mananatiling nakafokus ang kapulisan sa pagpapatupad ng
01:09warrant of arrest ng walang kinikilingan o pinapaboran kahit sino man.
01:14Titiyakin daw na hindi matatakot o mangingimi ang mga pulis na arestuhin si de la Rosa.
01:20Wala raw epekto ang dating posisyon ng senador sa PNP sa pagtugis sa kanya.
01:24Sabi pa ni Nartates, wala raw posisyon, ranggo o personal na ugnayan ang nakakahigit sa batas.
01:31As to the manhunt for Sen. Mato de la Rosa, we have made our position abundantly clear.
01:37We will not shy away from our duty. We will implement the warrant of arrest.
01:42Sa kabila ng P50 million reward, nananatiling mailap si Sen. de la Rosa.
01:48Ayon kay Atty. Cristina Conti, assistant to counsel sa ICC para sa mga biktima at pamilya nila,
01:53kung di mahagilap si Bato, pwede naman daw matuloy ang confirmation of charges hearing niya sa ICC
01:59bilang indirect co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
02:02Pwede magkaroon kasi ng confirmation of charges hearing in the absence of the suspect.
02:11Nangyari yun last September lang sa kaso ni Joseph Coney, na hindi nila matukoy-tukoy kung nasaan,
02:18pero ang tagal na nakabimbin yung kaso.
02:21So sa confirmation of charges hearing, posibleng absent yung akusado.
02:25Base sa Rome Statute 61-2, pwedeng magsagawa ng confirmation of charges laban sa isang akusadong hindi pa mahanap
02:32kung tumakas ito at hindi na matagpuan sa kabila ng mga makatwirang hakbang para mahanap.
02:37Pero dapat daw, may abugado siyang haharap sa korte at kailangan pumayag ang pre-trial chamber judges.
02:44Pero pagkatapos nito, hindi na aandar ang trial hanggang sa maiharap ang akusado sa korte.
02:49Ganito ang nangyari noong September 2025 nang itinuloy ng ICC pre-trial chamber
02:55ang confirmation of charges hearing ng Ugandan warlord Joseph Coney
02:59sa kasong 39 counts ng war crimes at crimes against humanity.
03:032005 pa siya inisuhan ng warrant of arrest pero hindi mahagilap.
03:07Ang sabihin ng court, masyadong matagal na tayong naghihintay para sa paghuli nitong ganitong suspect.
03:14Kaya may hihiling dyan na pwede bang mag-proceed kami without the presence of the suspect.
03:22Ang ganitong pag-alaw ng kaso, kahit papano, malaking bagay daw sa mga biktima.
03:27Pero sabi nga nila, para sa mga biktima, importante na naging malinaw at kahit paano, may usad sa kaso.
03:35May 11, 2026, na isa publiko ang warrant of arrest ng ICC laban kay Dalarosa.
03:40Nagtabu siya at nagpakita noong May 11 sa Senado. Matapos ng tatlong araw, tumakasulit ito.
03:46Ang dumulog muli sa Korte Suprema si Sen. Dalarosa para pigilan ang pagpapatupad ng ICC warrant.
03:52Paliwanag ni Atty. Conti, ICC lamang ang may kapangyarihan magkansela ng sarili nitong warrant.
03:58Kaya sa ICC rin daw dapat hamunin ni Dalarosa ang horisdiksyon ng Korte.
04:04Sabi ni Conti, walang kapangyarihan ng Supreme Court na baligtarin o kanselahin ang warrant of arrest na inilabas ng ICC
04:11laban kay Dalarosa.
04:12Ang pwede lang daw nitong gawin ay suriin ang paraan ng pag-aresto kay Bato.
04:17Maris Umali na Katutok, 24 Horas.