00:00Mas maasahang kuryente at mas matatag na enerhiya sa bansa
00:04ang inaasahang ampag ng Malampaya Onshore Gas Plant sa Batangas City.
00:10Kanina pinunahan ni Pangulong Bongbong Marcos
00:12ang ceremonial first gas activation ng Malampaya Phase 4 Project.
00:18Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na makakatulong ito
00:21sa pagkakaroon ng reliable energy sa gitna ng mahal na krudo at banta ng Super El Niño.
00:28Nakamit na ng Malampaya Phase 4 ang first gas milestone nito
00:32matapos makapag-drill at makapag-test ng natural gas
00:37mula sa Malampaya East 1 and Camago 3 Wells
00:40at pagkonekta nito papunta sa Malampaya Production Platform.
00:45Inaasahang makakapag-generate ito ng mahigit 31 billion kilowatt hours na kuryente
00:51at aabot sa mahigit 13 milyong Pilipino
00:55ang makikinabang dyan sa loob ng isang taon.