00:00Very strong na ang El Niño o lumakas pa ayon sa pag-asa.
00:05Asahan po ang posibleng pag-init pa ng panahon at ang pagbawas ng tsyansa ng pag-ulan.
00:11Pero po sa Benguet, nagyelo ang ilang tanim.
00:14Saksi si Jamie Santos.
00:19Very strong na ang umiiral na El Niño ayon sa pag-asa.
00:23Kaya asahang lalo pang titindi ang epekto nito gaya ng pag-init ng panahon
00:28at nababawas ang tsyansa ng mga pag-ulana.
00:30Pero sa ilang bahagi ng Benguet, nabalot ng yelo ang mga pananim ngayong araw.
00:35Ito ang frost o undap na ayon sa ilang residente ay nangyayari sa pagitan ng alas 6 hanggang alas 8
00:42kaninang umaga.
00:43Umangot sa 12.6 degrees Celsius ang naitalang temperatura roon ayon sa pag-asa.
00:48Pusible pala ito kahit may super El Niño.
00:51Paliwanag ng pag-asa, hindi pa rin naman inaalis ang tsyansa ng frost o undap sa gitna ng El Niño
00:56lalot naryan na rin ang amihan.
00:59Pagpasok ng hanggang amihan ay nagkakaroon ng mas malalamig na temperatura
01:02lalong-lalo na sa hilagang bahagi ng ating bansa kasama na dyan ang Cordillera Mountain Range.
01:09At posible ito magpatuloy sa katil naunan ng hanggang amihan.
01:15Kabaliktaran ang naranasan sa Dagupan City kung saan dahil sa matinding init,
01:19kanselado ang face-to-face classes sa lahat ng pampublikong elementary at secondary schools.
01:24Inatasan muna ang mga paaralang magpatupad ng alternative learning modalities.
01:28Sa Metro Manila, may mga gumagamit ng yelong idinadampi sa katawan para hindi mainitan.
01:34Magano lang yung yelo tapos gano'n-ganon sa ano.
01:39Ang nagawa ko lang, pag wala akong biyahe, magpapay nga lang ako sa mga ganito. May puno.
01:46May ano na po kami dito, may ano yung kumot, iarang para di maindit.
01:52Ayon sa pag-asa, sa Desyembre pa inaasahan ang peak o rurok ng Super El Nino
01:57at ang pinakamatinding epekto nito sa susunod na taon pa mararanasan.
02:02Ang possible kasi ng potential impact ng Very Strong El Nino
02:06is yung mas lalawak yung mga areas na merong malaking kabawasan sa tubig ulan
02:11na maaaring more than 60% ng kanilang natatanggap na normal na ulan.
02:16Yun ang posibleng mawala or mabawas sa kanila.
02:19At posibleng po itong magtatagal until first quarter of 2027
02:24or yung mga areas po na pwede pa pong mag-extend yung prolonged dry condition
02:29until first half of 2027.
02:33Sa forecast ng pag-asa, posibleng umabot sa 39.5 degrees Celsius
02:37ang maximum daytime temperature sa April 2027.
02:41Maaaring mas mataas pa po dun sa 39.5 degrees centigrade
02:45ang posibleng maranasan ng ibang lugar sa ating bansa.
02:49Lalong-lalo na po kapag tapos na yung amihan,
02:52papasok na tayo sa dry season months natin.
02:54Abiso ng pag-asa sa publiko,
02:56bantayan ng mga vulnerable sa mataas na temperature
02:59tulad ng mga sanggol at mga bata,
03:01senior citizen at mga buntis.
03:03Dapat maging alerto sa mga sakit na nauugnay sa matinding init
03:07at maiging magtipid sa paggamit ng tubig at kuryente.
03:11Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.