Skip to playerSkip to main content
- Food cart, sinalpok ng sedan; tindero, sugatan


- Tauhan ng jewelry shop, hinoldap; halos P2M halaga ng alahas at cash, natangay


- Driver ng SUV kung saan sumabit at nahulog ang tinakasan niyang seller, arestado


- Umano'y ilegal na pagawaan ng paputok, sumabog at nasunog; 5 nasawi


- Ex-speaker Romualdez, may personal assistant sa kulungan ayon sa warden ng New QC Jail


- PWD, nasawi sa sunog na hinihinalang nag-umpisa sa natumbang gasera; 9 bahay natupok


- Batang tumakbo patawid ng kalsada, nabangga ng motorsiklo; kritikal


- Assoc. Justice Rodil Zalameda, itinalagang bagong Supreme Court Chief Justice


- Sumukong may-ari ng crematorium sa Bulacan: 'Di kinaya ang dami ng pinapa-cremate ng crematorium sa Cavite kaya itinapon ang mga hayop


- ICYMI: Bagong silang na sanggol, natagpuan sa inidoro


- View ng Bukidnon Ridges, puwedeng ma-enjoy on horseback


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:04Oh my God!
00:07Oh my God!
00:23Tumila po ng food cart na yan matapos salpukin ang kotse sa Alang Alanglite.
00:28Nagpagewang-gewang ang sedan at tuluyang nabangga ang food cart.
00:32Sugatan ang tindero.
00:34Naaresto ang driver ng sedan na nakainom ayon sa polisya.
00:37Sinuspindi ang kanyang lisensya at pinagpapaliwanag siya ng Land Transportation Office.
00:46Bago ngayong gabi, hindi ang katatagpuing customer kundi riding in tandem
00:50ang sumalubong sa tauhan ng isang jewelry shop na magdadeliver sana ng alahas.
00:55Halos 2 milyong pisong halaga ng alahas at cash ang natangay.
00:59May report si Mav Gonzalez.
01:04Nag-aabang ang lalaking ito sa customer ng ibinibentang alahas
01:07sa Lower Bicutan, Taguig City kahapon ng umaga.
01:10Maya-maya, dumaan ng riding in tandem at sapilitang kinuha ang kanyang bag
01:15na naglalaman ng cash at mga alahas.
01:17Ayon sa may-ari ng jewelry shop, staff nila ang lalaki na makikipag-meet up dapat
01:22sa umorder sa kanilang online shop.
01:24Tuesday pa lang po, afternoon, nag-ano na po sa kanya, inquire na po yung tao na yun.
01:31Tapos, balak pong magbenta ng gold na 18K at 21K na gold.
01:38Through messenger po, kaumaga po yung magiging transaksyon.
01:42Umalis po sa bahay yung tao namin lang nakakating po siya sa pinagbukulod street.
01:46Dahil araw naman daw ay pumayag sila.
01:50Dala pa ng staff ang 360,000 pesos na cash at mga alahas na idedeliver dapat nung araw na yun
01:56na aabot sa 1.5 million pesos ang halaga.
01:59Sa CCTV footage, makikitang tumigil sa tabi ng biktima ang isang asul na motorsiklo na walang plaka.
02:06Tinutukan daw ng baril ang biktima at nang ayaw nitong ibigay ang bag niya,
02:10pwersahan na itong kinuha.
02:12Inalis nila ang helmet ng biktima na halos mahubaran na.
02:15Agad ding tumakas ang mga sospek.
02:18Two minutes lang po, nandunan sa likod niya.
02:20Tapos yun ang po yung incident sa CCTV na kina-hold up na po siya,
02:24kinuha na po yung bag niya.
02:25Tinutukan na po siya ng baril nung isang lalaki na nasa likod niya.
02:31Binigay niya na lang po.
02:32Maayos naman daw ang lagay ng staff nila pero nagkatroma.
02:35Patuloy na hinahanap ng polisya ang dalawang sospek.
02:39Nag-alok ng cash reward ang may-ari ng jewelry shop para sa makapagtuturo sa kanila.
02:43Sinusubukan naming hinga ng pahayag ang polisya pero wala pa silang tugon.
02:47Mav Gonzalez, GMA News.
02:50Sa pangbago ngayong gabi, naaresto na ang driver ng SUV kung saan sumabit at nahulog ang tinatakasan niyang seller ng
02:56cellphone.
02:57Ayon sa polisya, natunto ng SUV sa barangay Pasong Tamo sa Quezon City sa tulong ng mga CCTV.
03:04Pusa raw na sumama sa polis ang sospek at dinala sa Madaluyong City Police Station.
03:08Batay sa investigasyon, nagpanggap ang sospek na bibili ng cellphone na 56,000 piso ang halaga.
03:15Sabi raw ng sospek sa seller, wala siyang dalang pera.
03:19Nagkunwari ang sospek na magwi-withdraw at isinakay sa SUV patungong bangko ang biktima at nobyo nito o nobya nito.
03:26Pero pagdating sa bangko, pinababa ng sospek ang dalawa at inutosang alisin ang harang sa kadena ng parking.
03:34Pagbaba nila, iniharurot ng sospek ang SUV pero sumabit ang seller at kalaunay nahulog.
03:41Mahaharap sa kasong robbery with homicide ang sospek.
03:45Sang hinihinalang iligal na pagawa ng paputok ang sumabog at nasunog sa Malasiki, Pangasinan.
03:51Magkakaanak at atlo sa limang nasawi, kabilang ang isang bata na langungupahan sa lugar.
03:57May report si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
04:04Malakas na pagsabog ang bumulabog sa mga taga-barangay Tabosili sa Malasiki Pangasinan kagabi.
04:12Niyanig pati ang ilang bahay.
04:13Kahit nasa gitna ng bukid at 600 metro ang layo ng pagsabog sa mga bahay.
04:19Sumiklab ang apoy at patuloy ang pagputok.
04:31Wasak ang mga istruktura, nagliparan ang mga yero sa paligid.
04:35At pati isang sasakyan, natupok.
04:37Ang mas masaklap, lima ang nasawi sa pagsabog, kabilang ang isang batang babae.
04:42May dalawang nakaligtas.
04:44Sa investigasyon ng pulisya, hinihinalang iligal na paggawaan ng paputok ang lugar
04:49at ginagawang imbakan na mga paputok ang bahay.
04:52Nagkaroon ng isang suspected nga na imbakan o paggawaan
04:58dahil walang kaukulang permit doon sa pigiri.
05:03Dating pigiri ay doon sila nag-alaga ng baboy at mga kambing.
05:08At lingid sa kaalaman ng may-ari ay meron pala silang imbakan o paggawaan ng paputok.
05:15Nadiskubre ang kahong-kahong baby rocket.
05:17Daanda ang piraso ng kwitis at mga gamit sa paggawa ng paputok.
05:21Lingid umano sa kaalaman ng barangay na may paggawaan ng paputok sa lugar.
05:25Inaalam pa kung sino ang may-ari nito.
05:27Ang ating wish forward ay magbigay ng advisory sa mga lahat ng barangay
05:34sa pamamagitan ng liga ng mga barangay
05:36na manmanan ang mga umuupa ng mga bahay,
05:42lokalman o tagaibang lugar, manmanan yung aktividades nila.
05:46Mula sa GMA Regional TV, Sandy Salvasio, GMA News.
05:52Inamin ng Jail Warden ng New Quezon City Jail na may sariling asistant sa loob ng kulungan,
05:57si dating House Speaker Martin Romualdez.
05:59May report si Maki Pulido.
06:04Hindi nakakalabas ng New Quezon City Jail Mail Dormitory si dating Speaker Martin Romualdez,
06:10pero kasabay ng pag-iit dyan ng warden ang pasilidad na si Jail Superintendent Maria Lourdes Passion,
06:16inamin niyang may personal assistant si Romualdez sa loob ng kulungan mula pa noong Setiembre.
06:22Tanong tuloy ni Sandigan Bayan 3rd Division Chair Associate Justice Carl Miranda,
06:27pinapayagan ba yan ng rules and regulations ng BJMP?
06:31Paliwanag ni Passion, prerogative niya ito bilang Jail Warden
06:34at pinayagan dahil kailangan ng dagdag na atensyon ni Romualdez
06:38dahil sa mga issues sa mental health.
06:40Wala naman daw sapat na jail personnel para alalayan ang kongresista.
06:44Ayon kay Jail Superintendent Passion, hindi naman ito ang unang pagkakataon.
06:49May pinayagan na rin daw siya dating kaanak ng isang PDL na alalayan yung detainee sa loob ng pasilidad.
06:55Hinihingi ng Korte ang lahat ng mga detalye tungkol sa personal assistant ng dating Speaker.
07:01Sa pagkakaalam daw ni DILG Secretary John Vic Remuya,
07:05itinuturing na bisita ang mga assistant para sa mga pangangailangan ni Romualdez.
07:09Isa raw dito ay ang scheduling assistant ng dating Speaker sa Kongreso.
07:14Ang instruction daw ni Remuya, dapat pagpatak ng alas 5 ng hapon.
07:18Nakaalis na ang mga ito.
07:20Rerepasuhin daw ito kung may mga paglabag sa kanyang instruction.
07:24Wala naman daw alam ang mga abogado ni Romualdez tungkol dito.
07:27Of course, we must understand that he continues to function as a late first district representative.
07:33He is not yet under preventive suspension.
07:36Maliban sa mental health, stable na raw si Romualdez.
07:38Kaya mula sa infirmary, inilipat na ito sa regular na selda.
07:43Gamit niya ngayon ang dating selda ni dating Senator Bong Revilla
07:46na nakapagpiansa na sa kasong malversation.
07:49Gingit ng jail warden, recorded naman ng CCTV ang lahat ng kilos ni Romualdez
07:54na lumalabas lang ng selda para magpaaraw
07:57o kaya mag video conference kung may hearing sa kinakaharap na plunder case.
08:01Pero po na ni Associate Justice Miranda, may security concern pa rin dahil putol-putol ang CCTV recording
08:09dahil walang decoder ang CCTV.
08:12Sira rin ang sampu sa 424 CCTV cameras sa loob ng kulungan.
08:17We are happy po na this morning our jail authorities confirmed na walang naganap na pagpuslit
08:26kay Congressman Romualdez mula sa Payata City Jail.
08:30Binawi na ni Montulfo ang Facebook post niyang may nagsabi raw sa kanya
08:33na lumalabas si Romualdez ng city jail sakay ng ambulansya.
08:37Nakuryente raw siya. Ibig sabihin na paniwala sa maling impormasyon.
08:42Sabi pa ni Tulfo, dapat sinek niya munang impormasyon bago ito pinost.
08:47Bago bawiin ni Tulfo, nakapagpadala na ng demand letter ang kampu ni Romualdez
08:51na tanggalin at itama ang post.
08:54We will now speak again as a team and consider options considering that he has already formally retracted his statement.
09:05So that may be a ground for us to reassess the situation.
09:13Nasawi ang isang person with disability sa sunog na hinihinalang nag-umpisa
09:17sa natumbang gasera sa Lapu-Lapu City, Cebu.
09:20Ilang bombero naman ang nasugatan sa pag-apula sa malaking sunog sa Subic Bay Gateway Park.
09:25May report si Oscar Oida.
09:29Dali-dali nagsilabasan ang mga empleyado nang sumiklab ang sunog sa warehouse sa Subic Bay Gateway Park pasado na sa
09:37Jessica Gabi.
09:41Kwento ni U-Scooper Rexy na sika lang palapag sila nang maamoy ang usok.
09:51Pinalabas sila matapos ang limang minuto. Ilang sandali, kumalat na ang apoy.
09:58Inabot tayong taas, aray ko, diretso yan!
10:01Nilamon ito ang paggawa ng bag na pang-export.
10:04Nadamay rin ang katabing warehouse ng mga muebles.
10:07Sa laki ng sunog, pinagtulungan na itong apulahin ng mga bombero mula sa Subic, Olongapo, Angeles at Lubaw sa Pampanga.
10:15Umabot pa hanggang Subic Freeport Expressway at SCTex ang mga palausok.
10:22Bandang alasyete ng umaga, nakontrol ang apoy.
10:25Inaalam pa ang sanihin ng sunog at halaga ng pinsala.
10:29Bahagyang nasugatan ang ilang bombero.
10:31Apektado ang kabuhayan ng libu-libong empleyado.
10:34Ang employees po ng Ginbue nasa almost 3,000 something.
10:40So magpapasko pa naman ngayon.
10:42So we will be exploring possible measures kung paano po sila matutulungan.
10:54Syam na bahay naman ang naabo sa sunog sa Lapu-Lapu City, Cebu.
10:59Nasawi ang 53 taong gulang na person with disability o PWD
11:04na naiwang mag-isa sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
11:08Nakaligtas naman ang mag-isawang ito
11:10pero nagkasugat-sugat ang kanilang bintit kamay
11:14matapos masabit sa alambre habang lumalabas ng bahay.
11:18Dinala muna sa gym ng Barangay Hall ang 15 pamilyang apektado ng sunog
11:23na iniinalang nagsimula sa natumbang gasera.
11:27Sa Zamboanga City, maigit 200 bahay ang natupok sa sunog kaninang umaga.
11:33Dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials,
11:36mabilis na kumalat ang sunog at umabot pa sa ikatlong alarma.
11:42Tumulong sa pag-aupula ang helicopter ng Philippine Air Force.
11:45Pasadolas dos ng hapon, tuluyang napatay ang sunog na inaalampah ang mitsa.
11:54Oscar Oida, GMA News.
12:00Kritikal ang isang bata matapos mabanggan ang motorsiklo sa Kawayan, Isabela.
12:05May spot report si Mark Salazar.
12:13Nasalpo katagpagulong-gulong sa kalsada ang batang iyan sa Kawayan City, Isabela.
12:19Tumakbo patawid ang bata at nahagip ng motorsiklo.
12:22Bumagsak ang rider pero agad ding nakatayo.
12:25Isinugod sa ospital ang bata na kritikal pa ang kondisyon matapos tumama ang ulo sa simento.
12:32Hawak na ng pulisya ang rider na wala pang pahayag.
12:35Bumanga naman ang isang minority-edad na rider sa isa pang motorsiklo sa Pindoy, Negros Oriental.
12:42Tatlo ang sugatan ang rider at ang kas ng nabanggang motorsiklo.
12:46Naligtas naman habang kritikal ang minority-edad na rider.
12:50Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng mga motorsiklo at walang suot na helmet.
12:55Ang lahat ng mga sangkot, wala ring lisensya ang minority-edad na rider.
13:00Mark Salazar, GMA News.
13:03Si Associate Justice Rodil Zalameda ang papalit sa magreretirong Supreme Court Chief Justice, Alexander Jesmundo.
13:10Ayon sa Malacanang, pinili siya ni Pangulong Marcos dahil malawak ang kanyang karanasan at nanildihan sa iba't ibang administrasyon.
13:18Naging piskal si Zalameda noong Administrasyong Ramos.
13:22Labing isang taon siyang naging maestrado ng Court of Appeals simula noong Administrasyong Arroyo hanggang Administrasyong Noinoy Aquino.
13:29Itinaga siyang Supreme Court Associate Justice si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.
13:36May mga desisyong itinakda si Zalameda na pumabor sa pamilya Marcos.
13:41Isa riyan ang desisyong baliktari ng desisyon ng Sandigan Bayan noong 2018 na i-convict si former First Lady Imelda
13:48Marcos sa seven counts of graft.
13:51Noong 2023, siya rin ang ponente ng desisyong pagkatig sa pagbasura sa ill-gotten wealth case laban sa estate ni
13:59dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
14:01Tugon ng palasyo, hindi naman iisang maestrado lang ang nagdesisyon sa mga kaso.
14:07Sumuko sa NBI ang mag-asawang kinontrata o mano ng inerereklamong pet crematorium sa Baco or Cavite
14:14at umami na sila ang nagtapo ng mga labi ng alagang hayop na dapat i-cremate.
14:20May-ari rin sila ng pet crematorium sa San Jose del Monte, Bulacan.
14:24Kinontrata raw sila na mag-cremate bago pa magbukas ang pet crematorium sa Cavite.
14:29Pero nag-operate naman na ito at agad nagpasa sa kanila ng mga labi para i-cremate kahit wala pa
14:35ang binili nilang dagdag na crematory machine.
14:38Dinamit muna nila ang mga dati nilang makina, lumobo na ang dami ng labi at nadelay na sila sa pagpapadala
14:45ng abo.
14:46Nag-desisyon silang ipalibing na lamang sa mga tambay sa kanilang lugar ang mga patay na hayop na di nila
14:52makremate.
14:52Matapos umunod sila ang kausapin ng may-ari ng pet crematorium sa Cavite na huwag nilang alalahanin ang mga abong
14:59ipapadala sa kliyente.
15:03Sabi niya na lang po sa akin na, o sige ganito na lang, magtulungan na lang tayo.
15:11Tanggapin mo lang ang tanggapin lahat ng ibibigay ko, ako nabahala sa abo.
15:17Saan daw po galing yung mga abo na binibigay niya din sa mga 4-parent?
15:21Wala po akong idea. Gusto na po namin na itake yung accountability ng mga nagawa po namin.
15:31At gusto na rin po namin na matapos na po para matulungan din po yung mga 4-parents po na
15:39nag-i-grief.
15:41Humihingi po kami ng sorry at kapatawaran.
15:51Bagong silang na sanggol natagpuan sa inidoro ng isang restaurant sa Nagcarlan, Laguna.
15:56Ayon sa polisya, sinikap i-revive ang baby pero di na naisalba.
16:01Ibinigay sa DSWD ang labi ng sanggol. May person of interest na ang polisya.
16:07Isa pang sanggol natagpuan wala ng buhay sa Sapa sa Quezon City.
16:12Ayon sa nakakitang residente, sumabit pa ang pusod ng sanggol sa mga bato.
16:16Patuloy na tinutukoy kung sino ang kanyang mga magulang.
16:21Langis tumaga sa dagat na bahagi ng Mariveles, Bataan.
16:25Iniimbestiga ng Philippine Coast Guard kung saan nagmula ang oil spill at kung aksidente o sadya ba ito.
16:31Nag-ugnayan na ang Coast Guard at lokal na pamahalaan para sa mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng langis.
16:39Sa kabila ng El Niño, Andap o Frost, naranasan sa Benguet.
16:43Nabalot ng ngyelo ang ilang gulay, bulaklak at iba pang halaman.
16:47Ayon sa pag-asa, karaniwang nararanasan ng Andap tuwing Enero at Pebrero.
16:52Bumagsak sa 12.6 degrees Celsius ang temperatura sa Benguet kaninang umaga.
16:57Von Aquino, GMA News.
17:03Unleash your inner cowboy habang ini-enjoy ang view ng Bukidnon Ridges.
17:08G tayo dyan kasama si Darlene Kai.
17:15Hindi ito eksena sa isang western movie ha.
17:18Horseback riding experience ito sa panimahawa-impasubong Bukidnon.
17:23Bago maging certified cowboy, may isang oras para matuto.
17:27Simple lang ang instructions.
17:29Ilahin ang lubid para gabayan ang kabayo.
17:31Pick left or right kung gustong lumiko.
17:34Pero kapag nagmatigas ang kabayo, well, start praying na raw.
17:38But kidding aside, hindi kailangang expert rider para masubukan ito.
17:42Basta may lakas ng loob at tiwala sa kabayo.
17:45May gabay naman ng mga taong sanay sa horseback riding.
17:48Kapag nakuha na ang rhythm at timing, mas ma-appreciate na ang tanawin.
17:53Dahil sa gitna ng malawak na pinyahan, nakapaligid ang ridges ng Bukidnon.
17:59Kaya siguradong mapapawaw ka na may konting sigaw na kasama.
18:06Darlene Kai, GMA News.
18:1050 days na lang, Pasko na.
18:13At yan ang mga balita ang dapat yung malaman.
18:16Ito ang GMA News.
18:17Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
18:20Noon at ngayon, servisyong totoo.
18:21Ako po si Atom Raulio at ito ang State of the Nation.

Recommended