Skip to playerSkip to main content
Kagawad, nanakawan ng P200K alahas at cash ng mga de-motorsiklong holdaper


Armed group na nagtangkang mag-akyat-bahay, hinabol at nakipagbarilan sa pulisya


2 nasawi, 200 pamilya nasunugan sa pagkatupok ng mga bahay sa Cubao, Q.C.


31 aso at 2 pusa, nadiskubreng itinago sa placenta pit; 3 suspek, hinahanap


5 sundalo at 3 tauhan ng CAFGU, sugatan nang mahulog sa creek ang sinakyang army truck


Pusang natuhog sa bakal na bakod, nasawi sa tagal ng emergency response


8 aso at 4 na pusa, nasawi matapos umanong lasunin


Ilang paaralan sa Visayas, nagsuspende ng klase dahil sa taas ng heat index forecast


100,000 tao, apektado ng data breach sa St. Luke's Medical Center


Mahigit 172,000 unit ng Macbook Neo, ibibigay ng DEPED sa public school teachers at admin staff


Entertainment spotlight (Nov. 03, 2026)



State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:03.
00:03.
00:03.
00:03.
00:03.
00:03.
00:03.
00:05.
00:07.
00:07.
00:08.
00:08.
00:08.
00:08.
00:08.
00:08.
00:08.
00:08.
00:08.
00:09.
00:09.
00:09.
00:09.
00:09.
00:09.
00:10.
00:10.
00:10.
00:10.
00:11.
00:11.
00:11.
00:11.
00:11To be continued...
00:41...papatungo sa direksyon ng Ayala Boulevard, October 31 nangyari ang panguhold-up.
00:46Kinutugis pa ang mga salarin, kabilang ang isang nakabihis rider ng isang ride-hailing app.
00:51Pero na-recover sa Paranaque ang pitakan ng biktima, laman ng ilan niyang cards at ID.
01:01Nauwi sa habulan at barilan sa highway ang pagsawatan ng mga polis sa armadong grupong nagtangkang mga agyatbahay sa Cavite.
01:09Lima ang nasawi, dalawang nakatakas at tinutugis.
01:13By report si Rafi Tima.
01:18Bumaliktad ang kotseng yan sa muli ng flyover sa Baco or Cavite.
01:21Sakay nito ang armadong grupo na tinutugis kanina ng mga polis.
01:24Plano umano ng grupo naman loob ng isang bahay sa isang subdivision.
01:28Pero naon siya may na makatunog ang polis siya at sadya silang inabangan.
01:32Nang mga harang na mga polis, nakipagbarilan ng grupo.
01:36Nagkahabulan sila mula sa subdivision hanggang sa muli ng flyover.
01:39Nalaglag po yung isa kasi pagaywang-gaywang yung kotsi po nila doon eh.
01:43Nalaglag po yung isa doon.
01:44Pag baba, nakikipagbakbakan pa po.
01:48Nakikipagbarilan pa.
01:48Pakakit po dito, nagpagaywang-gaywang na ganon tapos bumaliktad na po.
01:52Ang paglapit ko buhay pa pala sir, yung dalawa.
01:57Sinabayan na rin namin sir, tapos sinabol ko yung dalawa dito.
02:01Nang agaw pa rin ng motorsiklo ang mga suspect pero napigilan.
02:04Limang suspect ang napatay sa inkwentro.
02:07Dalawang nakatakas at tinutugis.
02:09Ayon sa Bacor Police, red flag na nakayuniforme ng gwardya ang isa sa mga kawatan.
02:13Ang isa po is nakayuniform ng security guard na kulay puti.
02:18E ang mga security guard po doon sa subdivision, kulay blue yung uniform.
02:22Nakaangkas po.
02:24So accordingly, magpapanggap na security guard yung isa sa mga suspects para mapasok nila yung target nilang bahay.
02:32Hinala ng polis siya.
02:33Parte sila ng malaking sindikato.
02:36Tinutukoy pa ang pagkakakilan na nila.
02:38Bagamat dalawa sa mga ito ay posibleng sangkot sa mga pangu-hold up sa Cavite.
02:41Itong isa dito, siya yung isa sa mga identified ng hold up po sa GMA, Jewelry Shop.
02:48Yung isa doon, may ID ng dating polis, sargento.
02:56Pero hindi pa po confirm kung siya talaga yun. ID pa lang niya ang nakita namin.
03:00Sa Muntinlupa, Denon the spot ang isang negosyating Indian
03:03nang pagsasaksakin at paluin sa ulo habang pumapalag sa hold uper.
03:07Tinutukan siya ng kutsilyo nung ating suspect.
03:10Malaki yung biktima eh. So nakipagpambuno siya.
03:14Nasaksak siya dito sa dibdib. Meron sa likod siya ka doon sa kanyang ulo.
03:17Hindi pa siya nagkasya. Actually binatupan niya ng parang kalan,
03:22yung matigas na bagay na napulot niya doon sa may kalsada rin.
03:25Pinukpok pa niya yung ulo ng biktima.
03:27Sa kanilang pagpapambuno, nasugatan ang suspect at tumakas.
03:33Pero natunto ng mga pulis ang suspect sa isang eskinita matapos sundan ang mga patak ng dugo niya.
03:42Tumangin magbigay ng payag ang suspect na ayon sa pulis siya ay bagong laya sa kasong murder.
03:48Rafi Tima, GMA News.
03:51Sa sunog sa Cubao, Quezon City, kagabi, dalawa ang nasawi at dalawang daang pamilya ang nawala ng tirahan.
03:57Mag-aalauna ng madaling araw, nakita ang labi ng 30 anyos na lalaki at 26 anyos na kinakasama niya sa
04:04banyo ng inuupahang bahay.
04:07Nahirapan daw ang mga otoridad na makuha sila dahil bumigay ang tinitirhan nilang gusali,
04:12nagkalat ang mga yero at masikip ang lugar.
04:15Ayon sa kapatid ng lalaking biktima, kauwi lang ng kapatid niya mula sa pamamasada ng tricycle.
04:21Pumasok ito sa inuupahan para raw gisingin ang kinakasama hanggang sa hindi na makalabas.
04:27Ginawang evacuation center ang dalawang kalapit na paaralan kung saan nagtayo ng modular tents ang barangay para sa mga nasunugan.
04:35Apektado ng sunog sa barangay E. Rodriguez ang isang daan at dalawampung bahay sa panulukan ng New York at Stanford
04:43Streets.
04:44Inaalam pa ang halaga ng pinsala at ang mitsya ng sunog.
04:48May isa pang nakitang pinagtatapunan ng mga alaga sa San Jose del Monte, Bulacan.
04:52Yan ang placenta pit o tapunan ng mga inunan ng sanggol na nasa labas pamandi ng City Health Center.
04:59May report si Marie Zumali.
05:03Sa gilid ng City Health Center ng San Jose del Monte, Bulacan, may placenta pit o tapunan ng mga inunan
05:10ng bagong silang na sanggol.
05:12Pero kanina, 31 aso at dalawang pusa ang nakita rito.
05:17Sabi ng mga animal welfare advocate, posibleng mga nawawalang aso at pusa sila na hinahanap ng kanila mga fur parent.
05:24Dahil almost one year na nga po na remains po sila, so nasa end stage of decomposition na po.
05:33Durog na po talaga, bones na lang po ang na-identify.
05:38Ayon sa San Jose del Monte City Veterinary Office, nung isang taon pa raw isinumbong sa kanilang may mga itinapon
05:44doong labi ng hayop.
05:45Pero bakit hindi sila naghukay?
05:48Paliwanag ng City Health Officer,
05:49At that time, naghihintay po ang PNP kung may mga magkiklaims po or mga complainants.
05:56So that's why yung pong dead bodies or ng mga animals ay na-retain po dyan sa wheel sealed po
06:05na hindi na po ginagamit.
06:07Ayon sa City Health Office, ililibing daw nila ito malayo sa waterways at kung ano ang naaayon sa biowaste management.
06:16Ngayong gabi, pinuntahan ng POS o Philippine Animal Welfare Society ang placenta pit sa pag-asa matutukoy pa ang mga
06:23hayop para maibalik sa kanilang mga pet owners.
06:26Hinahanap ng pulis siya ang tatlong suspect na sangkot umano sa pagtatapon.
06:31Kung konektado ito sa insidente ng mga hayop na itinapon sa San Jose del Monte mula sa pet crematorium, ayos
06:38sa PNP.
06:38Wala po siyang label na kagaya noong doon sa nakuha natin sa Minoyan proper.
06:43Pero kung may makikita po tayo dito, nandiyan naman yung NBI, ay willing naman po tayong makipag-cooperate sa kanila.
06:52Sa NBI kanina, naghahain ang reklamo ang mga fur parent laban sa pet crematorium.
06:58Nasangkot umano sa pagdispatch siya sa mga alaga nila sa halip na i-cremate.
07:02Kasama nila ang POS at Animal Kingdom Foundation.
07:05Maliwanag eh. Istapa yung kaso. Pero it's more than that. This is a betrayal of public trust.
07:10You have my personal and professional commitment on this one na you dapat itong managot-managot ito dito.
07:16Gusto namin justice for our pets na binaboy.
07:20Kinukuna namin ang pahayag ang mga may-ari ng pet crematorium, pero nauna nilang sinabi na wala raw silang kasalanan.
07:27Mariz Umali, GMA News.
07:33Nahulog sa creek at bumaliktad ang truck ng Philippine Army sa tangalan na clan.
07:37Sugatan ang mga sakay nitong limang sundalo at tatlong tauhan ng CAFGU o Citizen Armed Forces Geographical Unit.
07:44Gima ang dinala sa ospital.
07:46Batay sa embesigasyon, nawala ng kontrol sa manibela ang driver pagdating sa kurbad ang bahagi ng kalsada.
07:53Masikip at maladilim din ang bahagi ng kalsadang pinangyarihan ng disgrasya, madaling araw nitong linggo.
08:03Bago ngayong gabi, natuhog at kalaunay na matay ang isang pusa sa tagig na ayon sa Concerned Citizen ay hindi
08:10raw agad na respondihan ng mga otoridad.
08:13Babala po, sensitibo ang report na ito ni Katrina Son.
08:19Umagang-umaga, tumambad kay Micaela ang itim na pusang ito na inakalang na ipit sa bakal na bakot.
08:27Pero nasindak siya dahil ang pusa, natuhog pala.
08:31Nung biglang tumulo na yung ano niya, yung may mga ano na po, blood na po.
08:36So doon ako na palang nagpanik na po ako kasi hindi ko alam yung gagawin niya.
08:42Tinang kanyang iangat ang pusa gamit ang walis pero hindi niya ito maabot.
08:47Kumatok siya sa mga kapitbahay at nagpahanap online ng malalapit na veterinary clinic.
08:53Pero wala umanong sumasagot.
08:56Nang tumawag siya sa 911, sinabihan siyang iko-coordinate ang kanyang concern.
09:01Pero samuli niyang pagtawag.
09:03Doon na medyo talagang nagalit na ako kasi doon sinasabi ko na yung concern na animal rescue yung kailangan ko,
09:11ang sabi ng operator is hindi kasi priority yan.
09:14Ang Taguig Command Center at City Veterinary Office.
09:18Hinihingan naman daw siya ng video ng pusa.
09:21Pero sinabihan noong una na wala pang on-duty na rescuer.
09:25Nang may available na, wala namang driver.
09:28May dumating namang barangay staff kalaunan, pero wala raw kasamang trained animal rescuer.
09:34Nang akatin nila ang kinururoonan ng pusa, wala na itong buhay.
09:39Halos tatlong oras ang lumipas bago nakuha ang pusa.
09:42Pero nang makita niyang itinapon ito sa basurahan, kinuha niya ito at tinulungan ng isang animal rescue group para mailibing.
09:50Sinusubukan ng GMA News na makuha ang reaksyon ng Taguig LGU.
09:54Ayon sa POS of Philippine Animal Welfare Society.
09:58Public officials have a duty and it shouldn't be distinguishing kung animals or people.
10:03If someone needs help, diretsyo yun. Kailangan na-rescue.
10:09That is something that we should incorporate in all our response system.
10:13Katrina Son, GMA News.
10:16Inihinalang ni Lason ng ilang aso at pusa na nadiskubre sa kalsada sa Alfonso Cavite.
10:22Nasa walong aso at pusa ang nakitang nangingisay.
10:26Hinala ng mga nakakita sinadyang lasunin ng mga hayop matapos makakita ng kulay asul na kanin.
10:32Kinundinan ng Alfonso Police ang insidente at iniimbestigahan.
10:37Mas payigtingin daw ng barangay ang kanilang pagroronda.
10:40Isinusulong naman ang Philippine Animal Welfare Society o POS ang Alaga Bill na nagbabawal sa public poisoning.
10:47Para naman sa POS o Philippine Animal Welfare Society, dahil isang hamon ang pagpapatunay ng sadyang panalason,
10:55isinusulong nila ang Alaga Bill o House Bill 11495 na amyenda sa Animal Welfare Act na ipinagbabawal ang pinatawag nilang
11:05public poisoning.
11:08Nagtakda ang Department of Education at Malacanang na mga patakaran kaugnay sa pagkansila ng klase tuwing mainit o masama ang
11:16panahon.
11:17Ang ilang paaralan sa Visayas nagsuspindi ng face-to-face klases dahil sa tindi ng damang init.
11:23May report si Ivan Mayrina.
11:27Dahil wala pa rin budget pampatayo ng mga bagong classroom,
11:31nagkaklase pa rin sa mga makeshift tent ang ilang estudyante ng San Miguel Elementary School sa Cordova, Cebu.
11:37Ramdam na ramdam tuloy nila ang init ng panahon.
11:40Ngayong araw nga, sinuspindi ang face-to-face klases doon sa hapon na magabisong LGU
11:45na posibleng pumalo sa 40 degrees Celsius ang kanilang heat index o damang init.
11:49Sa Iloilo City, 43 degrees Celsius ang heat index kayo araw.
11:53Kaya nagsuspindi rin ang face-to-face klases ang ilang eskwelahan.
11:57Sa naunang inilabas sa guidelines ng Department of Education at DepEd,
12:01may apat na antas ang patakaran sa suspensyon ng klase depende sa init.
12:05Hayo o tuloy lang ang face-to-face klases,
12:07basta 27 degrees po baba ang heat index o damang init.
12:11Hinay o bawas oras sa face-to-face klases
12:14o magpatupad ng hybrid learning kung nasa 27 hanggang 32 degrees Celsius.
12:19Hinga o suspindi doon muna ang face-to-face klases
12:22kapag pumalo ng 33 to 41 degrees ang damang init.
12:26At hinto, ang face-to-face at home-based learning
12:29kung 42 degrees o higit pa ang init.
12:32Kung mawala naman o may bagyo,
12:33hindi lang Malacanang o LGU
12:35ang may kapangirihang magsuspindi ng klase.
12:37Sa inilabas sa Executive Order 130
12:40ni Pangulong Bongbong Marcos,
12:41nagtatakda ng tatlong mekanismo para sa klas suspensyon.
12:45Ang automatic suspensyon,
12:47itatakda ang pamantayan ng national government agencies
12:49gaya ng pag-asa at fee box.
12:51Sa local suspensyon naman,
12:53local chief executive ang maglalabas kung aling lugar
12:55at paaralan ang sakop ng suspensyon.
12:58Sa granular suspensyon naman,
13:00pwedeng paaralan na mismo
13:02ang magsuspindi kung may banta sa lugar nito.
13:04Binibigyan ito,
13:06nito ng dagdag na kapasidad
13:07ang mga lokal na pamahalaan
13:09para magpasya kung saan mga lugar
13:12o paaralan lang
13:13ang magkakansila ng klase.
13:15Depende sa aktual na kalagayan dito.
13:18Mas direkta ang aksyon,
13:20mas angkop ang tugon
13:21ng mga LGU.
13:23Magkakaroon din ng kakayahan
13:25ang mga paaralan na magsuspindi
13:27ng klase.
13:28Hawak pa rin ng Pangulo
13:30ang kapangirihang iutos
13:31kung tuloy o suspindido ang klase.
13:32Para matiyak naman tuloy-tuloy
13:34ang pag-aaral ng mga estudyante
13:35hanggat maari.
13:36Itinakda rin sa executive order
13:38ang paghahanap ng
13:39learning continuity measures
13:40at alternative delivery modes.
13:43Ivan Mayrina, GMA News.
13:45Gabi-kabilang mga cyber attacks
13:47sa loob at labas ng bansa.
13:49Dito sa Pilipinas,
13:50iniimbestigahan ng data breach
13:52sa St. Luke's Medical Center.
13:54Ayon sa National Privacy Commission
13:56o NPC,
13:57nag-abiso noong October 30
13:59ang ospital
13:59na na-access ang datos
14:01ng kanilang mobile app
14:02na hawak ng isang
14:03third-party service provider
14:05at na-kompromiso
14:06ang mga personal na information
14:08ng kanilang mga pasyente
14:10at empleyado.
14:11Sabi ng NPC,
14:12isang daang libong tao
14:13ang apektado sa St. Luke's
14:15na anilay pinakamalaki
14:16sa labing walong ospital
14:18data breach
14:19na iniulat sa kanila
14:20ngayong taon.
14:22Ilang suki ng St. Luke's
14:23ang nagkumpirmang
14:24in-email sila ng ospital
14:26tungkol sa nangyari.
14:27Hindi pa tumutugon
14:28ang St. Luke's
14:29sa request na ma-interview
14:31ng GMA News.
14:32Pero naunang tiniyak
14:33ng ospital sa isang pahayag
14:35na agad nilang in-isolate
14:36at sinecure
14:37ang apektadong platform
14:39at in-offline muna ang app.
14:41Agad din daw silang
14:42nakipag-ugnayan
14:43sa mga posibleng
14:44naapektuhan
14:45at sa cybersecurity
14:46experts
14:47para sa masusing
14:48imbestigasyon.
14:51Sa Europa,
14:52mga freezer
14:53sa supermarket
14:54ang nahak.
14:55Tinaasan ang temperature
14:56ng mga ref
14:57at freezer
14:58ng hanggang
14:5950 degrees Celsius.
15:00Kaya nasira
15:01ang mga pagkain
15:02at iba pang iniimbak.
15:04Nangyari ito
15:04sa France ngayon
15:05at noong isang buwan
15:07kung kailan
15:08daang-daang supermarket
15:09ang inatake.
15:11Kinababahala ito
15:12ng European authorities.
15:14Di bababasa
15:15siyam na bansang
15:15inatake
15:16kabilang ang Estonia,
15:17Ireland,
15:18Italy,
15:19the Netherlands
15:19at Sweden.
15:21Pinakamalala ngayon
15:22ng pag-atake
15:22sa dose-dosean
15:23ng supermarkets
15:24sa Belgium.
15:26Sa mga public school teacher,
15:28mayasahan kayong
15:29bagong laptop
15:30mula sa Department of Education.
15:32Inanunsyo ng Deped
15:33na makatatanggap
15:34ang mga guro
15:35at administrative staff
15:36ng mahigit 172,000 units
15:39ng MacBook Neo Laptop
15:40ng Apple.
15:42Netong Marso,
15:42inilunsad ang naturang laptop.
15:44Ayon naman sa Deped,
15:46nakuha nila sa competitive bidding
15:47ang bawat unit
15:48na mas mababa pa
15:50sa retail price
15:51o presyo nito sa merkado
15:52kaya nakatipid daw
15:54ang gobyerno.
15:55May 5-year warranty
15:56ang laptop
15:56at iniyak ng Deped
15:58na magkakaroon
15:58ng training
15:59ang mga guro.
16:00Simula ngayong buwan
16:01hanggang sa March 2027,
16:04ipamamahagi
16:04ang mga laptop.
16:05Bahagi yan
16:06ng computerization program
16:08ng Deped
16:08na layong matiyak
16:09na up-to-date
16:10ang computer hardware
16:11ng mga guro.
16:18From action
16:19sa drama naman
16:20sa sabak
16:20si Anton Vinson
16:21sa upcoming series,
16:23bago rin
16:23ang makakatambal niya
16:24no other than
16:25Jillian Ward.
16:27Para yan
16:27sa video series
16:28na behind closed doors
16:29na pagbibidahan
16:30ni Marian Rivera.
16:32Comfortable ako
16:33sa kay Jill
16:35dahil nag-uusap
16:35na kami.
16:36We bond before
16:37talaga
16:38with mga barkada.
16:39Gusto kong
16:40maka-excena
16:41si Miss Marian
16:42itself
16:42dahil
16:43sobrang galing niya
16:44sa Marimar.
16:46Award-winning
16:47Kapuso Animated
16:48DocuFilm
16:49na 58,
16:50mapapanood na rin
16:51sa Amerika.
16:52Tuloy-tuloy
16:52ang international
16:53screening ng pelikula
16:54at may first
16:55special screening
16:56sa New York.
16:58Isa pang pelikulang
17:00dapat mapanood
17:01ang Red Brown.
17:02Now on its
17:03second week,
17:04nagpapasalamat
17:05si GMA Network
17:06Incorporated
17:06Senior Vice President
17:08and GMA Pictures
17:09President
17:09Attorney Annette
17:10Gozon Valdez
17:11sa maraming
17:12organic good reviews
17:13ng pelikula.
17:14Mas marami na raw
17:15ang makakapanood nito
17:16dahil may dagdag
17:18na sinyan.
17:19Not just a global
17:21fashion icon,
17:22muling mapapanood
17:23sa big screen.
17:25Pinagahandaan
17:25ni Heart of Angelista
17:26ang pag-shoot
17:27sa bago niyang pelikula
17:28katambalang
17:29Childhood Smithheart
17:30niyang
17:30si John Prats.
17:32Ay!
17:33Madami pa.
17:33Madami kong makikita
17:34ang transformation
17:35sa movie na to.
17:36It's very collaborative
17:37and marami akong
17:39gagawin dito
17:39na never ko pa nagawa
17:41sa buong buhay ko.
17:42Yes!
17:44Kaya nakaka-excite,
17:45nakakilig.
17:46Madaming mababasa
17:47ayoko na magsalita.
17:49Marami ka nilang masyado.
17:50O, madaldala ko masyado.
17:52Nelson Canlas,
17:53GMA News.
17:5652 days na lang,
17:58Pasko na.
18:00At yan ang mga balitang
18:01dapat yung malaman.
18:02Ito ang GMA News.
18:03Walang kinikilingan,
18:04walang pinoprotektahan.
18:06Noon at ngayon,
18:07serbisyong totoo.
18:08Ako po si Atomaraulio
18:09at ito ang State of the Nation.
18:14bode on po si Atomaraulio.
18:20Eko Schadig ,

Recommended