00:00Sa status conference ng Crimes Against Humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court,
00:06hiniling ng prosekusyon na magami sa aktual na paglilitis ang reported interview ng tatlong testigo.
00:11Ang ilan po sa kanilang mga testimonya, laman ang tungkol sa off-land tukhang na nakatuon sa pagpatay at mga
00:17kwento umano na mga nanlaban.
00:20Saksi, si Maab Gonzalez.
00:26Bago pa man magsimula ang paglilitis ng International Criminal Court o ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte,
00:33may hiling na ang prosekusyon para raw mapabilis ito.
00:36Sa request na final kahapon ni Acting Prosecutor Mami Mandiay-Nyang,
00:40hiling nilang gamitin ang recorded interviews ng tatlong witness laban kay Duterte para di na raw ito ulitin sa korte
00:46at makatulong para di magtagal pa ang trial.
00:49Naka-blackout ang maraming detalye sa public version ng mga salaysay
00:53ni na-witness P1097, P1170 at P1318 para protektahan ang sensitibong impormasyon ng mga testigo.
01:02Kasama raw sa mga patutunayan ng mga testigo ito,
01:05ang papel ng Philippine National Police sa War on Drugs,
01:08ang pagbabago sa kapulisan ng maupo si Duterte bilang Pangulo
01:12at ang individual criminal liability ni Duterte sa pagtukoy ng high-value targets sa mga drug watch list.
01:19Nagtutugma raw ang kwento ng tatlo at suportado ng ebidensya.
01:23Sabi ni witness P1097,
01:25pagpatay imbes nakatok at pakiusap ang tukhang,
01:29naglagay paumano sila ng warning placards sa ilang biktima.
01:32Ebidensya raw ito na tinarget ang ilang individual bilang high-value targets
01:36at inilagay sa narco list ni Duterte.
01:39Sa testimonya naman ni witness P1170,
01:42may ipapakita raw ang mga akosasyon ni Duterte sa publiko
01:45na sangkot sa iligal na droga ang ilang individual na kalaunay napasama sa PRRD list.
01:51Habang si witness P1318,
01:54ipinaliwanag ang Operation Double Barrel at Tukhang,
01:57kabilang ang ilang pagpatay na staged umano
01:59sa pamamagitan ng kwentong ng laban,
02:02pagtataning ng ebidensya at cover-ups.
02:04Sabi ng prosekusyon,
02:06pupunta pa rin naman sa korte ang tatlo
02:08para kumpirmahin ang salaysay nila at matanong-ukol dito
02:11kaya hindi naman anila mayuyurakan ang karapatan ni Duterte.
02:15Samantala, hiniling naman ang depensa sa ICC
02:18na i-reject ang aplikasyon ng prosekusyon
02:20na i-admit ang recorded testimony ni witness P1357
02:24para magamit ang testimony niya sa korte kahit hindi siya humarap dito.
02:29Sabi ni Defense Counsel Peter Haynes,
02:31ganitong tipo ng individual ang pinapaalis ng ICC trial chamber
02:35sa listahan ng prosekusyon.
02:37Hindi ani at tumutugon ang testimony niya sa research,
02:40mga allegasyon o findings.
02:42Nihindi raw pamilyar ang testigo sa mga pangyayari.
02:45Sa recorded testimony ni witness P1357,
02:49tinidetali ang operasyon ng Davo Death Squad.
02:52Hindi rin daw iko-cross-examine ang depensa si witness P0024
02:56dahil natubunan na raw nila ang mga pahayag nito.
02:59Kahapon sa ikalima at huling status conference
03:01bago ang pagsisimula ng trial proper sa November 30,
03:05inilatag sa trial chamber na may opening statement
03:08ang Office of the Prosecutor,
03:09legal representatives of the victims,
03:11at magsasalita rin daw ang depensa.
03:14Giniit din ang korte na dapat dumalo si Duterte sa mga pagdinig.
03:18Hindi papayagan ang mga salitang Tagalog,
03:21batay na rin sa Rome Statute na English at French
03:23ang lengguahe sa ICC trial.
03:25Five witnesses ang nakatakdang iharap ng prosekusyon
03:28hanggang Disyembre bago ang Christmas break ng korte.
03:3129 na testigo naman ang gusto nilang iharap
03:34via videoconference.
03:35May posibilidad din na mag-iba ang oras ng trial
03:38dahil sa time difference ng The Hague sa bansa
03:40kung nasaan ang mga testigo.
03:42Ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
03:44Ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
03:46G diagram sa ICC.
03:46Og si Mav mga yag ga uran ma pag tales h gezeigt Z silver
03:50D Cow gri naj peparean ang hib
03:50Ang in bapag hai.
03:51Nagung saksi.
Comments