Skip to playerSkip to main content
Ipapasubpoena ng NBI ang mga nasa likod ng pet crematorium na sangkot umano sa pagtatapon ng mga labi ng hayop sa halip na i-cremate. Tatlong suspek naman ang hinahanap ng mga pulis kaugnay sa panibagong nadiskubreng mga labi ng hayop na itinapon sa isang placenta pit sa Bulacan.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipapasapina ng NBI ang mga nasa likod ng pet crematorium na sangkot umano sa pagtatapon ng mga labi na hayop
00:06sa halip na i-cremate.
00:07Tatlong suspect naman ang hinahanap ng mga polis,
00:09kailangan sa panibagong na-discover yung mga labi na hayop na ipinapon sa isang placenta pit sa Bulacan.
00:16Saksi, si Marizo Maali.
00:20Placenta pit ito sa Bulacan, o yung tapon na ng mga inunan ng mga ipinanganak na sanggol.
00:25Nasa gilid dito ng San Jose del Monte City Health Center.
00:29Pero sumbong sa otoridad ng Animal Welfare Advocates,
00:32dito raw itinapon ang ilang pang-alagang hayop na hinahanap ng kanilang fur parents.
00:38At nang mabuksa ng placenta pit, tumambad ang mga sako ng labi ng mga alagang hayop,
00:43tatlong put-isang aso at dalawang pusa.
00:46Dahil almost one year na nga po na remains po sila,
00:51so nasa end stage of decomposition na po.
00:55Urog na po talaga, bones na lang po ang na-identify.
00:59Ayon sa San Jose del Monte City Veterinary Office,
01:02noong isang taon pa ay sinumbong sa kanila na may mga itinapong labi ng hayop doon.
01:07Paliwanat ng City Health Office kung bakit hindi raw agad na hukay.
01:10At that time, naghihintay po ang PNP kung may mga magki-claims po or mga complainants.
01:16So that's why yung pong dead bodies or ng mga animals ay na-retain po dyan sa well-sealed po
01:25na hindi na po ginagamit.
01:28Wala pang isang linggo ang lumipas mula nang madiskubre sa Bulacan din,
01:32ang mga itinapong labi ng hayop sa halip na e-cremate.
01:35Hindi pa masabi ng PNP kung may kaugnayan dito ang pagtatapon din ng mga hayop sa abandonadong placenta pit.
01:41Wala po siyang label na kagaya noong doon sa nakuhan natin sa Minoyan proper.
01:46Pero kung makikita po tayo dito, nadya naman yung NBI, ay willing naman po tayo makipag-cooperate sa kanila.
01:54Taglong suspect ang hinahanap ng San Jose del Monte Police na sangkot umunong sa pagtatapon.
01:59Pagka-hukay sa mga sako, agad nilagay ang mga laman nito sa plastic at saka'y pinasok sa cadaver bags.
02:05Ayos sa City Health Office, ililibing daw nila ito malayo sa waterways at kung ano ang naaayon sa biowaste management.
02:14Pumunta ngayong gabi ang pause sa Placenta Pit kung saan nahukay ang mga labi ng alagang hayop.
02:19Sa pag-asang matutukoy pa ang mga hayop para maibalik sa kanilang mga pet owners.
02:24Yung kaso konektado dito ay basically sanitation, code violation lang.
02:32And nakakalungkot for animal lovers kasi parang reduced na lang sa basura.
02:37At environmental issue yung aming hinanakit doon sa ginawa nila sa mga pets.
02:43Sa NBI, nag-ha-in ang reklamo kanina ang ilang fur parrots laban sa AJ Paws Aftercare Pet Prematorio
02:50na sangkot umano sa pagtatapo ng mga bangkay na mga alagang hayop sa halip na i-cremate.
02:56Kinunan sila ng pahayag ng NBI kasama ang non-government organizations
02:59na Philippine Animal Welfare Society at Animal Kingdom Foundation.
03:03Naging emosyonal ang ilang fur parent.
03:06Iniyakan ko na nga siya on October 25 pero mas grabe iyak ko siya.
03:10Not only for me but for the other fur parents.
03:12Gusto namin justice for our pets na binaboy.
03:15Maliwanag eh, ista pa yung kaso pero it's more than that, this is a betrayal of public trust.
03:20Dapat itong managot-managot ito dito.
03:22Ayon sa Animal Welfare Advocates, bukod sa 25 fur parents na desidido maghabla,
03:26may daandaang pang fur parents na nangangamba kung totoo bang abo ng kanilang mga alagang hayop
03:32ang natanggap nila matapos magpakremate.
03:35We'll do a forensic on this one. Baka mamaya simento yan o buhangin o aggregates kung ano man yan.
03:41Kinukunan namin ang pahayag ang mga may-ari ng AJ's Pet Prematorium
03:45pero nauna nilang sinabi na wala raw silang kasalanan.
03:49Ako si Mariz Umaliang inyo. Saksi!
Comments

Recommended