- 26 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Ilang paaralan sa Pangasinan, nagsuspende ng klase dahil sa mataas na heat index
Nasa 25 bahay, nasunog dahil umano sa kandila
Ilang kabataan, nagbatuhan ng sinilabang bote
BJMP, itinangging nakakalabas ng kulungan si ex-Speaker Romualdez
Mahigit P1B halaga ng shabu mula uli umano sa Laos, nasabat
Pet crematorium owner, sinampahan ng reklamo ng SJDM LGU
6 y.o. babae, patay matapos magulungan SUV
Cellphone ng repair technician, tinangay
Democrats, nakuha ang Mayorya ng Senate at House of Reps. sa US midterm elections
13 y.o. weightlifter, benta ang pose at hair flip sa successful 51kg clean and jerk attempt
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Nasa 25 bahay, nasunog dahil umano sa kandila
Ilang kabataan, nagbatuhan ng sinilabang bote
BJMP, itinangging nakakalabas ng kulungan si ex-Speaker Romualdez
Mahigit P1B halaga ng shabu mula uli umano sa Laos, nasabat
Pet crematorium owner, sinampahan ng reklamo ng SJDM LGU
6 y.o. babae, patay matapos magulungan SUV
Cellphone ng repair technician, tinangay
Democrats, nakuha ang Mayorya ng Senate at House of Reps. sa US midterm elections
13 y.o. weightlifter, benta ang pose at hair flip sa successful 51kg clean and jerk attempt
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Come on in!
00:05Oh my God!
00:19Nagsuspend din ng klase ang ilang paaralan sa Pangasinan ngayong araw dahil sa mataas na heat index.
00:25Asa na rao natitindi pa ang damang init na posibleng umabot pa sa extreme danger level sa katapusan ng Pebrero
00:32sa susunod na taon.
00:33May report si Darlene Kai.
00:37Sa tindi ng init sa Dagupan City, matinding pawis at uhaw ang kalaban ng mga student athlete kapag nagsasanay.
00:45Lagi pong magpunas, lagi pong uminom ng tubig.
00:51Kanina, sinamantalan nilang makapag-ensayo sa gym ng paaralan para sa gaganaping athletic meet.
00:57Ito'y kahit pa umabot sa 40 degrees Celsius ang heat index forecast ng pag-asa
01:01at nagsuspindi ng face-to-face klase sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
01:06Nagsuspindi rin ng panghapong klase sa ilang paaralan sa Mangaldan, Pangasinan dahil sa mataas na heat index.
01:11Alinsunod ito sa bagong guidelines ng DepEd na pwedeng mag-suspindi ng face-to-face klases kung umabot ng 33
01:18to 41 degrees Celsius ang heat index.
01:22Pinakamataas naman ang 43 degrees Celsius heat index na naitala ng pag-asa sa Coronpalawan at Butuan City sa Agusan
01:29del Norte.
01:30Bukas, posibleng ganun uli ang heat index sa Coron gayon din sa Dipolog Zamboanga del Norte.
01:37Pasok na yan sa danger category batay sa heat index chart ng pag-asa.
01:41Ibig sabihin, posibleng maranasan ng heat cramps at heat exhaustion.
01:46Kung magbababad sa init, posibleng mauwi sa nakamamatay na heat stroke.
01:50Kung Nobyembre pa lang ay ganyan na kainit, inaasahang titindi pa yan pagdating ng tag-init sa susunod na taon.
01:57Babala ng pag-asa, posibleng umabot sa lampas 52 degrees Celsius ang heat index levels sa huling linggo ng Pebrero
02:04hanggang Hunyo.
02:05Nasa extreme category na yan at pwedeng magdulot ng heat stroke ayon sa pag-asa.
02:11Projected po talaga natin na masitindi po yung mga pagtaas po ng heat index at temperature ay pagdating po ng
02:21katapusan po ng Pebrero until June.
02:25Yun po kasi yung season na maimit po talaga at humid.
02:28Ayon pa sa pag-asa, may very strong El Niño na silang naobserbahan sa Tropical Pacific.
02:34For our climate outlook, there will be prolonged dry spell that will lead to meteorological drought conditions and even other
02:43forms of drought such as the agricultural drought, hydrological drought.
02:47Sa buong pag-aparte po ng ating bansa ay significant reduction ng rainfall of up to 60% in the
02:56next six months.
02:57As of October 31, limang probinsya na ang nakararanas ng tagtoyot.
03:01Pero sa pagtatapos ng April 2027, inaasahang aakyat yan sa 87.
03:07Mamimigay naman daw ng ayuda ang Department of Agriculture sa nasa 20 milyong magsasakat mangingisda.
03:12May 61.99 billion pesos action plan din daw ang DA para maibsan ang epekto ng El Niño sa produksyon
03:18ng pagkain.
03:19So, just for clarification, this is available?
03:23Yes sir, this is...
03:24Chargable to 2026?
03:26Yes sir, 2026 gaa.
03:28Darlene Kai, GMA News.
03:31Bago ngayong gabi, muling sumiklab ang sunog sa Malibay, Pasay na idineklarang naapula na mag-aalas 8 kanina.
03:38May git-isang daang pamilya ang naapektuhan ng sunog na malapit pa naman sa isang warehouse ng LPG.
03:44May report si Jamie Santos.
03:49Nag-ngangalit ang apoy na tumupok sa magkakadikit na bahay sa barangay 157, Apelo Cruz, Malibay, Pasay City ngayong hapon.
03:57Sa looban, nagsimula ang sunog, habang nasa likuran ng mga nasusunog na bahay, ang isang warehouse ng LPG.
04:04Mahalagang maagapan ang apoy para hindi ito umabot sa imbaka ng LPG.
04:09Pero bukod sa masikipang lugar, nasa looban pa ang mga bahay na nasusunog,
04:13kaya nahirapan ng mga bombero na makalapit at makapagposesyon ng kanila mga firetrak.
04:19Hindi rin naging sapat ang tubig na mga unang rumesponding firetrak,
04:23kaya maging ang mga residente, nagtulong-tulong sa pagsalok at pagpapasahan ang mga timba ng tubig para makatulong sa pag
04:29-apula.
04:30Umabot sa ikatlong alarma ang sunog.
04:33Sa totoo lang po, nahirapan po ang ating mga kabumberohan kasama po ang ating mga fire volunteers
04:37dahil kita rin naman po natin na masikip po yung daan at medyo nasa gitna nga po itong area ng
04:42nangyari na sunog.
04:43Habang abala ang mga bombero sa pag-apula ng apoy, kanya-kanyang labas ng maisasalbang gamit ang mga residente.
04:50May nagsigawang bigla na. Sunog. At labas yan na may sunog.
04:56Tinatayang 25 na bahay ang natupok. Nasa 100 hanggang 150 families ang naapektuhan ayon sa kapitan ng barangay.
05:03Ang impormasyon nila hinggil sa pinagmula ng apoy.
05:07Ano daw, kandila. Nag-iikot kami ngayon para malaman namin kung kailan talaga.
05:14Iniimbestigahan pa ito ng Bureau of Fire Protection.
05:17Idineklarang fire out ang sunog ng 7.42 ng gabi.
05:20Walang naitalang nasaktan.
05:22Ang ilan sa mga nasunugan, pansamantala munang tumuloy sa katabing elementary school.
05:27Pinadalhan na sila ng tulong ng lokal na pamahalaan.
05:30Jamie Santos, GMA News.
05:33Kabi-kabilang riot. Sa Muntinlupa, umabot hanggang intersection ng away sa pera ng dalawang grupo.
05:39Sa Iloilo, ilang kabataan ang nagbatuhan ng mga sinilabang bote.
05:44May report si Marisol Abduraman.
05:49Nagiwanag ang bahagi ito ng barangay Santo Rosario Duran sa Iloilo City dahil sa riot ng ilang kabataan.
05:55Hindi ba ito ang kanilang pinaghahagis?
05:59Kundi, mga sinilabang bote.
06:02Ang takaw-disgrasyang away, madalas na palang nagaganap tuon ayon sa barangay.
06:08Mga dayo rin daw ang sangkot.
06:10Ang natabo is sa alarming gate katama sa Amon Barangay, kagalabinigid sa mga kabataan.
06:17Ang daw ginakuananbala sa mga kabataan, sila gagakilit anay.
06:24Iimbestigahan ito ng Iloilo City Police.
06:27Pinapa-identify ko natin at papayla ng kaso.
06:30And if ever, sa mga pera, ipapatawag natin kung mga minor ito na hindi natin papayla ng kaso.
06:36Sa Maynila, mga bote at bato ang nagliparan sa awa ng ilang kabataan.
06:41Ayon sa Manila Police District, 10 hanggang 15 minod na edad ang sangkot na mula rin sa magkaibang barangay.
06:48Ilan sa kanila, dati na rin nasangkot sa gulo.
06:52Parang lumalabas na away-away bata ito na nakikita natin na nagiging parang normal na lang.
06:59Hindi ito normal.
07:00Yung iba dito talaga nai-involve sa mga ganito.
07:02So, hindi na sila bago.
07:04Matapos isa ilalim sa intervention, ay tinon-over na sa Manila Social Welfare and Development Office
07:10ang mga na-rescue ng minor de edad.
07:13Nagtagpo naman sa gitna ng intersection ang ilang kalalakihan sa Muntindupa City.
07:18Nagambahan ng hampas ang dalawa sa kanila gamit ang mga naglalakihan pamalo
07:22kahit naroon na ang polis mobil.
07:25Ang isa pang lalaki, akmang mamamato pa, kahit nilapitan na ng mga polis.
07:29Tila ayaw paawat ang dalawang may hawak na pamalo.
07:33Nahimasmasan sila ng pormang bumunot na ng armas ang polis.
07:37Away umunodal sa pera ang ugat ng gulo.
07:40Matapos ang paghaharap sa barangay, ay pinakawalan din ang mga sangko.
07:45Pagkamainit po yung ulo natin, pag-usapan na lang din po natin.
07:48Hindi na po sana dapat humantong sa mga ganitong maliliit lang na bagay.
07:54Marisol Abduraman, GMA News.
07:57Inimbestigahan ng Bureau of Jail Management and Phenology o BJMP
08:01ang aligasyong nakalalabas ng kulungan si dating House Speaker Martin Romualdez.
08:06Para pasinungalingan ang aligasyon,
08:09naglabas ang BJMP ng CCTV kung saan makikita nasa loob ng New Quezon City Jail Mail Dormitory si Romualdez.
08:17May timestamp ito na 10.38 kaninang umaga at bahagi raw ng schedule ng pagpapaaraw at pag-exercise ni Romualdez.
08:25Batay sa kanilang CCTV verification, wala raw power interruption at tuloy-tuloy ang recording ng CCTV.
08:32Wala rin daw recorded movement na lumabas siya ng kulungan.
08:36Dagdag ng BJMP, kailangan ng court order para makalabas ng isang person deprived of liberty o PDL.
08:43Tinitiyak din daw nilang pantay-pantay ang pagtrato sa lahat ng PDL at walang special treatment.
08:50Itinanggi rin ng Malacanang ang aligasyon.
08:52Anila huwag magkalat ng fake news na ikasisira ng reputasyon ng BJMP.
09:02Maygit isang bilong pisong halaga ng shabu na galing na naman umano sa Laos, na Sabat.
09:07Sa tulong ng intelligence report, na-discovery ang droga na isiningit sa mga karton sa loob ng shipping container.
09:15Tinutuntun pa kung sinong nasa likod ng kargamento na galing daw sa Laos at ipinadala mula sa Vietnam.
09:22Sigurado ko, pagdati pa man yan, ay gumadaan na sa Manila International Cutting Report yan,
09:28yung mga drugs na dito.
09:30Ang tanong, bakit walang naihuli dito?
09:33So, bakit na yun ang dami-dami na?
09:36Because we are doing the war on drugs property.
09:40Hindi kami pumapatay.
09:43Security guard patay matapos barilin sa ulo ng riding in tandem
09:47na pumasok at nagdeklara ng hold-up sa convenience store sa Morong Rizal.
09:53Sampung libong pisong cash ang tinangay.
09:56Kabilang sa mga naulila ng gwardya, ang limang buwang gulang na anak.
10:01Tinutugis pa ang mga suspect.
10:04PNP Forensic Group, susuriin ang mga abo mula sa inireklamong pet crematorium sa Bacoor, Cavite.
10:12Ito'y para malaman kung totoo nga bang abo ito ng mga aso.
10:16Magi ang NBI, tutulong na rin sa forensic examination.
10:20We'll do a forensic on this one. Baka mamaya simento yan or buhangin or aggregates kung ano man yan.
10:28Hamo naman ang PNP sa may-ari ng pet crematorium.
10:32Magbigay na ng panig sa mga investigador.
10:36Oscar Oida, GMA News.
10:38Tinampahan na ng reklamo ang may-ari ng pet crematorium sa Cavite na hinihinalang nasa likod ng pagtatapon ng mga
10:46labinang hayop.
10:47Reklamong paglabag sa Sanitation Code at Ecological Solid Waste Management Act ang inihain ng San Jose del Monte LGU sa
10:55City Prosecutor.
10:56Kasunod yan ang nadeskubring mga labinang hayop na itinapon sa barangay Minuyat.
11:01Nauna na rin naghahain ng reklamo laban sa may-ari ng pet crematorium ang ilang pet owners at animal welfare
11:08groups.
11:08Wala pang bagong pahayag ang may-ari ng pet crematorium na dati nang sinabing wala siyang kasalanan.
11:19Patayang isang bata sa Maynila matapos magulungan ng SUV.
11:23Inakala raw ng driver na Humps ang kanyang nadaanan.
11:27May Spot Report si Jomer Apresto.
11:32Naglalaro sa gilid ng kalsada ang batang yan sa Baseco, Maynila.
11:36Maya-maya, isang itim na SUV ang dumating at nagulungan ng bata.
11:40Sa isa pang angulo, kita ang bahagyang pagpreno ng SUV.
11:43Pero agad ding dumiretsyo at hindi hinintuan ang bata.
11:46Nabunggo niya na ng isang gulong.
11:49Sinundan niya pa po ng isang gulong.
11:51Dead on arrival sa ospital ang bata.
11:54Okay lang daw po sa kanila makulong.
11:56Kasi 60 kayo lang naman daw po yung biyansa.
11:59Paano naman po yung kustisya ng anak ko?
12:05Kaysa isang anak lang po namin yun.
12:08Depensa ng suspect.
12:09May Humps doon at lubak-lubak yung kalsada na yun.
12:13Ang nasa isip ko noon, Humps.
12:16Actually, magpapamasad ako.
12:17Kasi masakit yung dito ko siya eh.
12:19Noong time na yun.
12:20Hindi po ako mayaman.
12:22Paano ako gagalaw sa lahat ng bagay?
12:24Eh, nandito pa po ako sa kulungan.
12:26Ayon sa polisya, negatibo sa alcohol intoxication ang suspect.
12:30In-inquest na siya at naharap sa reklamong reckless imprudence,
12:32resulting in homicide.
12:38Tinumbok ng kotse yung minamaneho ng isang Arabo
12:40ang grupong yan sa parking lot ng isang bar sa Angeles City, Pampanga.
12:44Ayon sa polisya, bago yan,
12:46nagkaroon ng pagtatalo ang driver at isa pang Arabian National
12:49sa mga kasama nilang babae.
12:51Nakita raw yan ng tatlong Pinoy at dinepensahan ng mga babae.
12:54Ikinagalit daw yan ng mga Arabo na nauwi sa suntukan
12:57at pagpapaharurot sa kotse.
13:00Nagkaareglo na mga Arabo at tatlong Pinoy.
13:02Ayon naman sa uploader,
13:03isang kasama niyang nasaktan at desididong magsampan ng reklamo.
13:07Inisuhan ng Shokos Order ng Land Transportation Office ang driver
13:10at ang rehistradong may-ari ng kotse.
13:12Suspendido muna ang lisensya ng Arabo.
13:19Sa Gitago, Misamis Oriental, napaiyak ang batang ito
13:23matapos mabanggan ang pampasayarong bus
13:25ang sinasakyang SUV.
13:26Sugatan ang bata habang naipit ang driver ng SUV na isang polis.
13:30Ayon sa investigasyon,
13:32nagkasalubong ang dalawang sasakyan
13:33nang sakupin ang bus ang lane ng SUV.
13:36Palit lang ni Swerve ang kanina to ang bus.
13:40So occupying the lane of Ertiga,
13:45ito nga medyo na hit on with hit on with silang luwa dito.
13:48Pag-swerve niya,
13:49due to impact and loss control of the driver,
13:54na full siya dito sa pang-pang gamay,
13:57na medyo nahayan siya ang tatakilid ang bus.
14:02Sugatan ang tatlong iba pang sakay ng SUV
14:04at di bababa sa 25 pasahero ng bus.
14:08Patuloy na ginagamot sa ospital,
14:10ang driver ng SUV.
14:12Jomer Apresto, GMA News.
14:14Isang cellphone technician sa Kalibua clan
14:18ang nasalisihan
14:19nang nagpanggap na magpapagawa ng cellphone.
14:22Sa kuha ng CCTV,
14:23makikitang abala sa pagre-repair ang technician.
14:26Nasa mesa ang kanyang cellphone.
14:28Maya-maya,
14:29mabilis itong tinangay ng suspect.
14:31Bago tumakas,
14:32binawi pa nito sa technician
14:33ang pinapaayos ng cellphone.
14:36Patuloy na tinutugis ang suspect.
14:43Nakuha ng Democratic Party
14:45ang mayorya ng mga pwesto sa Kongreso
14:47sa U.S. midterm elections.
14:4954 seats sa U.S. Senate
14:51labang sa 44 seats ng Republicans.
14:54Sa House of Representatives,
14:56228 seats ang nakuha ng Democrats,
14:59habang 139 sa Republicans.
15:01Nanayig din ang Democrats
15:03sa bilang ng governors.
15:04Gera sa Iran at ang pagtataas ng taripa
15:07ang ilan sa tinitignang dahilan
15:08ng pagkatalo ng partido
15:10ni U.S. President Donald Trump.
15:12Sa isang panayam,
15:13kinongratulate ni Trump
15:14ang Democratic Party.
15:16Tinatanggap daw niya
15:17ang resulta ng eleksyon
15:18at sinabing makikipagtulungan
15:20sa Democrats.
15:21Pero nagbabala siya
15:22na handahan niyang gamitin
15:24ng kapangyarihang i-vito
15:25ang anumang panukalang batas
15:27na iahain
15:28ng Democratic Party.
15:34Kung ang iba sa runway
15:36may nagsuserve ng looks
15:37ang isang batang atleta
15:39sa weightlifting platform.
15:41Usuhan na yan
15:41sa report ni Ian Cruz.
15:46Who's this diva?
15:48Meet 13-year-old Prince J. Cuisson.
15:52Sa isang youth weightlifting competition,
15:55hindi lang lakas
15:57ang kanyang pinakita.
15:59Pagkatapos ng matagumpay na lift,
16:01imbes na diretso baba
16:02sa platform,
16:03may pa-aura,
16:05hair flip,
16:06at flying kiss pa.
16:10Pero kung akala nyo,
16:12puro aura lang
16:13ang ating diva,
16:14weight lang.
16:16Sa youth 55-kilogram category
16:18ng HD Lift-Off 2026,
16:21nakabuhat lang naman siya
16:23ng 35 kilograms sa snatch
16:26at 51 kilograms
16:28sa clean and jerk.
16:29Ayon sa kanyang coach,
16:32nitong Marso lang
16:33nagsimulang magsanay
16:34sa weightlifting
16:35si Prince J.
16:36Pinatunayan niya
16:37na hindi lang
16:38pikat ng binubuhat
16:39ang pwedeng i-flex,
16:41kundi pati pikat
16:43ng dating.
16:45With strength,
16:47discipline,
16:48and a little extra
16:49slay.
16:51Ian Cruz,
16:52GMA News.
16:56At yan ang mga balitang
16:57dapat nyo malaman.
16:58Ito ang GMA News.
17:00Walang kinikilingan,
17:01walang pinoprotektahan.
17:02Noon at ngayon,
17:03serbisyong totoo.
17:04Ako po si Atom Raulio
17:06at ito ang State of the Nation.