Skip to playerSkip to main content
24 Oras: (Part 2) Angelina Jolie sa PH; Inoperahan si MMD; Ginilitan na aso; Paghahanda sa ASEAN Summit; Day 1 ng voter reg., atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasa Pilipinas na ang Hollywood Actress, Director at Humanitarian at si Angelina Jolie.
00:07Isa si Angelina sa mga speaker para sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit dito sa bansa.
00:15Bukod sa blockbuster films at iconic roles, nakilala si Angelina sa pagsusulong ng karapatang pantao,
00:23kabilang ang proteksyon ng mga kababaihan at kabataan.
00:26Nagsilbi rin siyang Goodwill Ambassador ng United Nations High Commissioner for Refugees mula 2001 hanggang 2012 bago naging Special Envoy
00:38hanggang taong 2022.
00:41Puso, paasintabi po sa mga nagkakapunan, karumalduma lang sinapit ng asong ginilitan umano ng isang sundalo.
00:48Sabi ng Philippine Army, relieved na sa pwesto at iniimbestigahan ang miyembrong may ranggong private first class.
00:55Nakatutok si Chino Gaston.
01:00Pinag-uusapan sa social media ang post na ito ng Animal Rights Group na Strategic Power for Animal Respondents,
01:07kung saan makikita ang isang sundalo ng Philippine Army na ginilitan sa leeg ang isang aso.
01:13Ayon sa grupo, nangyari ang pagpatay sa aso sa Zambuanga City pero hindi malinaw kung kailan.
01:19Puna pa nila, di lang sa tao inaasahan ang mga sundalo sa katagang to serve and protect,
01:25kundi pati na rin sa paggalang sa batas at kapakanan ng mga hayop.
01:29Hiling nila, imbestigahan at panagutin ang miyembro ng Army na may ranggong private first class.
01:35Ayon pa sa isang Animal Rights Group, hindi katanggap-tanggap ang ginawang pagpatay ng aso,
01:40lalot madalas nakasalalay ang buhay ng mga sundalo sa mga canine units na gamit sa bomb detection.
01:48Especially dogs. Because nga, man's best friend dyan eh.
01:52And then, you know, the military has always been also connected and affiliated or close to the dogs
01:58because they're using canine for their work, for various military and police services.
02:04And yet, we hear or we see reports like this that they mistreat, that they kill, especially for pulutan.
02:14Kinumpirba ng Philippine Army na tauhan nga nila ang sundalong nasa picture
02:18at inilipat na raw sa 1st Infantry Division Headquarters sa Nanodon Sur para sa investigasyon.
02:24He was relieved doon sa kanyang duty and currently nasa headquarters siya ng 1st Infantry Division
02:31awaiting noong final disposition ng kanyang kaso, administrative case,
02:35while also waiting noong kanyang possible criminal case na ipafile noong mga complaints.
02:42Sinusubukan pa namin siyang kuna ng panig.
02:44Kinukod din na rin ng Philippine Army ang lahat na uri ng kalupitan sa mga hayop
02:48at mahaharap ang sinumang sundalong masasangkot sa lahat ng administrative at disciplinary sanctions
02:56alinsunod sa batas.
02:57Sinong gasto na katutok? 24 oras.
03:06Kapwa nakitaan ng depensa at prosekusyon ang isa't isa ng paglabag sa subjudice rule.
03:13Ang pinatutungkulan ng prosekusyon mismong si Vice President Sara Duterte
03:18habang si Private Prosecutor Benjamin Tolosa naman ang binanggit ng depensa.
03:24Nakatutok si Ian Cruz.
03:29Pati mismong si Vice President Sara Duterte
03:32naging sentro ng mga pinaplanong reklamo kaugnay ng paglabag-umano
03:36sa subjudice rule ng impeachment court.
03:38Ibig sabihin, kahit bawal, ay tinatalakay pa rin ang merito ng argumento
03:43sa impeachment trial ng Vice.
03:45Unang umalma ang depensa sa mga paglabag-umano ng mga abugado ng prosekusyon.
03:50We will just provide, if this court will allow, we will provide the Secretary, the Clerk of Court
03:59with a copy of the link containing the subjudice statements made by that private prosecutor.
04:08Git pa ng depensa, sako pa rin ang subjudice rule ang tatlong articles of impeachment
04:13na inatras ng prosekusyon batay sa utos ng impeachment court nitong November 5.
04:18Pero ang particular nilang pinalagan ay pagtalakay-umano sa mga nangyari sa paglilitis kahapon.
04:24We're pertaining to the press conference held by the prosecution yesterday
04:28and the statements made by Atty. J. Tolosa.
04:31They go into the probative value of their supposed cross-examination
04:36and of the weight of the evidence presented by the defense yesterday
04:44and of the testimonial weight given by the witnesses.
04:50Pero sabi ni Presiding Officer Chief Escudero, may iba pa siyang nasisilip.
04:54We're looking at two actually right now. Not only the one yesterday but over the weekend as well.
05:01Kindly furnish us Attorney Sheila and we'll issue the corresponding orders as may be needed.
05:07Hihintayin daw ng prosecution team na makapaghain ng mosyon ang depensa
05:12patungkol sa umanay mga paglabag sa subjudice rule.
05:16Bibigyan naman daw ng sapat na panahon ng impeachment court ang prosecution
05:20para makapaghain sila ng tugon.
05:23Bagaman di pa nagbigay ng direktang tugon ngayon,
05:26sinabi ni Private Prosecutor Benjamin Tolosa na maging sila ay may karapatang maghain
05:31ng paglabag sa subjudice rule laban naman sa vice.
05:34And we also reserve the right to file corresponding motions
05:42for declaration of violation of subjudice rule as well.
05:46I think it does not escape everyone, no?
05:50The incessant attacks against the integrity of the impeachment court itself
05:54and the senator judges by no less than the vice president.
05:58As is within your rights.
06:00I'm gonna be fair to attorney to law school.
06:01Kahit ako naman, meron akong nakita nila na mali.
06:05May ginais ni issue a true clause against me, pala I can explain.
06:08Ian Cruz, Nakatutok, 24 Horas.
06:15So, mailalim sa emergency surgery si Sparkle Beauty Queen Michelle Marquez D.
06:21Ayon sa Sparkle GMA Artist Center, papunta sa isang photoshoot si MMD
06:25nang makaramdam ng severe abdominal discomfort kaya agad isinugod sa ospital.
06:30Nang ma-CT scan, may nakita raw ng mga bato na nakaharang sa kanyang appendix.
06:36Inirekomenda ng mga doktor na agad itong tanggalin para maiwasan ng infeksyon at potential rupture.
06:41Stable na ang kondisyon ni MMD kasunod ng emergency operation pero patuloy pa rin inoobservahan sa ospital.
06:49Bumuhos ang dasal at suporta mula sa pamilya at fans lalo't nakatakdang lumipad papuntang Thailand si Michelle
06:55para mag-compete sa Miss Grand International All-Stars sa November 26.
07:01Get well soon, Michelle!
07:03Ilang araw bago ang 2026 ASEAN Summit, sarado na sa mga motorista,
07:09ang mga kalsada sa CCP Complex at marami pang isasara.
07:15Maygit tatlong daang domestic flights din ang maaaring maapektuhan.
07:19Ang ipampaghahanda para sa Summit sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
07:27Restricted na ang access sa Cultural Center of the Philippines o CCP Complex.
07:32Ibig sabihin, mga authorized personnel na lang at mga sasakyan may valid access ang nakakapasok.
07:38Hindi tuloy malaman ng iba tulad ni Rafi Florida kung saan dadaan.
07:43Wala kasi mga signage pero mayroon naman mga MMDA enforcer at mga polis na gumagabay.
07:49Medyo nalilito eh. Kasi biglang may mga saradong lugar bigla eh.
07:55Doon sana ang daan namin eh sarado. Hindi rin kami makataan.
07:58Hanggang sa mga susunod na araw, magkakaroon ng mga road closures,
08:02kagayang itong kalsada na patungo ng CCP Complex para bigyang daan ang pagdaraos ng 49th ASEAN Summit.
08:09Bukod dyan, magkakaroon din ng mga alternatibong ruta at ng stop and go scheme sa iba't ibang lugar.
08:15Sa mga northbound vehicles na galing sa Jokno Boulevard at papuntang Rojas,
08:20maaaring kumanan sa Seaside Boulevard, kumanan muli sa Makapagal,
08:24kumaliwa sa EDSA at kumaliwa papunta sa Rojas Boulevard.
08:28Kung nasa Makapagal na, kumaliwa lang pa EDSA at kumaliwa pa Rojas.
08:33Sa mga southbound galing Rojas, kung pupunta ng Makapagal,
08:37kumanan lang sa EDSA hanggang marating ang Makapagal.
08:40Kung papuntang Jokno, dumiretsyo pa ng konti at mararating na ang Jokno.
08:45Tatagal ang ganitong ruta hanggang November 18.
08:48Simula naman sa November 15 hanggang 18,
08:52magkakaroon ng road closures sa Atang Delarama Street,
08:55Vicente Soto Street, Pedro Bucaneg Street at Magdalena Jalandoni Street.
09:01Magkakaroon din ng stop and go scheme sa mga kalsadang daraanan
09:04papunta sa mga venue na mga aktibidad tulad na nimbawa sa EDSA Taft,
09:09Rojas Boulevard at Buendia at sa palibot ng airport tulad ng NIA-X at Park & Fly
09:14at Andrews Avenue at NIA-N3 sa bahagi ng toll gate.
09:18Lahat yun, in place na tayo.
09:20So there will obviously be some ASEAN lanes.
09:23Pero we're looking at hindi naman masyado kasi pagdating naman mayroon naman tayong mga agamna naman ng mga kababayan natin.
09:35Ayon pa sa Department of Transportation,
09:38mahigit 300 domestic flights ang maaaring maapektuhan ng pagdating ng mga world leaders at heads of state para sa ASEAN
09:46Summit.
09:47Tawagan o i-check na ang website ng inyong airline.
09:50Kung kanselado ang flight, may free rebooking kayo o pwedeng humingi ng full refund o ilagay sa travel fund para
09:57magamit sa hinaharap.
09:58Agahan din ang pagpunta sa airport.
10:01Plan your trip properly.
10:05Kung ang international nyo dati, 2 hours before, gawin nyo ng 3 oras.
10:11Kasi syempre may mga darating ng mga heads of state.
10:16Medyo may disruption ng konti.
10:18Ngayon palang ramdam na ng ilan ang tindi ng traffic.
10:22Grabe, ang traffic talaga kaganina.
10:24Umalis kami 6.30.
10:26Karating rin kami dito mga 9.30.
10:29North Kalaokan.
10:32Bahagi rin ang paghahanda sa ASEAN Summit ang mga clearing operation.
10:36Sabi ng palasyo, bahagi ito ng siguridad.
10:39Malaking bagay po na maipakita natin na tayo ay isang bansa na makapagbibigay ng sapat na siguridad sa mga liderato
10:50na pupunta sa ating bansa.
10:53At dapat natin ipakita kung paano tayo yung hospitality na nakapaloob sa Pilipino.
11:01Nakiusap din ang palasyo na sa ibang panahon na lang magkasana mga rally.
11:05Gayunman, handa ito sakaling may magtuloy parir.
11:08Kung ano man nyo maapektuhan, kung may kinakailangan po na transportasyon, maapektuhan nung gagawing pagrarali, ito po ay tutugunan ng
11:21ating gobyerno.
11:22Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Oras.
11:25Mga kapuso, kumbaga sa pelikula, blockbuster ang unang araw ng pagpaparehistro ng mga butante sa iba't ibang panig ng bansa.
11:33Sa luneta, tiniis ng maraming estudyante ang init ng araw.
11:37Nakatutok si Darlene Kai.
11:43Sa tingin nila, hindi importante yung boto. Sana bumoto po kayo kasi kahit katiting lang na boto po, importante po
11:49sa Pilipinas.
11:50Yan ang dahilan ni Trisha, kaya matsaga siyang pumila sa unang araw ng pagbubukas ng voter registration ng Commission on
11:56Elections o Comelec kanina sa luneta.
11:58Sa sobrang haba nga ng pila, lumikuliko na ito. Ang ilan sa lapag na nakaupo kahit tirik na tirik ang
12:06araw.
12:06Karamihan sa mga pumunta sa luneta, mga estudyante ang unang beses magpaparehistro para makaboto sa 2028.
12:14Importante po siya sa akin kasi if we don't elect the right people, what will happen to our government?
12:20Hindi lang first time registrants ang pumila rito sa Special Registration Anywhere Program sa luneta.
12:25Dumagsare ng ibang mga magpapareactivate, magpapalipat, mag-aupdate o magtatama ng rehistro.
12:31Si Agnes, salimbawa, magpapalipat na ng rehistro sa Maynila mula kamarinesur dahil dito na siya nagtatrabaho mula 2023.
12:52Kasama na rin sa servisyo rito ang libreng voter certification.
12:57Sa Lipa City, Batangas at sa Dasmariñas at Bacoorcavite, blockbuster din ang pila ng mga magpaparehistro.
13:04Ikinagulat daw ng COMELEC ang dami ng mga taong dumagsa para magparehistro sa buong Pilipinas.
13:10Sobrang blockbuster, talagang earth-shaking. Nakakakilabot ang dami ng taong pumunta sa mga registration site.
13:18Hindi namin alam ang kasagotan kung bakit ganun kadami sa unang araw pa lang ng registration.
13:24Sabi ng COMELEC, target nilang makapagparehistro ng 3 milyong bagong botante.
13:29Dagdag sa kasalukuyang rehistrado na mahigit 71 milyon.
13:32Sa aking inisyal na pagtataya, baka mas mahigit sa 3 milyon, baka nga abutin pa ng mahigit 5 milyon ang
13:38mga bago nating botante.
13:39Kinailangan daw tuloy nilang mag-cut off sa pila sa ilang registration sites kaya may mga taong hindi na naservisyohan
13:45at pinababalik na lang sa ibang araw.
13:47Pero pwede silang bumalik anytime at may priority na po sila at kung sakali man sa kanilang palagay, nagkulang kami
13:55sa aming paghanda, kami humihingi ng dispensa.
13:57Magdadagdag daw ang COMELEC ng voter registration sites para sa inaasahang patuloy na pagdagsa ng mga magpaparehistro.
14:03Hanggang July 30, 2027 ang voter registration sa kanikanyang COMELEC offices, satellite registration sites at iba pang mga lugar na
14:12tutukuyin ng COMELEC sa ilalim ng Special at Register Anywhere program.
14:16Martes hanggang biyernes mula alas 8 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi.
14:20Meron din tuwing Sabado at ibang holiday na itatakda ng COMELEC.
14:23Kailangan lang magdala ng isang government-issued ID.
14:27Sa mga estudyante naman, pwedeng dalhin ang school ID.
14:30Pawal na raw ang barangay certification o cedula.
14:34Magparehistro na kayo ngayon kahit marami.
14:36Huwag na natin huwintayin yung last minute para hindi na tayo mahihirapan.
14:42Darlene Kai, Nakatutok 24 Oras.

Recommended