00:00Nagha-in ang Department of Justice ng petisyon sa Makati Regional Trial Court para ma-extradite sa Amerika si Kingdom
00:06of Jesus Christ founder Apollo Kiboloy at dalawang iba pa.
00:09DOJ ang nagha-in ang petisyon bilang central authority kaugnay na extradition requests ng ibang bansa, kabilang ang requests na
00:17inihain ng Amerika.
00:18Naharap si Kiboloy at dalawang iba pa sa mga patong-patong na kaso sa Amerika, kabilang ang international human trafficking,
00:25sex trafficking, conspiracy, at bulk cash smuggling.
00:29Paglilinaw ng DOJ, ang extradition request ay hindi indikasyon na guilty si Kiboloy.
00:35Lilitisin pa siya sa korte sa Amerika na kulong si Kiboloy sa Pasig City Jail para sa mga kasong child
00:41and sexual abuse at qualified human trafficking na dati na niyang itinanggi.
00:45Wala pang bagong pahayag ang kampo ni Kiboloy kaugnay sa extradition request.
00:49Dati na sinabi ng kanya-abogado na si Atty. Ferdinand Topacio na mahirap ma-extradite si Kiboloy sa Amerika dahil
00:57nililitis pa ang mga kaso niya sa Pilipinas.