Skip to playerSkip to main content
  • 7 hours ago
Nitong Lunes, naiulat ang pagkamatay ng isang tatay matapos siyang kuyugin ng hinabol niyang rider at mga kaibigan nito matapos niyang habulin dahil na-hit-and-run ang anak nito. Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin sa ating Kapuso sa Batas, Atty. Gaby.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, sensitivong balita po ang pag-uusapan natin.
00:05Sa muntin lupa, isang tatay, patay, matapos habulin ang nag-hit and run sa kanyang anak.
00:12Sa halip kasi na siya ang resbakan, ang suspect pa ang tinulungan ng mga nasa lugar,
00:17ng mga kaibigan pala ng rider.
00:21So sa kuha ng CCTV, makikita isang lalaking tumatakbo,
00:25kasunod ng isa pang lalaking nagmumura at galit na galit.
00:30Sa sumunod na kuha, makikitang ang lalaking unang naku ng humahabol sa lalaki,
00:35ang hinahabol na ngayon ng isang grupo ng mga lalaki.
00:39Hindi na raw nakunan ang mga sumusunod pa ng mga pangyayari,
00:43pero ayon sa pulisya, inabutan at na-corner ng mga humahabol na grupo ang lalaki.
00:50Na isugod pa sa ospital ang biktima, pero kalaunay, binawian din ng buhay.
00:55Ayon sa investigasyon, hinabol ng biktiman ang lalaki na isa palang rider matapos masagasaan ang anak nito.
01:04Pero sa halip daw na tumigil, hit and run umano ang ginawa ng rider na mabilis na naglungga sa eskinita
01:12kung saan siya umuuwi.
01:13At nang makakuha raw ng timing, lumabas na raw ang nakadisgrasya, kasama na nga ang resback niya.
01:21Pag-usapan natin yan, Ask Me, Ask Attorney Gabby.
01:32Attorney, ano ang sinasabi ng batas tungkol sa insidente ito?
01:36Hinabol niya lang naman ang nakahit and run sa anak niya, pero siya pa ang nadisgrasya at pinagtulungan.
01:43Well, ito po ang dahilan kung bakit, diba before anything else,
01:48paulit-ulit nating sinasabi dito na sa mga pagkakataon na gusto nating sumugod at habulin
01:54ang mga may atraso sa atin o sa ating kapwa.
01:57Sinasabi natin na huwag na lang.
02:00Mas mabuti na tumawag ng tulong ng polis o ng mga tanod o taga-barangay para tulungan tayo
02:06dahil lubos na papanganib talaga at hindi natin alam kung ano ang nagintay sa atin.
02:13Naiintindihan natin bilang isang ama natural lamang na magalit at habulin ang nakasakit sa kanyang anak.
02:19Ngunit delikado talaga ito at syempre dapat panagutan ng mga may sala
02:24ang naging pagpatay na ito.
02:26Base sa mga naiulat ukol sa insidente,
02:29ay masasabi natin kaso ng conspiracy to commit murder ang dapat na isang pa
02:34laban sa mga pumatay sa tatay.
02:38Kaya't ang bawat isa sa grupo na yan ay dapat makasuhan at panagutan ang pangyayari.
02:44So matatangin ninyo, bakit murder at hindi homicide?
02:47Yung homicide o simpleng pagpatay ng tao,
02:50well, tumataas po ang penalty kapag may tinatawag nating qualifying circumstance
02:55na iaaangat siya sa krimen na murder na mas mataas ang penalty ng kolong kesa homicide lamang.
03:02At sa pangyayaring to, isang posibleng qualifying circumstance na yan
03:06ay ang sinasabing taking advantage of superior strength.
03:10Dahil dito, walang kalaban-laban ang nag-iisang biktima
03:14noong pinagtulong-tulungan siya ng isang grupo ng mga lalaki.
03:18Isa, laban sa marami.
03:20Ito ay kinoconsider ng batas na aggravating o qualifying circumstance
03:24at pinarurusahan ng mas mabigat na penalty.
03:28Isa lamang sa mga posibleng qualifying circumstance
03:31ang taking advantage of superior strength sa kaso ng murder.
03:35Ang iba pang madalas nating naririnig ay treachery at evident premeditation.
03:41Kapag treachery, ito po ay yung parang inambush na mga tao yung biktima.
03:45Yung hindi alam ng biktima kung ano ang mangyayari at walang pagkakataon
03:50para depensahan ng sarili, yung mga pag-attack from behind, ganyan.
03:54Pero siguro sa kasang to, hindi ito treachery
03:57kung parang alam naman nung tatay na may pinapasok siya na kaguluhan
04:01at voluntaryong nakipagsapalaran na makipag-away.
04:04At yung evident premeditation ay yung pinagplanuhan ang pagpatay sa biktima.
04:10Pero sa sitwasyon na ito, baka hindi siya applicable
04:13dahil nga napakabilis na mga pangyayari at mukhang walang panahon
04:17para pagplanuhan ang pag-atake para mag-qualify as evident premeditation.
04:23Pero dito, merong split second na nagkaroon ng agreement ang grupo
04:28para atakihin ang tatay.
04:30At pinagtulong-tulungan nga at nakikita natin yung concerted ang kanilang efforts
04:35at ito nga ang kailangan nilang panagutan.
04:37At isa naman itong nakakalungkot na pagkawala ng buhay,
04:41hindi lamang po para sa biktima,
04:42pero pati na rin sa mga nakisali sa init ng ulo na mahaharap sa mga kaso
04:47na ang posibleng penalty ay kulong ng panghabang buhay.
04:51Well, kung iisipin po natin, from the beginning pa lang,
04:55kung ang rider sana ay hindi naging pabaya
04:58or kung nangyari na nga ang nangyari,
05:00sana ay tumigil at tumulong sa batang nasagasaan niya
05:05at humirap sa kanyang responsibilidad
05:07at kung yung tatay naman ay idinaan na lamang sa pulisya ang problema,
05:12sana ay naiwasan na ang senseless na pagkawala ng buhay.
05:17Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw
05:20para sa kapayapaan ng pag-iisip.
05:23Huwag magdalawang isip.
05:25Ask me. Ask Attorney Gabby.
05:29Wait! Bago ka umalis dyan,
05:31mag-subscribe ka muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
05:33para sa latest happenings ng unang hirit.
05:36Ba-bye!

Recommended