00:00Ikinababahala ng National Privacy Commission ang pag-hack sa system ng ilang ahensya ng pamahalaan.
00:06Ang mga nakuha raw kasi informasyon pwedeng magamit sa mga krimen online.
00:10Ayon naman sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center, tukoy na ang mga nasa likod ng hacking.
00:16Narito po ang aking unang balita.
00:2110 ahensya ng pamahalaan na ang nag-report sa National Privacy Commission kaugnay ng pag-hack sa kanilang system o
00:29naranasang data breach kamakailan.
00:31Kabilang dito ang Bureau of Internal Revenue kung saan may tala pa naman na mga kinikita at iba pang personal
00:36na impormasyon ng mga taxpayer.
00:38It's very alarming because yung mga involved na data, it ranges from personal information to sensitive personal information.
00:46Kinumpirma ito ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center at sinabing may mga nakuhangang datos ang mga hacker.
00:52I think the main goal really is disruption of government services. Nakakalungkot lang na yung purpose na yun is para
00:58perwisyo yun yung mga kababayan natin.
01:00Lubhang nababahala ang NPC.
01:02Ito kasing mga impormasyon na ito, pag pinagsama-sama mo, pwede na siyang gamitin for certain cybercrimes.
01:09Nandyan yung identity theft, ma-access yung mga accounts mo, yung mga banko mo, potentially pwedeng ma-access.
01:15Pwede kang ma-profile, pwede kang ma-target, pwede malaman saan ka nakatira.
01:19It could lead hindi lang actually sa isang krimen sa online space but also sa physical space.
01:25Aminado ang CICC na may mga natitira ang vulnerability sa cyber security systems ng pamahalaan
01:32dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, paggamit ng artificial intelligence at mismong human factors,
01:38kabilang ang mga posibleng internal data leaks.
01:41Ayon sa CICC, bukod sa mga hacker na umangkin sa mga hacking activities,
01:46tukoy na rin daw nila ang iba pang nasa likod ng data breach.
01:49Kabilang sa mga kasong posibleng nilang kaharapin,
01:52ang paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act,
01:56partikularang computer systems fraud,
01:58at ang posibleng paglabag sa Anti-Terrorism Act.
02:01May enough evidence na tayo to proceed with the filing,
02:05the investigation and filing of criminal charges against these people.
02:08Hindi lang daw mga hacker ang dapat managot,
02:11kundi pati ang mga ahensyang magpapakita ng kapabayaan
02:14sa pagkapatupad ng mga itinakdang cyber security measures.
02:17Sinusuri na rao ng MPC Compliance and Monitoring Division
02:20ang mga isinumiting report ng mga ahensya.
02:23Sabi ng BIR, inaaksyonan na rao ang mga ulat ng cyber security breach
02:27sa tulong ng CICC at DICT.
02:30Nag-iimbestigan na rin daw ang Securities and Exchange Commission sa insidente.
02:33Ayon naman kay Colonel Louis de Maala, Philippine Army spokesperson,
02:37wala naman daw sensitibong intelligence data
02:39ang nakompromiso sa umunoy Air Force cyber attack.
02:42Siniguro rin nilang handa silang tugunan
02:44ang mga banta bagamat aminado silang walang computer system
02:47ang 100% resistant sa cyber attack.
02:50Ito ang unang balita.
02:52Mariz Omali, GMA News.
02:54Mariz Omali, GMA News.