00:00Simula sa Lunes, November 16, ia-adjust ang operating hours ng mga mall sa Metro Manila.
00:06Base po sa pag-uusap ng Metro Manila Development Authority at Mall Operators,
00:10magbubukas ang mga mall ng alas 11 ng umaga at magsasara ng alas 11 rin ng gabi.
00:16Hindi po sakop ng pagbabago ng mall hours ang mga weekend at holiday.
00:20Mananatili rin sa regular business hours ang mga restaurants, supermarket at government services sa loob ng mall.
00:27Lilimitahan naman ang delivery operation sa mga mall mula alas 11 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga,
00:34maliban sa perishable goods gaya po ng mga pagkain.
00:38Ayon sa MMDA, layo ng adjusted mall hours na ibsan ang inaasahang pagbigat ng trapiko sa holiday rush.
Comments