Skip to playerSkip to main content


Unggoy na nakabarong at nakasalakot. Payaso sa butas-butas na bangka. Mga political cartoon na naglalarawan sa Pilipinas bilang agresor sa usapin ng West Philippine Sea.


Ilan lang ’yan sa mga imaheng inilabas ng ilang Chinese state-owned media tungkol sa Pilipinas.


Pero ano nga ba ang mensaheng ipinapakita ng mga larawang ito? Paano nakaaapekto sa pananaw ng publiko ang ganitong mga naratibo, lalo na sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea? Panoorin ang episode na ito ng DigiDokyu.



#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:02Salakot at ang Barong Tagalog.
00:05Mga kasuotang Pinoy na madalas gamitin bilang simbolo ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.
00:13Pero ano ito? Isang unggoy na nakamarong at nakasalakot?
00:19Na para bang ito ang paglalarawan sa ating mga Pilipino?
00:23Ano ang mensaheng ipinahihiwating ng mga imaheng tulad nito?
00:28At paano ito maiuugnay sa Foreign Information Manipulation and Interference o FIMI?
00:40Out on the open sea, someone had put together the world's most wobbly karaoke stage.
00:49Go on! Start singing!
00:51Sa videong ito na in-upload sa Facebook page ng China Daily, isang media organization na pagkaari ng Estado ng
00:59China, makikita ang isang unggoy na nakasuot ng Barong Tagalog at Salakot.
01:05Stupid monkey!
01:08Sumangguni kami sa isang disinformation expert para himayin ang imaheng ito.
01:14My name is Janina Santos. I'm the associate manager for the digital intelligence team of DoubleThink Lab.
01:21I am also their Philippine analyst and I'm looking into foreign information manipulation and interference targeting the Philippines.
01:30Maraming pag-uugali ang maaring sinisimbolo ng unggoy.
01:34Isa na riyan ang pagiging matalino o maabilidad.
01:38Pero kadikit din nila ang pagiging tusok.
01:42Pero ayon kay Janina, may ibang kahulugan pa ang unggoy.
01:47Yung monkey itself is already kind of like an element na nakikita natin na less than human, lower than human.
01:56For the longest time, we believe na in evolution.
01:59Ito yung the evolutionary line below humans.
02:03Wait!
02:04This wasn't in the script!
02:07Malilink natin siya sa isang objective sa Fini na tinatawag na degrade.
02:12Kung saan ang gusto talagang maging mangyari ng threat actor is ma-degrade yung ating reputation wilang isang bansa.
02:20Makikita rin sa video na dinidiktahan ang unggoy ng mga naka-uniforme na may nakasulat na US at Japan.
02:28Apart from degrading the Filipinos, it's also presenting Japan and the United States as big powers that are making use
02:37of a smaller power or of a weaker country to advance their own objectives.
02:42So it's really attacking the critics, including the Philippines.
02:47Isa lang ang China Daily sa mga state-owned media ng China.
02:51Kabilang din dito ang Global Times, Shinwa News Agency at China Global Television Network.
02:57Ayon sa eksperto, may papel ang gobyerno sa paghubog ng mga naratibong inilalabas ng mga outlet na ito, bagamat hindi
03:05ito otomatikong nangangahulugang inaprubahan ng gobyerno ang nilalaman ng bawat content.
03:12May hand yung PRC kung paano hinuhulma at ano yung mga storya at mga content na nilalabas ng mga ito.
03:19But we wouldn't go as far as to say approve.
03:24Siguro meron pa rin konting independence, pero definitely ito ay isang mouthpiece ng kanilang gobyerno.
03:34July 2026 nang inilabas ng China Daily ang video.
03:39Eksaktong sampung taon mula nang makamit natin ang UN Arbitral Ruling na pabor sa Pilipinas kontra China.
03:46Kinundila ng pamahala ng Pilipinas ang video ng China Daily at iginiit na murahin ito at humingi ng paumanhin sa
03:54ginawang kontrobersya.
03:57Ayon sa China Daily, isa lamang itong political satire na nakatutok sa ilang politiko at hindi sa buong bansa.
04:05Nilinaw naman ang Chinese Foreign Ministry na hindi kinakatawan ng video ang opisyal na posisyon ng kanilang gobyerno.
04:13It's just media's action and it's nothing related to government.
04:20And there's so many media's in China. We don't have any comment on that.
04:24Isa sa mga nagkomento sa video si PCG spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Jay Tariela.
04:33Para kay Tariela, hindi dapat baliwalain ang mga larawang anilay nang iinsulto sa mga Pilipino kabilang ang paglalarawan sa atin
04:42bilang stupid monkeys.
04:44Ang pagkakahintindi ko dito ang baba ng tingin ng Chinese government sa atin.
04:51And para sa akin, ang ikumpara ang physical features natin as ungoy is napaka-racist.
04:58Walang puwang na ito sa ugnayan natin ngayon sa modernong panahon.
05:04Hati naman ang naging pananaw dito ng mga Pilipino. At ito raw mismo ang layunin ng video.
05:13Gusto nila magkawatakwatakat tayo, magkahiwakiwalay tayo.
05:17Because a divided society is much easier to manipulate than one that is united.
05:23Okay, so a lot of the things that they're doing, a lot of the techniques and the content that they're
05:28coming up with,
05:28it's really not just to deliver a narrative. It's also to divide our people.
05:36Bago pa man naging mainit na usapin ang AI-generated video na ito,
05:40maraming beses na rin ginawang paksa ng China Daily ang Pilipinas sa kanilang mga content.
05:46At sa bawat imahe, iba-iba ang kanilang mensahe.
05:50Sa limang cartoon na ito, ibang-iba ang mensaheng nais nilang iparating sa kanilang naratibo.
05:57Pilipinas ang agresibo sa pagsasalakay, pananakop at paninira sa karagatan.
06:03Sa larawang ito, inamit nila ang ahas para ipakita ang pagiging ganid ng Pilipinas sa pagsakop sa iba't ibang isla.
06:12Ibinabalik naman nila ang sisi sa atin sa pagpapakita na tayo ang gumuguhit ng linya sa karagatan bilang pag-angkin
06:20ng teritoryo.
06:21Ang imahe na ito na lumabas sa China Daily kung saan gumamit ng mga payaso at butas na bangka ay
06:29paglalarawan na walang pisa at gabawatawa ang 2016 arbitral ruling.
06:34Ayon dito, wala raw legal na basihan ang paggamit ng China ng 9-9 map para sakupin ang malaking bahagi
06:42ng dagat na nakapaloob dito.
06:46Kalimitan paksari ng China Daily sa kanilang mga editorial cartoon ang Amerika bilang manipulator ng Pilipinas para kalabanin ang China.
06:55Madalas makita ang arm gesture na ito na nagpapakita ng pag-utos ng Amerika sa Pilipinas.
07:02Inilarawan din nila ang Amerika bilang isang dambuhalang pading at bilang puppet master.
07:09Inilalarawan din ng imaheng ito ang pagkontrol ng Amerika sa mga bansa sa ating regyon.
07:17Pero inilang mula sa isang panig ang paninira.
07:20If you will remember in 2024, there was the Reuters exclusive on how the United States kind of slandered Sinovac
07:30that had an effect on our recovery as a nation during the COVID-19 pandemic.
07:37So ang nangyari nun is because the Reuters article exposed the misleads of the Pentagon,
07:44tapos yung naging detrimental effect niya na nagkaroon tayo ng vaccine hesitancy because of that operations.
07:51Natuklasan ang Double Think Lab na organisado ang pagpapakalat ng mga AI-generated images
07:57at mga posts na may kinalaman sa Sinovac slander mula July hanggang November 2024.
08:05Yung case na pinag-arala namin, ang primary actor dun is inauthentic accounts.
08:10So it's a bunch of inauthentic accounts on Facebook, on X, on Tumblr,
08:15and then there were articles published on Medium,
08:18and I think in a social media site, not exclusive but mostly used in Japan called Anipa.
08:24But the imagery is somewhat similar or the depiction of the U.S. as the antagonist is somewhat similar
08:30wherein the U.S. is depicted, as I mentioned, as a demon.
08:34Walang opisyal na statement ang U.S. ukol dito.
08:37Pero ayon kay nooy presidential spokesperson Harry Rocky,
08:41isinalaysay niya sa isang podcast ang tugon ng U.S. sa Pilipinas
08:45kaugnay ng kampanya laban sa Sinovac.
08:49Sa ulat ng Reuters noong July 26, 2024,
08:53kinumpirmang na suri ng ahensya ang nasabing dokumento
08:56na hindi isinapubliko ng parehong gobyerno.
09:00Nakasaad o mano rito na nagpadala ang U.S. Defense Department
09:04ng mga mensahe sa mga Pilipino na nag-question sa kaligtasan at visa ng Sinovac.
09:11Hindi man bahagi ng araw-araw na kamalayan ng ordinaryong Pilipino
09:15ang mga mapanglait na imahing lumalabas sa mga media outlets na ito na China,
09:20dapat pa rin tayo mabahala.
09:23If there's one thing that should unite us as a nation,
09:26it's really the South China Sea issue.
09:27It's the West Philippine Sea issue.
09:29Pero dahil nga may political divide,
09:31nadadamay din kasi dun yung stance natin sa West Philippine Sea,
09:35wherein a lot of these anti-WPS materials are seeded and amplified
09:41in a certain, I wouldn't say sector, but a certain part of the populace.
09:46And they are not a small number.
09:48Marami sila.
09:48Kailangan natin mabahala kasi itong mga ganitong images,
09:54itong mga ganitong material, this video in particular for instance,
09:58is making use of our own internal struggles with each other,
10:02our own internal issues with each other,
10:05so that they can push for their own objectives.
10:09So ginagamit nila yung kahinaan ng society natin through these materials.
10:14And it's something that we need to question.
10:16Why is it that these people or these organizations or these countries
10:20are trying to make use of divisions within the Philippines
10:24and exacerbate those divisions?
10:26Ano yung kanilang objectives?
10:29Wrong song! Stupid monkey!
10:49Clocknick Orisonucken
10:49Quality sharing Right
10:50be continued... Hang
10:52on아요 And
10:53together A7
10:53A7
10:53AUN
10:53A3
10:53A8
10:54A4
10:54It A8
10:54At
10:54A3
10:54A8
10:56L

Recommended