Skip to playerSkip to main content
Warden, sinita ng Sandiganbayan sa pabago-bagong dahilan kung bakit may PA si Romualdez sa kulungan


Sinita ng Sandiganbayan ang papago-bagong dahilan ng New Quezon City Jail warden kung bakit pinayagan niyang may personal assistant sa kulungan si Rep. Martin Romualdez.


Mental health ng dating speaker ang una niyang ikinatwiran pero binawi ‘yan kanina. #24Oras


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinita ng Sandigan Bayan ang pabago-bagong dahilan ng New Quezon City Jail Warden
00:06kung bakit pinayagan niyang may personal assistant sa kulungan si Congressman Martin Romualdez.
00:12Mental health ng dating Speaker ang una niyang ikinatwiran pero binawi yan kanina.
00:18Nakatutok si Maki Pulido.
00:22Sa bail hearing ni dating Speaker Martin Romualdez kanina,
00:26pila naubos ang pasensya ni Sandigan Bayan 3rd Division Chair Associate Justice Carl Miranda
00:31kay Jail Superintendent Maria Lourdes Pashon, Jail Warden ng BJMP Quezon City Male Dormitory.
00:38Si Pashon ang nagsabing pinayagan niyang magkaroon ng assistant si Romualdez sa loob ng kulungan
00:43para alalayan ang kongresista dahil hindi stable ang mental health nito.
00:47Pero kanina, binawi niya ito at nagbigay ng ibang dahilan kung bakit kailangan ng assistant ni Romualdez.
00:53Kailangan daw kasing i-monitor ang blood pressure, pag-inom ng gamot at paggamit ng CPAP machine ni Romualdez.
00:59Pinagsabihan tuloy ng Mahistrado ang Jail Warden na tigilan ang pabago-bago niyang storya at magsabi lang ng totoo.
01:07Sinabi rin ni Pashon noong huling hearing na wala na sa loob ng kulungan ng assistant
01:11pagtapos na ang visiting hours ng 5pm.
01:14Pero tanong ni Associate Justice Miranda, hindi ba sa pagtulog ginagamit ang CPAP machine,
01:20isang medical device na tumutulong sa paghinga habang natutulog?
01:24Nabisto pang kahit hindi araw ng dalaw, nakakapasok ang assistant ni Romualdez.
01:30Kita sa kuha ng CCTV na nasa loob ng detention facility ang assistant sa araw na wala dapat dalaw.
01:37Paliwanag ni Pashon sinasamahan kasi si Romualdez kung ito'y nagpapaaraw.
01:41Inatasan na ng Korte ang Ombudsman at ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP
01:47na mag-imbestiga at maghain ang kaso kung kinakailangan.
01:51Ayaw mo nang magkomento ng BJMP tungkol dyan bilang paggalang daw sa Sandigan Bayan
01:55dahil gumugulong na ang proseso sa Korte.
01:59Rerespetuhin daw at makikipagtulungan ang BJMP sa proceedings
02:02at hahayaan daw nitong gumulong ang nararapat na judicial process kaugnay ng usapin.
02:07Nauna rin sinabi ng Jail Warden na may mga CCTV sa loob ng detention facility
02:12na hindi gumagana kaya maraming blind spot.
02:15Sabi ngayon ng BJMP na aprobahan na ang budget para dito nitong Hulyo
02:19at ngayoy nasa procurement process na.
02:22Sa pagdinig rin kanina, humarap ang mga financial investigator
02:25ng Anti-Money Laundering Council o AMLC
02:28sa pagdinig ng 7.4 billion peso plunder case
02:31kaugnay ng maanumalyaumanong flood control projects.
02:34Sabi ni Atty. John Mark Busa na monitor nila ang pagpasok
02:38ng P560 million peso sa bank accounts ni Romualdez
02:42habang nakaupo itong speaker mula 2022 hanggang 2025.
02:46Pero sa pagtatanong ng depensa,
02:48sinabi ni Busa na walang findings ang AMLC
02:51na may kinalaman ito sa flood control projects.
02:54Makipulido na katutok, 24 oras.
02:56Terima kasih.
02:57.

Recommended