00:00Binweltahan ng isang mambabatas ang paghingi ng pasensya ni Pangulong Marcos sa publiko
00:05sa gitna ng traffic na idunulot ng paghahanda para sa 49th ASEAN Summit.
00:10Idinaan naman sa Whig protest ng isang grupo ang pagtutol sa nakataktang pagdating sa bansa ni U.S. President Donald
00:17Trump.
00:17May report si Oscar Oida.
00:25Nakasuot ng blonde wig ala buhok ni U.S. President Donald Trump
00:30nang magprotesta sa Trump Tower sa Makati City ang grupong akbayan.
00:36Minamak po natin si Donald Trump. Hindi po siya welcome dito sa Pilipinas.
00:41Tinututulan nila ang nalalapit na pagbisita ni Trump sa bansa para sa 49th ASEAN Summit.
00:51At ang Pax Silica Agreement, ang grupong bayan na una nang sinabing araw-arawin ang protesta
00:58habang ginaganap ang ASEAN Summit. Susundan daw nila si Trump saan man magpunta.
01:05Babala riyan ng PNP, aarestuin ang mga aralista kung susundan si Trump.
01:11We respect the right of every individual or every group to exercise their constitutional right to peaceful assembly.
01:18When you trample on other people's right, it cease or stops to be a peaceful exercise of that right.
01:26So we will disperse them.
01:29Maygit 23,000 security personnel ang nakadeploy para sa ASEAN Summit.
01:35Bukod sa siguridad, pinaghahandaan din ang daraanan ng mga delegado.
01:41Marami tuloy ang naipid sa matinding traffic.
01:44May mga motorista ang 30 minutong pinahinto, alinsunod sa stop and go system para bigyan daan ang mga dumaraang delegado
01:53ng ASEAN Summit.
01:54Di rin nakaligtas ang mga senador na nalate sa impeachment trial.
01:58To afford some of the senator judges facing heavy traffic given the season and perhaps pre-ASEAN preparations to be
02:08able to arrive at a later time.
02:10We shall call the roll at 11am.
02:16Ang MMDA naman nagkabit ng bagong road signages.
02:21Inaapura na rin ang pagpipintura sa mga bangketa.
02:25Pakiusap ni Pangulong Marcos.
02:27Pansamantala namang ito, kaunting pasensya lang.
02:30Tiyak ko na mas matimbang pa rin ang mga benepisyong matatamasa natin mula sa mga polisiyang mapagkakasunduan at sa mga
02:39trabahong malilikha.
02:40Pagkakataon daw ang ASEAN Summit para makahanap ng solusyon sa mga problemang nakakaapekto rin sa Pilipinas.
02:49Makikinabang din daw ang maliliit na negosyo at manggagawa at may bibida natin ang ganda ng Pilipinas.
02:56Puna ni ACT Teachers Party List Representative Antonio Tinio, tiis-tiis na naman para sa pangakong pag-unlad na di
03:04naman nararamdaman ng mga mamamayan.
03:07Oscar Oida, GMI News.