00:00Mga kapuso, asahan pa rin ang maulang weekend sa Habagat ayon sa pag-asa.
00:05Patuloy na namiminsala ang ulang dala nito sa ilang bahagi ng bansa,
00:10gaya ng landslide sa Baras Rizal.
00:12May report si Jonathan Andal.
00:17Gumuho ang bahagi niya ng isang bundok sa Baras Rizal,
00:21kasunod ng magdamag na ulan at malakas na hangin.
00:23Nasa 50 metro ang taas ng natapyas sa bundok.
00:27Saturated na po yung ating bundok.
00:29Tendency, bibitaw po yung bato.
00:32At saka may mga puno, pag gumalaw po dahil sa hangin,
00:35nakakatulong din po siya sa paggalaw ng mga bato.
00:39Nagbagsakan sa Marilaki Highway ang mga lupa at dambohalang bato.
00:43Walang nasaktan pero na-perwisyo ang mga motorista.
00:46Akala po namin may lindol.
00:48Yung pala bumabulusok na yung mga bato at saka lupa.
00:51Tatlong beses po siyang gumuho.
00:53Walang magagawa. Talagang stranded eh.
00:55Ang isa kasing critical dito ay yung poste po ng Mirarco.
00:59Sa poste ng Mirarco, may mabagsak.
01:02Ngayon po ay nakahapay na po na nadaanan po siya ng mga boarders.
01:06Ngayon nakakita niyo may mga paggalaw pa rin ng bato at saka ng lupa.
01:14Nag-clearing operation at nitong gabi, pinadaanan na ang isang lay ng kalsada.
01:22Sa San Marcelino, Zambales, isang buwan nang iniinda ng mga residente ng isang barangay ang pagragasan ng lahar.
01:28Yung mga kakabuhayan namin dyan, yung mga sinasaka, natabunan na, o wala na,
01:35pati yung mga alaga namin dyan, yung iba-iba kung kababaryo ma'am,
01:41naanod yung ibang alaga nila, pati yung mga, yung baboy nila, pati lahat ma'am.
01:49Naglagay na ng mga sandbags sa kalsada.
01:55Sa bayan ng Kastillejos, nagdulot ng baha ang halos magdamag na ulan.
02:00Yung mga ating mga drainage system, eh, hindi na po nakakayanan yung volume ng tubig po na, no,
02:06na bumabagsak dito po sa ating bayan.
02:10Dahil sa malakas na ulan, nagkabitak-bitak ang isang kalsada.
02:14Nasira ang mga riprap at slow protection.
02:18Bahari ng iniinda ng mga taga-dagupan city, mala-floating market na ang pamilihan ito.
02:23Malaki ang epekto nyan sa presyo ng ilang bilihin tulad ng gulay na nagmahal na.
02:28Sa Metro Manila, may mga lugar na lubog pa rin.
02:31Pero kahit hindi na bago ang baha sa barangay Dampalit sa Malabon,
02:35sawa na raw ang mga residente.
02:37Sana, hindi na ganito. Iyayos nila.
02:41Diba?
02:43Sabi nila, nung isang araw meron silang, ano, wala na raw tubig.
02:46Eh, eto tubig, oh.
02:48Pala, isdaan at ilog ang nakapalibot sa barangay.
02:51At kapag nag-high tide, tiyak nang babaha.
02:54Last year, hindi naman ganyang kalaki. Ngayon, mas matindi.
02:57Nung magkaroon ng flood control, mas lumaki pa siya.
03:00Sa sumbong sa Pangulo Portal, mayroong 27 flood control projects sa DPWH sa barangay.
03:07Ayon kay Malabon Mayor Jeannie Sandoval, walang nasirang flood control structure.
03:13Gumagawa raw ng karagdagang pumping station para mas mapabilis na mapahupa ang baha.
03:18Ongoing na po yung construction and then ma-adjust po yung mga problema.
03:22Jonathan Andal, GMA News.
Comments