00:00Patuloy po na nakararanas ng kabi-kabilang landslide sa Northern Luzon
00:04dahil sa mga ulang dala ng habagat.
00:07Tunghayan sa aking report.
00:12Sa kasagsagan ng ulan sa Suyo, Ilocosu,
00:16nagbagsakan sa kalsada ang mga tipak ng batong yan
00:19mula sa isang bundok sa barangay Urzadan.
00:23Agad nag-clearing operation.
00:28Ilang kalsada naman ang binaha sa Vigan City.
00:31Ayon sa mga residente, mabilis na umapaw ang mga kanal
00:34dahil sa malakas at tuloy-tuloy na ulan.
00:38Malakas na ulan din ang naranasan sa Lawag City.
00:43Halos mag-zero visibility sa daan.
00:47Sa kasagsagan ng mga pag-ulan nitong mga nakaraang linggo,
00:50tuloy ang bumigay ang diki na ito na kagagawa lang nitong Marso.
00:54Muntik pang madamay sa pagguho ang isang bahay.
00:57Nangako ang City Engineering Office at DPWH
01:01na agad aayusin ang diki.
01:04Napinsala naman ang landslide ang bahay na ito sa Baguio City.
01:08Agad na ilikas ang anim na residente.
01:13Sa probinsya ng Benguet,
01:15may mga naitalaring pagguho sa Itogon.
01:18Gayun din sa Atok.
01:22Gumuho rin ang bahagi ng bundok sa Sabangan Bauco Road sa Mountain Province.
01:27Dahil diyan, pansamantala munang isinara ang kalsada sa mga motorista.
01:35Naglalakihan naman ang mga along humahampas sa Basko Ports sa Batanes.
01:39Ayon sa pag-asa, habagat ang nagdadala ng maulap at kalat-kalat na pagulan sa Northern Luzon.
01:46Ian Cruz, GMA News.