00:00Samantala, dahil po sa outage sa email at ibang servisyo ng Microsoft,
00:05naantala ang operasyon ng ilang kumpanya at ahensya sa iba't ibang panig ng mundo,
00:10kabilang po rito sa Pilipinas.
00:13Ilang transaksyon ang atrasado?
00:15Nakatutok si Tina Pakaniban Perez.
00:21Sunod-sunod ang mga abiso ng ilang ahensya ng gobyerno,
00:25tulad ng Corte Suprema, Intellectual Property Office of the Philippines,
00:30at Tourism Promotions Board.
00:32May ilang transaksyon ang di agad nila masasagot dahil sa problema sa kanilang mga email.
00:38Pero hindi lang yan sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.
00:43Ang mga apektado ay ang milyong-milyong gumagamit ng Microsoft 365,
00:48ang software package kung saan kabilang ang outlook na siyang email service
00:53ng maraming kumpanya at ahensya.
00:55Kabilang din yan ang teams kung saan nag-uusap ang mga empleyado ng ilang kumpanya o ahensya.
01:02Ayon sa Microsoft, ang naranasang malawakang problema sa connectivity ng kanilang serbisyo
01:09ay dulot ng hindi inaasahang problema sa kanilang servers.
01:13Paralisado tuloy ang maraming serbisyo na umaasa sa email at ibang serbisyo ng Microsoft 365,
01:21kabilang ang mga bangko, airline, korte, at ibang ahensya ng gobyerno sa buong mundo.
01:28Unang-una, epekto niyan, siyempre, yung pag-deliver ng services.
01:32Lalo na maraming naman na po sa ating mga government agencies ang gumagamit ng outlook as a service provider.
01:40Gayunman, ayon sa Microsoft, wala silang nalalaman kahit anong malicious activity o cyber attack
01:46na posibleng nagdulot ng naturang outage.
01:50Sa Pilipinas, hiwalay na problema ang ganyang mga cyber attack,
01:55lalo't labing-anim na data breach ang iniulat sa National Privacy Commission mula nitong Setiembre.
02:01Including po dyan yung karamihan nung nangyari noong mula November 5 hanggang November 7.
02:07So nandyan ang BIR, SEC, DOLE, DILG, PAGCOR, FILVOX,
02:15nandyan din ang PCGG, yung Good Government, Pilping Coast Guard.
02:20Tinamaan din ang mga datos ng mga OFW na hawak ng Department of Migrant Workers,
02:26pati mismo ang Department of Information and Communications Technology,
02:31ilang state universities and colleges, at Department of Transportation.
02:36Lahat naman po ng cyber security, wala naman pong 100% na secured.
02:41Kasi kung talagang ang mga hackers gustong manghack, gagawa na at gagawa na rin ang palaan.
02:46Maliban sa mga ahensya ng gobyerno, ilang pribadong kumpanya ang nagreport din sa NPC
02:52na nagkaroon sila ng data breach.
02:55Meron ding tinamaang airline at hospital.
02:58Pero sa ngayon, hindi pa masabi ng mga otoridad kung konektado ang mga ito.
03:04Pero dahil sa kung kailan ito nangyari na halos November 5, November 6, November 7,
03:10at parang ang tipong ang gustong mangyari ay magkaroon ng disruption of service.
03:16Delikado ang data breach.
03:17Nagkaka-access ang ibang tao sa mga personal na impormasyon.
03:22At pwede silang magpanggap na ibang tao.
03:25Siyempre dahil alam na or may chance na nakuha po ito ng ibang tao,
03:28maaari pong gamitin ito for identity theft, for fraudulent activities, at kung ano-ano pang cybercrimes.
03:36Kung nakompromiso kayo, pwedeng magreklamo sa NPC sa pamamagitan ng kanilang social media accounts,
03:44website o sa kanilang email.
03:47Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.