00:05Pagbaba ng pickup, nagmasid ang lalaking niyan sa labas ng isang hardware store sa Davao City.
00:11Ilang saglit pa, kinuha niya ang orange plastic barrier ng DPWH at isinakay sa pickup.
00:17Palaisipan sa staff ng tindahan kung aanghin ng lalaki ang plastic barrier na ginagamit na harang sa kinukumpunin kalsada.
00:26Iniimbestigahan ng polisya ang insidente.
00:33Dahil sa global outage ng Microsoft, sa social media muna naging abala ang mga netizen na hindi makapagtrabaho.
00:40Ang kanilang mga hirit pusuan sa report ni Tina Panganiban Perez.
00:46End of the World
00:48Friday the 13th
00:50At traffic
00:52Kaya niyo pa ba?
00:55Yan ang trending ngayong araw.
00:57Pero ang tumapos sa lahat ng aberya?
01:00Microsoft down.
01:04Kung kailan pa raw gustong-gustong magtrabaho ng mga tao.
01:08Buong mundo ang apektado.
01:13Milyon-milyon kasi ang gumagamit ng Microsoft 365 ang software package kung saan kabilang ang outlook na siyang email service
01:23ng maraming kumpanya at ahensya.
01:25Kabilang din dyan ang teams na isang digital collaboration and communication platform.
01:31May mga paralisado rin serbisyo na umaasa sa email at Microsoft 365.
01:38Kabilang ang mga banko, airline at korte.
01:43Sunod-sunod ang abiso ng ilang ahensya ng gobyerno dahil di raw agad nila masasagot ang mga transaksyon sa email.
01:51Pero ang klasik Pinoy humor, agad dinala sa comment section.
01:57Salamat daw sa Microsoft. May pa-add pa sa long weekend.
02:02Biro ng isa, may pinusyang update sa first day niya sa Microsoft.
02:08Sabay, two days off agad.
02:11Iaktawa na lang ang iba.
02:14Pero ang mga information technology o IT people, hindi magkandarapa.
02:19Pero sa opisina ng isang to, still productive dahil nag-fire drill.
02:26Ayon sa Microsoft, ang malawakang problema sa connectivity ng kanilang serbisyo ay dulot ng hindi inaasahang problema sa kanilang servers.
02:37Gayunman, ayon sa Microsoft, wala silang nalalaman kahit anong malicious activity o cyber attack na posibleng nagdulot ng outage.
02:47Tina Panganiban Perez, GMA News.