00:00Showing na sa mga sinihan sa Quezon City ang Ella Arcangel, Awit ng Pangil at Kuko.
00:05Hard work pays off para kay Bianca Umali na nagbigay boses sa bida ng animated film.
00:10Makichika kay Atina Imperial.
00:14Worth it ang pagod!
00:16Yan ang pakiramdam ni Bianca Umali nang mapanood ang world premiere kagabi ng animated film na
00:21Ella Arcangel, Awit ng Pangil at Kuko,
00:24na tungkol sa isang batang mambabarang na ililigtas ang kanyang komunidad sa mga halimaw.
00:30Ito ang opening film ng Q Cinema International Film Festival.
00:34Present kagabi si na Bianca Umali na boses ni Ella Arcangel,
00:38Michael V. na boses ng Pusang Simimio,
00:41at executives ng GMA Pictures, GMA Public Affairs at 20 Manila and Rocket Ship Studio.
00:48Ipinagmalaki ng production and cast ang produkto ng ilang buwan nilang pagbuo ng animated film.
00:54Hindi rin po kasi biro yung puya at yung pagod na talagang inisa-isa nila yung
00:59bawat detalye, the details of the animation and the rendering and all of those.
01:03It is equivalent to a number of sleepless nights.
01:08Humanga ang mga manonood sa animation at istorya ng GMA Pictures film na Ella Arcangel,
01:14Awit ng Pangil at Kuko.
01:16Umiikot ang kwento nito sa Philippine folklore.
01:18Pero may mas malalim na isyong tinatalakay ang pelikula.
01:24Proud boyfriend naman si Ruro Madrid.
01:27Hindi mo maririnig yung Bianca Umali sa buong pelikula.
01:31Dahil nga syempre yung karakter ni Ella ay teenager, bata pa.
01:36Pero naramdaman mo through her voice kung ano talagang gusto niyang iparamdam na emosyon.
01:41So, sobrang napaproud ako because I know kung gaano niya pinaghandaan ang project na ito.
01:47Sabi naman ni Michael V., dapat mapanood ang pelikula sa mga sinihan.
01:52Marami rin mga Pinoy na excited na mapanood ito.
01:55Dahil sa comments pa lang, nirepost ko lang yung post ng GMA about it.
02:02Ang daming comments tapos nakakatuwa yung excitement about the film.
02:06Showing sa cinema sa Quezon City ang Ella Arcangela Awit ng Pangil at Kuko
02:11at iwa pang kalahok sa Q Cinema International Film Festival hanggang November 22.
02:17Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.