00:25MAKY PULIDO
00:302.48 ng hapon, itong nakaraang araw ng linggo, November 15, nang arestuhin ang mahigit dalawang dangralihista sa Sukat, Muntinlupa.
00:39Kung susundin ang Article 125 ng Revised Penal Code o Delay in the Delivery of Detained Persons to the Proper
00:46Judicial Authorities,
00:47sabi ng National Union of People's Lawyers o NUPL, kahapon pa ng 8.48am sila dapat kinasuhan ng PNP
00:55o hindi hihigit ng labing walong oras mula nang sila'y arestuhin.
01:00Depende kasi, sa bigat ng pagkakasala, may 12 to 36 hours para makasuhan ang inaresto ng walang warrant of arrest.
01:08Pero sabi ng NUPL, mag-aalas 10 na raw kagabi nang ibigay ng PNP ang referral letter sa Prosecutor's Office
01:14ng Muntinlupa
01:15kung saan nakasaad ang mga reklamong paglabag sa Batas Pambansa 880 o ang the Public Assembly Act of 1985,
01:23serious disobedience to authorities, grave coercion, malicious mischief at alarm and scandal.
01:30They only have 18 hours within which to file yung mga police, to file yung complaints nila.
01:40So dahil nagpas nagbasa na ito, as of kagabi, nag-refuse to sign na nung waiver, nung Article 125,
01:48yung lahat ng mga arrest na nakadetain ngayon sa may Camp Bagong Biwa.
01:56And ito ay nai-forward na sa Prosecutor's Office ng Muntinlupa kagabi.
02:01Dahil nakakulong pa rin ang mga inarestong rallyista, sabi ng NUPL, at mga progresibong grupo,
02:07malinaw na illegal detention ito.
02:10Sabi ng grupong kasamang Timog Katagalugan, pinag-aaralan na nilang magsampa ng kasong illegal detention.
02:17Isa pa lang, sinabi ko nga kahapon, unlawful arrest na talaga siya.
02:21And ngayon, lalong pinapakita nito na illegal or arbitrary na yung detention.
02:2818 hours lang dapat, kung walang formal charges, dapat immediately i-release sila.
02:34So nag-lapse na yun nung 8.30 a.m. pa kahapon.
02:38So malinaw talaga, illegal detention at ang panawagan namin, i-release na.
02:42Pero ayon kay PNP Southern Police District Director, Brigadier General Rodel Pastor,
02:48hindi ito illegal detention.
02:50Justifiable daw ang time frame sa pag-inquest nila dahil maraming inaresto
02:54at kailangan ng prosecutor's office na suriin nito ng mabuti bago maglabas ng resolution.
03:00Kinokon din na rin ang mga aktibista ang anilay hindi makataong pagtrato sa mga inaresto
03:06na isiniksik sa masikip na espasyong walang sapat na ventilasyon.
03:10Marami sa kanila ang sugatan. At least may tatlong may bali sa ribs.
03:17May mga napilayan. And sobrang dami po ng may traumatic experiences.
03:22Doon sa mga katutubong mangyan, may isa na talagang pag nakakita ng polis
03:26ay hindi niya na makontrol yung emosyon na nararamdaman niya.
03:30Ang National Police Commission o NAPOCOM, may nakita raw ng mga posibleng red flags
03:36sa pwersang ginamit ng PNP sa mga nagprotesta kaya't mag-iimbestiga sila.
03:41There are videos online wherein there are extremely physical events
03:46na kung saan mapaisip ka, tama pa ba ito?
03:50Is there reasonable force here? Yun ang key phrase eh.
03:54Reasonable force. Reasonable pa ba ito?
03:57So kailangan sagotin yung tanong na yun.
04:00Makipulido na katuto, 24 oras.