00:00Pati sa forecast o pagtaya ng panahon, pwede na rin daw mag-level up sa tulong ng Artificial Intelligence o
00:08AI.
00:09Makikita yan sa pinakabagong feature ng website at app ng Department of Science and Technology.
00:16Kung paano magagamit, alamin natin, sa pagtutok ni Darlene Kahn.
00:24Naranasan nyo na ba ang magkaibang lagay ng panahon sa magkatabing lugar?
00:28Dito guys, nag-ulan. Kusog kaayo. Pwede na side wala.
00:32Nangyayari talaga na magkakaibang panahon kahit magkalapit pa. E paano kung iisa lang ang weather forecast sa mga yan?
00:40Kaya malaking bagay ngayong kaya ng mag-forecast ng panahon sa mas partikular na lugar gamit ang pinakabagong AI weather
00:47forecast ng DOST.
00:49Ma-access yan ng libre sa mas pinagandang panahon website at app na may bagong features para sa weather forecast
00:55sa tulong ng AI Artificial Intelligence.
00:58Hindi na pang buong probinsya o bayan ang forecast dahil kaya nang makita sa mapang lagay ng panahon sa kada
01:04dalawang kilometro.
01:06Makikita rin ang kasalukuyan at magiging lagay ng panahon hanggang sa labing apat na araw.
01:11Makikita na kung kailan at saan uulan, gaano karami ang bubuhos, pati lakas at direksyon ng hangin.
01:17Pumunta lang sa panahon.gov.ph o i-download ng libre ang panahon app.
01:23Tapos ay pwede nang piliin sa menu ang gustong makita.
01:27Rain, wind, temperature, heat index at iba pa.
01:30Kung sakaling dumating na yung panahon ng bagyo o tag-ulan, lalong-lalo na ngayon na nagpalabas din ng order
01:39na localized na yung pagsuspend ng klase diba o di kaya ay trabaho,
01:45kailangan din nila ng mas detalyeng forecast para dun sa kanilang lugar na dati-rati ay hindi nagagawa.
01:53Sa dating versyon ng panahon website at app, kada tatlong oras ang pagproseso ng impormasyon.
01:59Pero sa tulong ng AI, kaya na yan ng labing limang minuto.
02:03Makikita rin ang kasalukuyang heat index na mahalagang i-monitor sa nakaambang Super El Niño.
02:09Kaya raw kasi ng AI ang mas mabilis na pagproseso ng malalaking datos at makakita ng weather patterns
02:14na importante para sa pagpaplano at paghahanda ng mga LGU, pribadong sektor, pati simple ang mamamayan
02:20para mas maliit ang tsansa ng pinsala at casualty.
02:25Napakahalaga ito kasi pwede mo nang maplano ang mga gagawin mo.
02:29Pwede rin yan sa hindi lang sa pagpasok sa eskwelahan o di kaya ay pagbibigay ng guidance o guia
02:36sa ating mga nagtatrabaho sa labas, lalong-lalo ng El Niño, pati rin yung mga aktibidad na gusto nyong gawin
02:43kung gusto nyong mag-outdoor sports o magpakasal sa labas.
02:50P188 milyon pesos ang pondo para sa proyektong ito na dalawang taon dinevelop ng DOST
02:54katulong ang US-based tech company na Atmo.
02:57Darlene Kai, Nakatutok, 24 Oras.