00:00Magkakasapon ang panibagong protesta ang mga raliyista bukas bilang pagtutol sa pagpunta ng US President Donald Trump sa Pilipinas.
00:08Mula sa Liwasang Bonifacio, saksi live si Katrina Son. Katrina?
00:15Sandra, nandito pa din sa Liwasang Bonifacio ang ilang mga raliyista.
00:20Dito na raw sila magpapalipas ng gabi habang nandito pa sa Pilipinas si US President Donald Trump.
00:34Kung kanina ay nabalot ng tensyon dito sa Liwasang Bonifacio, ngayong gabi ay mas kalmado na rito.
00:43Karimian sa mga nagkilos protesta ay nagsiuwi na, ngunit may ilan pa rin mga naiwan.
00:49Naglatag na ng mga kahon at dito na sila magpapalipas ng gabi.
00:52Ang mga katutubo mula sa Southern Tagalog, Central Luzon at Cordillera, mananatili raw dito sa Liwasang Bonifacio hanggang bukas.
01:02Bukas po ay magkakasa kami ng panghuling protesta dito sa Liwasang Bonifacio ng 6am
01:08para ipakita yung tagumpay po ng kampuhan ng pambansang minorya dito sa Liwasang Bonifacio.
01:18Sinasayaw nila dito ng ilang katutubong sayaw at sinasabayan ng kanilang chant na
01:23Ako Labaya Paxilica, na ang ibig sabihin na nila ay ayoko sa Paxilica.
01:29Naglakpay po sila mula sa Central Luzon, mula sa Southern Tagalog, may mga iba po galing pa sa Cordillera
01:36at ilang gabi na po kami dito nag-overnight.
01:39Ngayong gabi po ay mag-sa-celebrate po kami dahil matagumpay po naming nairehistro
01:44ang aming mga panawagan sa ASEAN Summit na ginaganap na.
01:49Samantala, nananatili namang nakabantay ang mga polis dito sa lugar.
01:57Sandra, umaasa naman ang mga nagkilos protesta dito na mapakinggan ang kanilang panawagan.
02:04At live mula rito sa Liwasang Bonifacio, ako si Katrina Zorn, ang inyong saksi.