00:00Piniyak ni U.S. President Donald Trump na mananatiling katuwang na mga bansa sa Timog Silangang Asya ang Amerika.
00:07Iginip din niya ang pagpapaigtig ng ugnayan ng Pilipinas at Amerika.
00:12Mula sa Pasay City, Saksi Live, si Maris Umali. Maris?
00:20Sandra, sa ikalawang pagkakataon ay dumalo si U.S. President Donald Trump sa ASEAN Summit na hinhost ng Pilipinas.
00:27Una noong 2017 at ngayon naman yung ikalawang pagkakataon kung saan nakapulong ni Trump ang mga ASEAN leaders at dialogue
00:35partners sa ASEAN-U.S. Summit ngayong gabi.
00:38At kung saan din iniulat sa kanya ni Pangulong Bombong Marcos na ang ASEAN at ang Amerika ay nakapag-adopt
00:45na ng mga prinsipyo para labanan ang online scam.
00:51Binati ni Pangulong Marcos Jr. si U.S. President Trump sa kanyang pagdalo sa ASEAN-U.S. Summit sa Maynila.
00:57Patunay lamang daw ito ng matibay na pagiging magkasangga ng ASEAN at Amerika sa paghubog sa kinabukasan ng rehyon.
01:04Binigyan din ni Marcos ang 80 taong diplomatic relations ng Pilipinas at United States na anilay magkasandig sa pinagsamang kasaysayan,
01:12pagpapahalaga at ugnayan ng kanilang mga mamamayan.
01:15Halos walang araw aspeto ng buhay sa Pilipinas na hindi naiuugnay sa United States.
01:19Dagdag ni Marcos sa susunod na taon ay pagdiriwang ang ikalimampung taon ng ASEAN-U.S. Dialogue Relations at limang
01:26taon ng Comprehensive Strategic Partnership.
01:28Sa kabila ng kanyang pagbibigay din sa malawak na ugnayan ng ASEAN at Amerika,
01:33sinabi ni Marcos na mahalaga rin magkaroon ng kongkretong resulta ang kanilang pagpupulong.
01:37Kaya nga iniulat niya kay Trump ang mga napagkasundo ang mga prinsipyo para labanan ng online scams.
01:42Pinagdibay rin ang pahayag na naglalaman ng 10 principles para sa public-private partnership sa pagtugon sa problema nito.
01:49Sa kanyang tugon, muling pinatunayan ni Trump ang pangako ng Amerika na mananatiling katuwang ng mga bansa sa timog silang
01:56ang Asia.
01:57Sinabi niyang nakataya ang Amerika sa tagumpay, soberania at kaunlaran ng mga partner nito sa rehyon.
02:02Binigyan diin din ni Trump na ang United States o ang Amerika ay isang Pacific nation at matagal nang may
02:08ugnayan sa Southeast Asia
02:09sa larangan ng kalakalan, kumersyo at diplomasya.
02:13Ipinagmalaki rin ni Trump ang pagdami ng mga investments sa United States sa ilalim ng kanyang administrasyon.
02:18Ayon sa kanya, umabot na sa $22.2 trillion ang mga pamumuhunan sa Amerika.
02:23Wala nang maupo siya sa pwesto, mas mababa sa dalawang taon ng nakalilipas.
02:27Binanggit din niya ang mga trade deal na nakuha ng Amerika sa Malaysia, Cambodia at Indonesia,
02:33kayo din sa Japan at South Korea.
02:35Hinikayat ni Trump ang mga bansa sa Asia na palakasin pa ang kanilang produksyon at kooperasyon sa critical minerals, rare
02:41earths at magnets.
02:43Binanggit niya ang mga ito bilang mahalagang sangkap sa industriya at teknolohiya.
02:47Sinabi rin niya na nakakuha ang United States ng iba pang mahalagang kasunduan sa rehyon na may kaugnayan sa enerhya,
02:54critical minerals at teknolohiya.
02:55Tinukoy din ni Trump ang superintelligence o SI bilang isa sa mga larangang pinangungunahan ng Amerika.
03:03At kabilang din sa mga posibleng benepisyo ng kasunduan ng dalawang bansa ay ang paglikha ng trabaho,
03:12pagunlad ng science at medicine at pagpapalakas ng siguridad.
03:16Pero nagbabala rin siya na kailangan maging maingat sa paggamit nito.
03:19Ipinagmalaki rin ni Trump ang lakas ng militar ng Amerika na nila ay pinakamalakas at pinakakumpleto sa buong mundo.
03:27Sabi niya pinalalakas nila ang kanilang depensa at in partnership ito sa mga bansa sa rehyon at ang pagbibenta ng
03:34military equipment.
03:35Samantala, Sandra, bukas naman ay nakatakda ang bilateral meeting ni na Pangulong Bongbong Marcos at US President Donald Trump sa
03:47Malacanang.
03:48At yan ang pinakasariwang balita mula rito sa International Media Center.
03:52Ako si Mariz Umali, ang inyong saksi.