00:02PINAKTIBAY NANG ASEAN LEADERS NOONG NOVEMBER 15 SA 49TH ASEAN SUMMIT AN DECLARATION ON FAIR, SAFE, ETHICAL AND SUSTAINABLE RECRUTMENT
00:10FOR EMPOWERED MIGRANT WORKERS.
00:12ITO AY PARA LABANA NANG ILLEGAL RECRUTMENT, HUMAN TRAFFICKING AT IBA PANG URI NANG PANANAMANTALAS SA MGA MANGGAGAWANG NANGINGIBANG BANSA.
00:20Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Kakdak, mahalaga magkaroon ng pagkilala at pagtitiwala sa recruitment process sa buong regyon
00:29upang matiyak na lehitimo ang mga agency at employer na kumukuha ng mga manggagawa.
00:34Kabilang dyan ang paglilisensya ng mga recruitment agency, pagproseso ng mga kontrata sa Department of Migrant Workers at pagtiyak na
00:42may wastong work visa ang mga mangingibang bansa para maghanap buhay.
00:46And with this declaration, magkakaroon ng greater transparency and accountability, mas malinaw, mas tapat, at mas mayroong pananagutan ang mga
01:00stakeholders,
01:01lalo na sa larangan ng recruitment and placement ng mga migrant workers, ng mga OFWs across all ASEAN member states.
01:11Kasama rin sa mga isinusulong na deklarasyon ang pagpigil sa labis na placement fee, pagbibigay ng sapat na impormasyon bago
01:19ang deployment,
01:20at pagpapahusay ng mga mekanismo sa pagtugon sa mga reklamo at pagbibigay ng legal na tulong sa mga migrant workers.
01:27Dagdag pa ng kalihim, dapat alam na mga manggagawa ang papasukin nilang trabaho at kailangan maging handa,
01:34at dapat may sapat na kaalaman pagdating sa kanilang mga karapatan.
01:38At the end of the day, OFWs can remain confident na ang Pilipinas, under the chairship of the Philippines,
01:46under the leadership of the President, will continue to translate these regional commitments into responsive policies and programs.
01:54Inaasaan rin na magiging gabay ang nasabing deklarasyon sa pagtutulungan ng ASEAN member states
02:00na mapanatili ang makatarungang recruitment at matiyak na may malinaw na paraan sa paghingi ng tulong
02:07at makamit ng mga manggagawang nakakaranas ng pangaabuso ang hustisya.
02:12Para sa ASEAN Summit 2026, Gabumilde Villegas ng Integrated State Media.