00:00Nakakulong na ang driver ng truck na nakabangga at nakapatay sa tatlong magkakaibigan sakay na motorsiklo sa Doña Remedios Trinidad,
00:08Bulacan.
00:09Ang motorsiklo ng mga biktima nakaladkad pa ng 10 km ng truck.
00:15Saksisi Gabriel Gonzalez Exclusive.
00:21Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagdaan ng cement tanker sa bahaging ito ng Doña Remedios Trinidad sa Bulacan madaling
00:29araw nitong lunes.
00:30Sa bandang likuran, may maaaninag na nagsaspark. Nakaladkad na pala noon ng 22-wheeler ang isang motorsiklo.
00:38Ayon sa pulisya, nasa 10 km ang itinakbo nito bago naharang sa barangay Acle sa Karatik Bayan na San Ildefonso.
00:46May tumawag po sa atin at agad naman po natin itong nirespondehan.
00:52Dahil po sa ating JBM patrol system, sa Karatik Bayan po ay naharang po siya ng ating mga barangay.
00:59Patay ang tatlong magkakaibigang sakay na motorsiklo matapos mabangga at magulungan ang nasabing truck.
01:05Kabilang sa mga nasawi, ang 20 anyos na si Adrian Maderable.
01:09May kumatok po sa bahay namin at sinabi po na yung anak po namin na si Adrian eh natagpuan nilang
01:18patay sa butarero po na naaksidente.
01:21Na bigla po ako, hindi po ako makapaniwala.
01:24Pagdating ko po doon, niwala na. Nakakalak na sila ko sa kaisada.
01:29Kakain daw sana ang anak kasama ang mga kaibigan ng mga aksidente.
01:33Kilala daw na mabait na bata si Adrian at maraming kaibigan dahil sa husay sa pagbabasketball.
01:39Balas po kami yan. Kahit saan na dumadayo ko para magpapaglaraw lang.
01:43Hindi ko po talaga kayang makita na ganun.
01:45Ngayon po wala. Ano po, ang hindi-sini.
01:49Pati po yung mga kapatid niya, ang mimi-miss din po siya.
01:51Base sa investigasyon ng pulisya, papuntang San Ildefonso ang cement tanker para magkarga ng semento nang mangyari ang insidente.
01:59Nagpanik na raw ang truck driver ng bumangga ang mga biktima, kaya hindi siya huminto.
02:04Medyo accident front area po kasi talaga yung lugar.
02:08Naliwanag naman siya pero may pa-curve siya at pataas, pababa.
02:13So maaaring nagkaroon ng human error.
02:17Ang unang sagot niya sir, natakot daw po siya.
02:20Aminado sa nagawa ang driver at humingi ng tawad sa pamilya ng mga biktima.
02:25Ako po, humingi na lang po ng pasyentya.
02:28Hindi ko po sinasadya.
02:29Aksidente po talaga sir.
02:31Nakakulong na ang 48-anyos na truck driver na nahaharap sa reklamong reckless imprudence,
02:36resulting in multiple homicide and damage to property.
02:40Nasa kustodiyari ng pulisya ang motorsiklo ng mga biktima at ang cement tanker.
02:44Ako si Gabriel Gonzalez, ang inyong saksi.
02:52Ako si Gabriel