Aired (November 21, 2026): Labing-isang taon nagtrabaho sa Saudi Arabia si Nanay Liza bilang OFW. Noong 2016, sumailalim siya sa open-heart surgery doon nang walang inilabas na gastos para sa operasyon, gamot at iba pang pangangailangan niya sa ospital.

Ngunit ngayong kailangan niya muling sumailalim sa operasyon sa puso, ibang sitwasyon ang kinakaharap niya sa Pilipinas. Tinatayang ₱2.3 milyon ang kailangang gastusin para rito kaya bumiyahe pa mula Sarangani ang kanyang anak na si Beth Peralta upang maghanap ng tulong pinansyal mula sa iba't ibang tanggapan ng gobyerno.

Panoorin ang buong episode: https://youtu.be/oKN5cL-ms8c

#TheAtomAraulloSpecials #PilaMuna

Watch 'The Atom Araullo Specials' every last Sunday of the month on GMA Network, hosted by award-winning broadcast journalist Atom Araullo. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00At 12.30 p.m.
00:12Mahaba na ang pila sa labas ng Batasang Pambansa sa Quezon City.
00:20Mag-a-apply sila ng tulong medikal mula sa gobyerno.
00:28Pang-apatapot dalawa sa pila si Beth Peralta.
00:33Pangalawang beses na niyang pumunta rito.
00:35Ang unang pumunta ako dito, 5 a.m. po ako pumunta kasi di ko akalain na ganito pala kahabang pila.
00:41Tapos ang kinikater po dito is 1.50 lang po sa isang araw.
00:45So yun, nakatoka na naman. Kaya ngayon po ulit ako bumalik.
00:50May malubhang sakit sa puso ang ina ni Beth.
00:54Aabot sa 2.3 milyon pesos ang tinatayang gastos sa kanyang operasyon.
01:00In-expect na din naman namin na malaki talaga siya since sa heart po yun siya.
01:04Pero yun nga po, nakakalungkot kasi saan naman tayo hanap ng ganon kalaking pera, di ba?
01:13Sa ngayon, wala siyang magawa kundi maghintay sa pila.
01:20May mga natutulog na dito, nakalatag lang ng karton, walang maayos na pahingahan.
01:27May mga senior pa na nakapila talagang pumunta dito, gabi pa.
01:31Tapos yung iba pa ay dalang batap.
01:33Kawawa tayong mga Pilipino, yung mga kababayan natin na kung saan-saan pa humihingi ng tulong.
01:38Oレ?
01:39Maayon, yan maman.
01:43Maayon, yung mga naon, na kami.
01:45Sa aming nang hinnigay ang hinis na ka, ano?
01:48Koan, basically, ikaw.
02:07Tawang dito
02:16Ito ang suporta sa Bayan Desk ng House of Representatives.
02:26Ang pakain ni Beth, makakuha ng Guarantee Letter o GL.
02:31Isang dokumentong nagsasaad kung magkano sa gastuseng medikal ang sasagutin ng isang ahensya ng gobyerno.
02:38Kasi po nakita ng doktor na may singaw na po yung valve sa heart niya.
02:43Sinusuri ang mga requests sa tanggapang ito.
02:45Pero hindi mismo sa kamera galing ang perang nakalagay sa mga GL.
02:51Ineendorso nila ang mga applications sa mga ahensyang may pondo tulad ng Department of Health o DOH
02:56at Department of Social Welfare and Development o DSWD.
03:01Mas yung waday niya po, hindi naman na siya nagpataba.
03:04Hindi na po, nasa bahay na lang po.
03:06Okay na po, mag-a-sabit ko lang po yung request niya.
03:15Pagkatapos ang magdamag na paghihintay, maayos naman daw ang naging proseso ng makapasok na si Beth.
03:24Ngayon, kailangan na lang niyang hintayin kung maaprobahan ang kanyang kahilingan.
03:30Wala bang garantiya na baka kakuha ka ng tulong o kung magkano?
03:36Wala pa naman din po. Basta hintayin lang daw po ang text within 3 to 5 days.
03:40Pag hindi po sila nag-text, tatawag po kami.
03:43Maliit na tagumpay ito para kay Beth, na dumayo pa rito mula sa ranggani
03:48para tumulong sa pagpapagamot ng kanyang ina.
03:51Bago po nung nangyari sa mama ninyo, alam nyo ba itong sistema ng paghingi ng garanti letter?
03:58Hindi po talaga, wala kaming ano.
04:00Kaya nag-search na lang po kami sa Facebook, may mga nagsabi din.
04:03Actually po, yung doktor din po na ang mama ko po yung nagsabi na
04:06yun nga, makakahingi naman ang mga garanti letter po.
04:11Sa mga susunod na araw, plano raw lumapit-Tibet sa iba pang opisina
04:16para mag-request ng garanti letters.
04:22Kaya kumuha uli siya ng mga requirement.
04:26Anong gagawin mo dito?
04:28Kukuha po ng barangay indigency, sir.
04:30Para isa din po sa requirements na pupuntahan ko po sa next nahingian na tulong.
04:37Dito po ang tanggapan.
04:39Daftar nun!
04:41Kukuha po lang barangay indigency ulit.
04:47Ito yung sinabit mo sa House of Representatives.
04:50Pero kailangan mo nang hiwalay na ganito para sa iba pang ihingan mo ng GL.
04:56So wala mo lista lahat?
04:57Apo, nalista ko.
04:58Paisa-isa?
04:58Yes mo.
05:05Dahil hapon na, walang pila sa barangay nang dumating si Beth.
05:14Ma'am, pakicheck po kung tanga yung mga spell para hindi na po kayo mga...
05:17Ah, sige po.
05:22Tama po.
05:24Thank you!
05:25Pabilis niyang nakuha ang kanyang certificate.
05:34Sunod, nagtungo naman si Beth sa City Hall para sa tinatawag na social case study report.
05:41Kailangan din daw niya ng hiwa-hiwalay at orihinal na kopya ng mga dokumentong ito.
05:48So wala pang tulog itong si Beth pero kailangan niyang habulin yung mga opisina para makakuha ng mga requirements doon
05:55sa mga isasabit pa nila mga GL sa mga susunod na araw.
05:58So, patagang kakainin yung oras mo eh.
06:01Hindi pwedeng, hindi ka mag-leave sa trabaho para gawin lahat ng ito.
06:05Isa siyang full-time job.
06:13Makalipas ang ilang araw, tinalaw ko sila Beth sa kanilang bahay sa San Mateo, Rizal.
06:20Gandang araw po. Hi, Beth.
06:22How's that?
06:23Hello, Sir Atom.
06:25Gandang araw po.
06:26Hello, kayo po, Nana.
06:28Kamusta po?
06:29Hello po.
06:30Kamusta po kayo?
06:31Mabuti naman po.
06:32Hello, Beth.
06:33Hello po.
06:3449 years old na si Nanay Liza.
06:37Bago umuwi ng Pilipinas, labing isang taon siyang nagtrabaho sa Saudi bilang OFW.
06:43Noong 2016, sumailalim siya sa open heart surgery doon.
06:48Noong una po, doon ako sa Saudi na operahan.
06:52Hindi po ako nahirapan dahil libre po doon lahat.
06:57Gamot, hatid-sundo ka sa ospital, at inaasikaso ka po nila kaagad.
07:03Hindi po kagaya dito.
07:05Kung mahirap ka po, hindi ka po papansinin.
07:10Itong Hunyo lang, pumanaw sa sakit ang asawa ni Nanay Liza.
07:16Kaya ang mga anak na niya ang nagtulong-tulong para matustusan ng gasto sa operasyon.
07:21Ang hirap pa niya kung walang pwedeng mag-asikaso ng...
07:25Ay, kung walang mag-asikaso, wala talaga.
07:27Mm-mm.
07:29Buti na lang may anak akong masipag.
07:35Dahil hindi na makapaghintay ng bakanting pwesto sa punuang public ward,
07:39nagpa siya ang pamilya na sa semi-private ward ipagawa ang operasyon kahit mas mahal ito.
07:46Halos 300,000 pesos na raw ang nailuwal nilang pera.
07:50Kahit yung down payment pa lang po, mahal na eh.
07:53Opo po, yung down payment pa lang, hirap na hirap na.
07:57Pero pinagsikapan po namin na maka-down lang kami para ma-schedule ako ng operasyon.
08:04E di naubos po ang ipon.
08:06Naubos po.
08:11Bukod kay Beth, tumutulong din ang kanyang kapatid na si Jedaline sa paghahanap ng medical assistance.
08:18Habang si Beth ang pumupunta sa mga opisina, si Jedaline naman ang nag-aasikaso.
08:23Nang mga online application.
08:25Since may work din po ako, yung ginagawa ko through online email, gano'n po.
08:30Kasi hindi ko rin po talaga maasikaso kapag ako po yung pipila.
08:33Oo, kasi kailangan ko mag-leave.
08:35Kailangan ko rin magtrabaho po.
08:38Noong Agosto pa, nagsimulang magpadala ng mga email si Jedaline.
08:42Tansya mo, ilan na yung mga napadala mong sulat?
08:45May 30 emails.
08:50Doon sa 30 na yun, ilan na ang sumagod?
08:52Sa 30 po, ano lang.
08:54Anim lang po ang makuha namin.
08:56Ah, gano'n ha?
08:56Tapos ang ano po, 3K, 5K.
08:5910K ang pinakamataas.
09:02Ang ibang mga email, tumatalbog lang daw.
09:06Sasagod.
09:08Ang ibang tanggapan naman, may sariling sistema ng pagpapa-appoint.
09:13So sa online pa lang, pila na?
09:15Mm-mm, gano'n po.
09:16Oo, oo, oo.
09:20Pwede na po kayo.
09:22Nakakabahan ka ba?
09:25Nakakabahan ka?
09:26Hindi naman po.
09:27Hindi naman, oo.
09:28Marami lang iniisip.
09:30Oo nga po.
09:43Samantala, matapos ang ilang linggong paghanap ng pondo, nakadakla nang i-admit sa ospital si Nanay Liza para sa kanyang
09:50operasyon sa puso.
09:52Okay?
09:54Kaya natin ito, ha?
09:56Ha?
09:57Dito lang naman.
10:11Malaking ginhawa sa pamilya na may pecha na ang operasyon ni Nanay Liza.
10:19Pero, hindi pa sila pwedeng magpahinga.
10:33Mangalis muna po ako, ha?
10:35Kinabukasan, muling lumakad si Beth para maghanap ng karagdagang GL.
10:47Pero bakit nga ba sa mga tanggapan ng politiko lumalapit ang maraming Pilipino para sa tulong medikal?
10:57Sa papel, nasa mga ahensya tulad ng DOH at DSWD ang pondo para sa tulong medikal, hindi sa mga kongresista
11:05o senador.
11:07Pero may impluensya ang mga mambabatas sa budget ng mga programang ito.
11:12At sa pamamagitan ng mga referral o endorsement, nagiging tagapamagitan sila na mga pasyenteng humihingi ng tulong.
11:21Sana'y tuloy ang mga tao na kailangan lalapit sa isang politiko para humingi ng pera.
11:29And the politicians themselves, they used it for their own patronage politics.
11:34Excuse me po, saan po sa kaya ng papuntang malanday sa Valenzuela City Hall?
11:43Para sa mga tulad ni Beth, ang oras na iginugugol sa pagdalakad ng guarantee letters,
11:49oras rin na malayo sila sa kanilang mahal sa buhay na may sakit.
11:55Kasi yung care, dapat nandyan din may nag-aaruga, may nag-aalaga sa'yo.
12:00Pero pag pumunta ka sa pasyente, o nasa na po yung bantay nyo, nandun po nakapila.
12:06Ano yung dumadaan sa isipo kanina habang nakapila ka dyan?
12:10Parang nanlilimos kami dito sa sariling pera din naman ng taong bayan.
12:16Tapos pa iniipit-ipit pa, paunti-unti pang ibibigay.
12:19Kung kaya naman ibigay ng isa, ang bagsak na lang.
12:25Sa ospital, patuloy ang paghahanda para sa operasyon ni Nanay Liza.
12:50Okay ka lang, mother.
12:53Ria din na.
12:54Ang tip na rin maganda eh.
13:00Patapos ang lahat ng pinagdaanan,
13:03tawag na lang mula sa operating room ang hinihintay ng pamilya.
13:08Pero hindi naman dapat ganito kahirap ang pagpapagamot.
13:12Ano po ba ang balakid kung bakit hindi nalang ibigay yung pera sa mga ospital
13:16at sa Department of Health?
13:19Kapag may nagkasakit at nangangailangan, pwedeng sagutin na ng mga ospital o mga institusyon.
13:26Actually, yan ang panawagan namin.
13:27Strengthening the public health system should emanate from budgets
13:31that should really be provided directly to the public health facilities.
13:39Pukot sa pagpondo sa mga pampublikong ospital,
13:42hiwalay na usapin pa ang pagsuporta sa PhilHealth.
13:45Para sa 2027, humingi ang ahensya ng di bababa sa 244 billion pesos na subsidiya.
13:52Pero sa budget na ipinasanang kamera,
13:5474.45 billion lang ang inilaan dito.
14:01Samantala, halos dumobli naman ang panukalang pondo
14:04para sa medical assistance to indigent and financially incapacitated patients o MAIFIP.
14:10Mula 24 billion tungong 49 billion pesos.
14:15Ang MAIFIP ay programa ng DOH na isa sa mga pinagkukuna ng pondo para sa guarantee letters
14:22na inilalakad sa pamamagitan ng mga tanggapan ng mambabatas.
14:29Para kay DOH Sekretary Edwin Mercado,
14:32makatutulong din kung mas malaking bahagi ng pondo para sa healthcare
14:36ay idadaan sa PhilHealth
14:38para mas madaling masubaybaya ng gastos at maapababa ang mga bayarin.
14:44Pag ganyan na hiwahiwala, ang hirap kasi nga wala tayong tracking,
14:47hindi natin naninegosyate ang ating mga doktorat at saka mga hospital.
14:51So I'm in favor really of centralizing.
14:53But meron at meron pa rin talagang pagkakataon
14:56na hindi sasapat yung nakatakdang coverage ng PhilHealth.
15:02Sinisimula na rin ng DOH ang EMAIFIP,
15:05isang online system para mas direct na makahingi ng tulong medikal
15:08ang mga pasyente.
15:10Layunin ang bagong sistema na mabawasan
15:13ang paglipat-lipat ng mga pasyente sa iba't ibang tanggapan.
15:18So bakit kailangan ko pa lumapit sa politiko?
15:21Kaya nga we're already shifting to EMAIFIP.
15:24Para hindi na kailangan...
15:24Access points para mas mabilis.
15:27Para rekta na.
15:28Kapag gano'n, hindi na kailangan maglumapit kay senator or kay congressman?
15:34Yan yung aspiration natin.
15:45Dumating na ang oras ng operasyon ni Nanay Liza.
16:00Ay, Mami!
16:01Ay, ngayon tayo!
16:06Inabot ng magdamag ang paghihintay ng pamilya.
16:11Matapos ang maigit labing dalawang oras,
16:14lumabas na ang balita.
16:16Okay na siya.
16:19Sana bukas, ising na siya.
16:21Kaya nga.
16:23Sarap tulog.
16:26Matagumpay ang kanyang operasyon.
16:29At least ngayon, nakita na namin siya kung anong kalagayan niya.
16:33Nakita na namin na okay naman siya.
16:36Yun ang importante sa ngayon, talaga.
16:39Patuloy na nagpapagaling si Nanay Liza.
16:42Nasa maigit 1.7 million pesos pa
16:45ang natitira nilang bayarin sa ospital.
16:48Hindi patiyak kung magkano ang mababawas dito
16:51sa tulong ng PhilHealth
16:53at iba pang programa ng gobyerno.
16:56Hindi rin alam ng pamilya
16:58kung paano babayaran
16:59ang matitira.
17:03Pagaling ka lang dyan.
17:05Maghintay kami dito.
17:12Bagamat may mga naaabot na ng tulong,
17:15marami pang kailangan ayusin
17:17sa ating sistemang pangkalusugan.
17:22Hindi dapat nakasalalay
17:24sa kakayahang magbayad
17:25ang pagpapagamot
17:26dahil karapatan nito
17:28ng bawat Pilipino.
17:36rant mga naaabt na porte na kakayahang.
17:40You

Recommended