Pagkompronta ni Pangulong Marcos kay Romualdez, idinetalye ni ex-DPWH Sec. Bonoan matapos umano niyang magsumbong kaugnay sa congressional insertions 


EXCLUSIVE: Idinetalye ni dating Public Works Sec. Manuel Bonoan sa kaniyang judicial affidavit na isinumite sa Sandiganbayan Third Division kung paano raw niya isinumbong sa pangulo ang malakihang kaltas sa budget ng DPWH dahil sa mga congressional insertions noong 2024 sa ilalim ng noo’y House Speaker Martin Romuladez.


Sa dami raw kasi ng mga ibinawas sa budget ng DPWH noon, nawalan ng pampasuweldo sa 7,000 tauhan ng departamento na muntikan nang matanggal sa trabaho.


Pero kahit daw sinermonnan ng pangulo si Romuladez, kinaltasan pa rin ang 2025 DPWH budget para pondohan ang “insertions” na umabot ng mahigit P400 bilyon.



24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00I-dinetalye ni dating Public Works Secretary Manuel Bonoan
00:03sa kanyang judicial affidavit na isinumite sa Sandigang Bayan 3rd Division
00:07kung paano raw niya isinumbong sa Pangulo
00:10ang malakihang kalta sa budget ng DPWH
00:13dahil sa mga congressional insertions noong 2024
00:17sa ilalim ng nooy House Speaker Martin Romualdez.
00:21Sa dami raw kasi ng mga pinawa sa budget ng DPWH noon,
00:25nawala na ng pampasweldo sa 7,000 tauhan ng Departamento
00:28na munti ka ng matanggal sa trabaho.
00:31Pero kahit daw sinermunan ng Pangulo si Romualdez,
00:35kinaltasan pa rin ang 2025 DPWH budget
00:39para ponduhan ng insertions na umabot na mayigit 400 bilyong piso.
00:45Nakatutok si Joseph Moro.
00:47Next, please.
00:50Sa judicial affidavit na isinumite ni dating Department of Public Works and Highways
00:55o DPWH Secretary Manuel Bonoan sa Sandigang Bayan 3rd Division,
00:59isinalaysay niya ang ani ipagkumpronta ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
01:04kay dating House Speaker Martin Romualdez na kanyang pinsan.
01:08Ayon sa affidavit na eksklusibong nakuha ng GMA News,
01:11nangyari yan ang isumbong ni Bonoan na malaki
01:14ang nabawas sa budget ng DPWH
01:16dahil sa mga congressional insertions noong taong 2024.
01:20Nag-aalala rao kasi noon ang Pangulo sa Amonimuntika
01:23ng pagtanggal ng 7,000 daily wage employees ng ahensya
01:27kaya tinawagan si Romualdez habang nasa harap si Bonoan.
01:31Tinapyas daw kasi ng mga mambambatas ang pondo ng DPWH
01:35para sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE,
01:39pambayad sa mga right of way
01:41at pambili ng mga gamit para sa mga dredging.
01:44Bukod yan, kinuha rin umanong 70 billion pesos na budget
01:48mula sa infrastructure flagship projects
01:51o foreign assisted projects
01:52at wala nang itinara para rito.
01:55Ang mga pondong ito ng DPWH
01:57inilagay ng mga mamabatas sa lampas
01:59siyam na libong bagong infrastructure projects
02:02na nakakahalaga ng 380.48 billion pesos.
02:06Sa sobrang laki raw ng nabawas,
02:08kinulang sila ng perang pampasahod
02:10sa nasa 7,000 empleyado
02:12na nangnanib matanggal sa trabaho.
02:15Kaya pinagsabihan daw ng Pangulo si Romualde
02:17sa sinabihan na hindi pwede ang ginawa nito.
02:20Kasunod nito, sinitaumanon ni Romualde
02:23kung bakit nagsumbong siya sa Pangulo
02:25gayong pwede naman daw siyang dumiretsyo dito.
02:28Sa kabila ng tawag ng Pangulo,
02:30kinaltasin pa rin daw ng Kamara at Senado
02:32ang budget para sa 2025
02:35para pondohan ang mga congressional initiatives o insertions.
02:39Noong 2025 daw, nagsingit ng 436 billion pesos
02:43na congressional initiatives o insertions
02:46ang mga mamabatas.
02:48Nagalit daw ang Pangulo na gusto sanang i-vito
02:51ang buong 2025 budget
02:53pero pinayuhan daw ito ng mga economic managers na huwag.
02:57Ang mga proyektong nirekomenda raw ni Bonoan na i-vito
03:00ay mga tinawag niyang guni-guni projects
03:03tulad na mga highway papunta sa mga resort na mga mamabatas,
03:06mga bagong building, hostel at swimming pool
03:09na hindi proyekto ng gobyerno.
03:12Binito raw ng Pangulo ang 26 billion pesos
03:14na halaga ng mga proyektong ito.
03:16Sa lampas na 400 billion pesos na insertions,
03:20192 billion daw nito ang galing sa Kamara.
03:24Samantalang ang iba ay joint project
03:26ng mga senador at congressman na nasa 17 billion pesos.
03:30Ayong kay Bonoan na validate
03:32at in-authenticate na nila kung sino
03:34ang mga nasa likod ng mga insertions.
03:37Si dating DPW Secretary Manuel Bonoan
03:40ay isa sa mga testigo ng ombudsman
03:42sa lampas 7 billion pesos na plunder case ito
03:45laban sa dating speaker.
03:47Nagsumite na si Bonoan ng listahan
03:49ng mga insertions ni Romualdez at Co.
03:52Aabot umano sa 27 billion pesos
03:54ang mga proyektong ipinalistan ni Romualdez
03:57sa taon 2025 lamang.
04:00Sinubukan namin kunan ng pahayag
04:01ang kampo ni Romualdez
04:03pero ayon sa kanyang abogadong si Atty.
04:05Aid Fajardo,
04:06wala pa raw silang reaksyon sa ngayon.
04:08Tumanggi naman magkomento ang kampo ni Co.
04:11Dahas subjudice raw ito.
04:13Joseph Morong, Nakatutok 24 Oras.

Recommended