00:00Sa bawat okasyon, may mga kwentos sa likod dito.
00:03Alamin natin ang buong detalyes sa naganap na art exhibit
00:06kung saan nagbigay po guys sa masining na paglalakbay
00:09si Nune Lucio Alvarado. Let's all watch this.
00:22Sa isang obrang amin na tunghayan, may kwento ng pagdiriwang.
00:26Pero sa likod ng masayang okasyon, may mga realidad ng buhay na hindi agad napapansin.
00:33Ito ang isa sa mga mensaheng hatid ng okasyon,
00:36isang art exhibit na nagbibigay pugay sa masining na paglalakbay ni Nune Lucio Nune Alvarado
00:43na recently lamang ay prinuklama bilang National Artist for Visual Arts ng Pilipinas.
00:50Binuksan ang nasabing exhibit sa Art Ilaan, sa isang mall sa Paranaque,
00:55kung saan kitang-kita sa apat na pungpiling artworks ang kanyang natatanging estilo
01:00at ang kanyang malalim na pagtanaw sa buhay ng mga Pilipino.
01:06Hango ang pamagat ng exhibit na ito sa isang 2004 Oil on Canvas Painting ni Nune.
01:12Sa painting na ito, makikita ang isang piging na inihanda para sa pagdiriwang ng mga hasyendero,
01:18habang abala ang dalawang sakada sa paghahain ng lechon.
01:23May aso namang naghihintay sa mga matitirang pagkain sa ilalim ng mesa.
01:28It is our privilege. It is something that we cannot stop by doing
01:32because I think he deserves to be put up pa siya, to be given a show for his works
01:38as a nationalist, a social-realist artist.
01:41I think it's high time that you collect Nune because he's already history.
01:47Hindi na siya mabubura sa ranggo ng mga national artists.
01:51He will be in the future spoken of like Botong Francisco and Hoya Legaspi, Amor Solo for that matter.
01:59Sa pamamagitan ng mga obra ni Nune, hindi lamang kulay at anyo ang ipinakita,
02:05kundi ang kwento ng karaniwang Pilipino.
02:08Bilang bagong proklamadong national artist, patuloy na binibigyang pansin ang kanyang ambag sa Philippine Visual Arts
02:15at ang kanyang paggamit sa sining bilang paraan ng pagpapahayag ng social consciousness.
02:22Very consistent talaga siya kasi pinakita niya yung struggle ng ating mga magsasaka,
02:30maingisda, lalo-lalo na yung mga nagtatrabaho sa asyenda, sa negros,
02:36yung mga sakada doon na naghihirap, yung mga sakada na araw-araw ay nasa ilalang init.
02:41This became very, very iconic. Something na very identifiable talaga kay Sir Nune.
02:48Sa okasyon, ang pagdiriwang ay hindi lamang tungkol sa kasayahan.
02:53Isa rin itong paalala na sa likod ng bawat piging, may mga kwentong dapat pakinggan at mga taong dapat bigyang
03:00pansin.
03:01Dahil sa sining ni Nune Alvarado, ang karaniwang tagpo sa buhay ng Pilipino
03:06ay nagiging salamin ng ating kasaysayan, kultura at litunan.