00:01Bago at mas magandang health packages ang hatid ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth para sa taong 2027.
00:09Tulad ng PhilHealth Tapat Program kung saan mayroon 20% insentibo sa first case rate para sa mga kwalifikadong direct
00:16contributors at kanila mga dependents
00:19sa mga accredited na mga ospital, mapa ward o non-ward, para sa mga covered in patient admissions simula sa
00:25Enero.
00:26Para maging kwalifikado, kailangan nakapaghulog ang direct contributor ng hindi bababa sa 15 buwan mula sa 18 buwan bago makonfine
00:35at nakabatay ito sa regularidad ng paghuhulog at hindi sa laki ng ibinabayad nito.
00:41Ayon sa tagapagsalita ng PhilHealth na si Dr. Alfred De Dios, walang mababawas na beneficyo sa mga miyembro sa ilalim
00:48ng Universal Healthcare Act
00:49at hindi sakop ng tapat ang ilang specialized outpatient packages tulad ng Z-benefits, ilang Rationalized Case Rates at Yakap
00:57o Gamot Program.
00:59Ang top of it po na ito ay isa lamang pong incentive para sa mga direct contributors para mabayaran din
01:09po nila ang kanilang mga premium.
01:11Ilan rin sa pinagandang programa ng PhilHealth para sa mga kababaihan ay ang mas pinalawak na maternity case benefits
01:18at mas mataas na case rates para sa piling maternal at gynecologic services.
01:24Pinapalawak rin ng PhilHealth ang Yakap Program sa 135 gamot at molecules upang mas nakatuon ang mga klinik
01:32sa pamamahala at koordinasyon ng kalusugan ng mga miyembro.
01:36Palalakasin rin ang diagnostic support sa primary care kabilang ang urinary albumin at urinary creatinine
01:43upang maagang matukoy at mapamahalaan ang chronic kidney disease.
01:48Mas malawak rin ang coverage para sa mga miyembro na magkakaroon ng leptospirosis
01:53kusaan may outpatient case na sa yakap ang mga may mild cases
01:57at mas mataas na coverage naman para sa moderate hanggang severe cases.
02:02Pas pinadali rin ang ZIM benefits para sa mga children with disabilities
02:06pati na ang bagong coverage para sa mga na-admit ng wala pang 24 na oras.
02:11Gabumil de Villegas para sa Bayan.