00:00Mas malawak na oportunidad sa pagbebenta at pagpapalago ng negosyo sa ibang bansa
00:06ang isinusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng mga kasunduan
00:11sa kalakalan at digital trade sa ASEAN at iba pang rehyon.
00:15Tinatayang nasa 680 million customers ang posibleng maabot ng mga negosyanteng Pilipino sa ASEAN
00:22kung saan 99.6% ng mga negosyo sa bansa ay micro, small and medium enterprises o MSMEs.
00:30Kabilang sa mga inisyatiba ang ASEAN Digital Economy Framework Agreement na nilagdaan sa panahon ng Philippine Chairship
00:38na layong padaliin ang pagpasok ng mga negosyanteng gumagamit ng websites, e-commerce, platforms at social media sa bansa sa
00:47Southeast Asia.
00:47Kasama rin sa mga pinalalakas na ugnayang pangkalakalan ang free trade agreements sa Chile, Australia at New Zealand
00:55at ang China-ASEAN Free Trade Area 3.0 upgrade.
00:59Inaasahang sa pamamagitan nito ay mas maraming MSMEs at Pilipinong negosyante
01:04ang makapagpapalago ng kanilang mga produkto at negosyo sa rehyon.