• 5 hours ago
Narito ang maiinit na balita ngayong November 25, 2026






-Ilang kabataan, nagpasabog ng umano'y improvised explosive device sa Brgy. Teachers' Village West; ilang residente, nabulabog


 


-Ilang tulay at taniman, nalubog sa baha dahil sa ulang dulot ng Shear Line at Hanging Amihan


 


-PAGASA: 4 na lugar, posibleng makaranas ng danger level na heat index ngayong araw


 


-Atty. Noreen Bernadette San Luis, nanumpa bilang bagong LTO Chief;


Dating LTO Chief Markus Lacanilao, nanumpa bilang bagong administrator ng MARINA;


DOTr ASec. Jorjette Aquino, nanumpa bilang bagong General Manager ng PNR


 


-LPG price rollback, epektibo ngayong araw


 


-Babae, patay sa pamamaril; kaugnayan ng biktima sa droga, iniimbestigahan


 


-Lalaking nag-alok ng P2,000 sa isang babae kapalit ng panandaliang aliw, hinabol at binugbog; Lalaking nambastos, napag-alamang isang guro; nag-sorry sa ginawa


 


-Pahinante, patay matapos tumilapon at magulungan ng sinasakyang truck


 


-36-anyos na rider, patay matapos umanong atakihin sa puso habang nagmomotorsiklo sa Brgy. Tangid


 


-Prosecution witness: Dating House Speaker Martin Romualdez, "central figure" sa flood control scandal


 


-PBB Collab Kapuso evictees Nicole Fortuna at Ethan Benares, masayang sinalubong sa outside world ng Sparkle family


 


-2 sundalo, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem; 3 Vietnamese nat'l na nagsasagawa umano ng surgical procedure nang walang lisensya, arestado


 


-Mga residente, buwis-buhay na tumatawid sa Hilabangan River dahil walang tulay roon


 


-Habeas Corpus petition ng magkakapatid na Duterte na kumuwestyon sa pag-aresto kay FPRRD, ibinasura ng Korte Suprema


 


-Kampo ni Kitty Duterte, iaapela ang pagbasura ng Korte Suprema sa kanilang Habeas Corpus petition kaugnay sa pag-aresto kay FPRRD


 


-32-anyos na babae, natagpuang patay sa isang abandonadong bahay sa Brgy. Banago


 


-Sen. Alan Cayetano, iminungkahi na mag-ambag ang mayayamang Pilipino ng mahigit P170,000 para mabayaran ang P19.66T national debt

 


-PBBM, nakaharap si Alex Eala sa isang tennis game; sinabing susubukan ng gobyernong ibalik ang interes ng kabataan sa sports


 


-PCG: Nag-dangerous manuever ang Chinese Maritime Militia vessel matapos i-radio challenge habang nasa territorial sea ng Panata Island


 


-Dating Rep. Mike Defensor at Joseph Espiritu, iaapela ang pagbasura ng Sandiganbayan sa kanilang petisyong magpiyansa sa kasong plunder


 


-Pambato ng Pilipinas sa Miss International na si Katrina Anne Castañeda Johnson, ready to slay na


 


-3 bagong sasakyang pandagat, opisyal nang isinama sa fleet ng PCG


 

Category

🗞
News
Transcript
00:30Huli kam sa Quezon City ang pagpapasabog ng ilang kabataan ng umano yung improvised explosive device.
00:37Ang mga nabulabog na residente nagre-reklamo dahil hindi ito unang beses na nangyari doon.
00:42Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
00:47Bandang tanghali kahapon, namataan ng dalawang high school students umano sa isang eskinita sa barangay Teachers Village West sa Quezon
00:55City.
00:55Ang nakaputing t-shirt, nagsisilbing lookout. Habang ang nakapula, may inilapag na isang bagay.
01:02Maya-maya, tumakbo na ang dalawa.
01:06Tumakbo na rin ang isa nilang kasamahan na kumukuha ng video.
01:10Ilang sandali pa, nagkaroon na ng malakas na pagsabog sa eskinita.
01:17Kaya tumunog ang alarm ng mga sasakyan.
01:20Walang nasaktan sa pagsabog.
01:22Nabulabog ang mga residente malapit sa eskinita.
01:26As inyong parang bomba talaga dahil yung manig yung buong CR ko.
01:29Sa tingin ko po, sila po yung minor di edad eh dahil nakasukot po ng itim na pantalon na parang
01:33pang high school.
01:34Meron nga na po sumabog na pinuntahan naman ng aming tanod tapos inireport po sa Bantuto.
01:40Pinuntahan po ng polis silang Station 9.
01:43Sila na po yung nag-imbestiga.
01:45Nagtakbuhan na yung mga kabataan, pagputok.
01:48Ayon pa sa isang residente, hindi ito ang unang beses na nabulabog sila ng pagsabog.
01:54Few months ago, meron mga paisa-isa tuwing every month.
01:57Ngayon po, medyo dahil dumadami na.
01:59Inabangan na ho talaga ng mga kapitbahay.
02:01Nagtulong-tulong na ho lahat para mahuli talaga sa CCTV.
02:05Dayo po yan. Dayo.
02:06Kasi dito sa amin, wala pong maraming istudyante rito nang tatambay.
02:10Iniimbestigahan na ng polisya ang insidente.
02:12Bineverifika na rin ang mga impormasyon tungkol sa pagkakakilanla ng mga sangkot na kabataan
02:17at kung saan sila nag-aaral.
02:20Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:25Sa gitna ng El Niño, binaha ang ilang lugar sa Cagayan Province dahil sa malakas na ulan.
02:31Umapaw ang tubig sa Tanaana Bukulan Bridge sa Amulung.
02:37Payo po ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga motorista.
02:41I-check muna ang mga abiso para matiyak na ligtas na dadaanan ang tulay.
02:47Binaharin po ang ilang maisan sa Alkala.
02:50Problemado tuloy ang ilang magsasaka sa Lugi matapos malubog sa tubig ang kanilang mga tanib.
02:55Sa Tugigaraw naman, umapaw rin ang tubig sa Pinakanaawan Bridge.
03:01Umabot ito sa Riverbank at Echo Park.
03:04Mapaw rin po ang tubig sa Bagunot Bridge sa Bagau batay sa monitoring ng MDRRMO.
03:10Ayon sa pag-asa, shear line at hanging amihan ang dahilan ng pag-ulan sa Cagayan.
03:23Apat na lugar sa bansa ang makararanas muli ng matinding init at alinsangan ngayong araw.
03:28Ayon sa pag-asa, posibleng umabot sa danger level na 43 degrees Celsius ang heat index sa Koron, Palawan.
03:34Habang 42 degrees Celsius naman sa Mambusaw, Capis, Dumangas, Iloilo at sa Borongan, Eastern Samar.
03:42Dito po sa Metro Manila, posibleng makaranas ng extreme caution level na heat index
03:47o abot hanggang 39 degrees Celsius particular sa Pasay.
03:51Para makaiwas sa heat-related illness, ipinapayo po na huwag magbilad sa initan,
03:56sumilong sa lilim at dalasan ang pag-inom ng tubig.
04:00Sa kabila niyan, ilang lugar pa ang nakapagtala ng malamig na umaga.
04:0411.5 degrees Celsius ang naranasan sa La Trinidad Benguet,
04:0817.6 degrees Celsius sa Baguio City.
04:11Bahagyang malamig naman dito sa Quezon City na umabot sa 25.8 degrees Celsius.
04:16Wala pong bagyo o low-pressure area ang namataan sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility ayon sa
04:22pag-asa.
04:23Pero uulanin ang Palawan dahil sa Intertropical Convergence Zone.
04:28Apektado pa rin ang shear line ng Cagayan at Isabela.
04:32Hanging-amihan naman sa Batanes at Ilocos Norte.
04:36Dito po sa Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa,
04:39magiging maayos at maaraw ang panahon dulot ng Easterlies.
04:43Pero posibli pa rin ang mga panandaliang ulan o kaya'y thunderstorm.
04:48Itinaas ang thunderstorm advisory hanggang alas 12.30 ngayong tanghali sa ilang bahagi ng Surigao Provinces,
04:54Dinagat, Agusan del Sur at Davao Oriental.
04:57Isinailalim naman sa thunderstorm watch hanggang mamayang alas 10 na gabi ang Mindoro Provinces,
05:02Marinduque, Romblon, Palawan, Bicol Region at halos buong Visayas.
05:09May bagong chief ang Land Transportation Office.
05:13Ngayong umaga, nanumpa kay DOTR Secretary Vince Zizon,
05:16si Atty. Norin Bernadette San Luis bilang bagong LTO chief matapos siyang italaga ni Pangulong Bongbong Marcos.
05:23Bago maging LTO chief, nagsilbi si Atty. San Luis bilang LTO regional director ng Bicol at Calabarzon.
05:31Nagsilbi rin siyang city administrator ng Naga, Camarines Sur.
05:34Si dating LTO chief, Marcos Lacanilaw naman, nanumpa na rin bilang bagong administrator ng Maritime Industry Authority o Marina.
05:42Nasabay rin nilang nanumpa si Transportation Assistant Secretary Georgette Aquino
05:47na itinalaga bilang bagong general manager ng Philippine National Railways.
05:52Ayon kay Dizon, gustong reformahin ng Pangulo ang Marina kaya napili si Lacanilaw.
05:57Isa naman sa mga ibinilin kay Atty. San Luis ang target na pagsama ng LTO transactions sa eGovPH app bago
06:06matapos ang termino ng Pangulo.
06:08Nangako rin ang bagong LTO chief na lilinisin pa ang ahensya.
06:16Good news para sa mga nagluluto gamit ang LPG. May rollback sa presyo niyan simula ngayong araw.
06:234 pesos kada kilo ang bawas presyo ng Sulane. Katumbas yan ang 44 pesos sa kada 11 kilogram na tangke.
06:31Ganyan din po ang tapyas ng Petron sa kanilang Gasol at Fiesta Gas brands.
06:35Una nang nagpatupad ng rollback ang Regasco nitong linggo.
06:391,323 pesos na ang suggested retail price ng kanilang 11 kilogram na tangke sa Luzon.
06:49Kita sa CCTV ang babaeng nakaupo sa isang e-bike sa Lapu-Lapu, Cebu.
06:54May lamapit namang nakabalaklava at sombrero at tila may hinihintay.
06:59Maya-maya, bumuno siya ng baril at binaril ang biktima sa ulo.
07:03Hindi pumutok ang baril kaya nakatakbo pa ang babae.
07:06Nada pa siya, naabutan ang salarin at tatlong beses na binaril.
07:11Tumakas agad ang salarin matapos ang pamamaril.
07:13Pati ang driver ng e-bike kung saan naghihintay ang biktima.
07:17Ayon sa Lapu-Lapu City Police Office, isa sa mga tiniting ng motibo
07:20ang posibleng kaugnayan ng biktima sa iligal na droga.
07:24May person of interest na ang tinutuntun ang mga polis.
07:28Sinusubukan pang makuna ng pahayag ang pamilya ng biktima.
07:34Hinabol, binugbog, tsaka dinala sa mga otoridad.
07:37Nang isang lalaki matapos humingi ng tulong ang isang babae sa antipolo Rizal.
07:42Sumbong ng babae, inalok daw siya ng pera ng lalaki kapalit ng kanandaliang aliw.
07:47Balitang hatid ni EJ Gomez.
08:03Puha ang video na yan sa barangay de La Paz sa antipolo Rizal, pasado alas 10 nitong Sabado.
08:08Naghihintay daw ng masasakya ng 23-anyos na nursing student.
08:13Nang lapitan siya ng isang lalaki at alukin ng pera kapalit ang panandaliang aliw.
08:21Tinanong niya po ako ng mabilisan lang booking 2,000.
08:26Hindi ko pa po naintindihan kasi ang akala ko po yung pagkakabanggit niya po ng booking
08:30ay ibig sabihin yung mga motorcycle taxi lang.
08:34Tapos, nung sinabi niya po na sumama ka sa akin, quickie tayo, 2,000 pesos.
08:40Tapos sabi ko, ay hindi po.
08:42Tapos lumayo na po ako, parang nag-backward po ako ng lakad.
08:45Tapos namimilit pa po siya na isa pa po na tara mabilisan lang, mabilisan lang.
08:52Yun po yung nakagip po nang sa video ko na po.
08:55Nang ma-video, tumakbo raw ang lalaki.
08:58Anong pangalaman mo, tatawag ako ng polis.
09:00Ha? Tatawag ako ng polis, bastos ka.
09:04Ha? Anong booking?
09:06Ha? Ha?
09:08Booking?
09:09Ha?
09:10Tulang!
09:11Tulang!
09:13Ha?
09:15Booking!
09:15Ha?
09:17Ha?
09:19Tulang!
09:20Panyaki!
09:20Ilang nakatampay ang sumaklono sa kanya.
09:24Banggain na yan!
09:27May video ako.
09:29Ah, bakit, bakit.
09:30Pinabok na na.
09:32Babok na niya ako 2,000?
09:35Tapos binibilit niya ako.
09:37Sabi niya, 2,000 lang, mabilisan lang.
09:39Yung mga concerned po na nagmomotor, na may sasakyan, hinarangan po siya.
09:45Tapos yung mga bystanders po, binugbog na po siya.
09:49Humingi ng saklolo ang mga tao sa barangay.
09:52Inabotan po namin doon na hamak na po siya ng mga bystander doon, mga nakatambay na tao.
10:02At dinala po namin siya dito sa aming barangay, kasama po yung biktima.
10:08At pinag-usap naman po namin sila.
10:10Umamin din naman siya na nagawa niya sa nagawa niyang kasalanan.
10:15At humingi naman siya ng pauminin sa biktima.
10:17Ngunit tari ka ang biktima, tari ka handa talaga siyang panagutin kung ano man yung kasalanan ng ating suspect.
10:24Muli raw nag-alok ng pera sa biktima ang lalak para makaalis na sa barangay.
10:30Sinasabihan po nila ako na babayaran ka na lang namin para lang wala ng ganito.
10:35Hindi ko po talaga tinanggap kasi kahit kailan hindi po ako mababayaran ng pera.
10:39Sinasabihan po ako na huwag ka na magkaso.
10:42Mas lalo po ako na motivate na ipupush ko itong kaso kasi tinatakot po nila ako na sayang daw oras,
10:47sayang pera.
10:48Ang 34 anyos na lalaki, isa raw, high school teacher ayon sa barangay.
10:55Itong type po na nanghihina kami ng pagkakilala niya ng kanyang ID.
10:58Ang nailabas siya po yung ID niya, PRC.
11:03At doon po namin napag-alaman na siya po wala isang guro sa isang parlan sa lower antipolo.
11:12Dinala ng barangay ang lalaki sa antipolo police.
11:15No comment po muna ako. Siguro po abogado po makakapagpaliwanag po niyan.
11:20I apologize pa rin po.
11:22Pero po may nagawa rin po kasi sa akin na kailangan din po siyempre malaman ng iba, ng tao.
11:31Abogado ko na lang po magpapaliwanag po.
11:34Sasampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 11313 for Safe Spaces Act ang lalaki.
11:40Hindi report na rin ang biktima ang insidente sa DepEd School Division Office sa antipolo.
11:46Sinusubukan pa namin po na ng pahayag ang DepEd.
11:49EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
11:59Patay ang isang pahinante matapos tumilapon at magulungan pa ng truck sa Sariyaya, Quezon.
12:05Ayon sa polisya, sakay ng truck ang biktima nang mawalan umano ng kontrol ang driver at bumanga sa gutter at
12:11poste ng ilaw.
12:12Sa lakas ng impact, tumilapon ang pahinante palabas ng truck at nagulungan nito.
12:18Idinekla ng dead-on arrival sa ospital ang biktima.
12:20Ayon sa driver, may biglang sumingit na kotse kaya nawalan daw siya ng kontrol sa manibela.
12:26Nasa kustodiya siya ng Sariyaya polis habang inihahanda ang reklamo laban sa kanya.
12:32Wala pang pahayag ang kaanak ng nasawing pahinante.
12:37Patay ang isang rider matapos maaksidente habang nagmomotorsiklo sa lawag Ilocos Norte.
12:43Batay sa investigasyon ng polis siya, inatake sa puso ang 36-anyos na rider habang binabaybay ang bypass road sa
12:49barangay Tangid.
12:51Nawalan siya ng balanse at bumaliktad sa kalsada.
12:54Wala namang ibang nadamay.
12:56Dead-on arrival sa ospital ang rider.
12:58Kinumpirma ng kanyang mga kaanak na mainiindang sakit sa puso ang biktima.
13:10Itinuturing si dating House Speaker Martin Romualdes na central figure sa flood control scandal ng isang testigong humarap sa Sandigan
13:17Bayan.
13:18Sumalang sa witness stand si Assistant Special Prosecutor Joshua Tan ng Office of the Ombudsman na isa sa mga nag
13:24-imbestiga kay Romualdes.
13:26Ayon kay Tan, ang fraternity broad ni Romualdes na si Atty. Jose Raulito Paras ang front o nagkunwaring may-ari
13:33ng mga korporasyon at mamahaling ari-arian ni Romualdes na pinunduhan gamit ang kickback sa flood control projects.
13:40Si Paras ang may 99.9% shares sa Golden Peasant Holdings Corporation.
13:47Majority stockholder din siya ng Bright News Corporation.
13:50Ang dalawang kumpanya ang nakalistang may-ari ng mga mansyon sa Forbes Park na mahigit milong piso ang halaga.
13:57Sa mga mansyon, idinideliver umano ang mga mali-maletang pera na para umano kay Romualdes.
14:03Iginiit ni Tan, walang kakayahan si Paras na bumili ng ganoon kamahal na ari-arian kaya isa yan sa mga
14:10dahilan kung bakit naniniwala silang front o mano ni Romualdes si Paras.
14:15Sa cross-examination naman ng abogado ni Romualdes, inamin ni Tan na wala ang pangalan ng dating House Speaker sa
14:22mga dokumentong mag-uugnay sa kanya sa DPWH projects.
14:26Wala rin daw dokumentong magpapakitang nagbigay ng instructions si Romualdes kay dating House Appropriations Chairman Zaldico kaugnay sa budget insertions.
14:36Sinusubukan pang kuna ng pahayag si Paras.
14:39Dati nang iginiit ni Romualdes na wala siyang kinalaman sa flood control scandal.
14:48Wednesday latest!
14:50Heartwarming ang pagsalubong ng Sparkle family.
14:53Kina Nicole Fortuna at Ethan Benares sa Outside World.
14:58Kasama sa nag-welcome sa kapuso evictis ng PBB Celebrity Collab 3.0,
15:03si na GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez,
15:07Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo,
15:11at iba pang Sparkle Officers.
15:13Isa si Nicole sa pinakahuling lumabas sa bahay ni Kuya.
15:17Chika sa akin ni Nicole na one of her best experiences ang maging housemate.
15:21May mga nakalingin na raw siyang guestings and appearances at open din siya sa acting projects.
15:28Si Ita naman nagahanda sa kanyang homecoming fan meet sa Bacolod sa December 8.
15:33Excited na raw siya to go back home.
15:39Ito na ang mabibilis na balita.
15:42Patay ang dalawang sundalo sa pamamaril ng Riding in Tandem sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
15:48Ayon sa pulisya, sakay ng motorsiklo ang mga biktima ng dikitan at pagbabarili ng Riding in Tandem.
15:54Dead on arrival sa ospital ang mga biktima dahil sa tinumungtama ng bala sa katawan.
15:58Sa operasyon ng pulisya, katuang ang militar na aresto ang dalawang suspect at nasa kustudiya ng Sultan Kudarat Police.
16:06Patuloy na inaalam ang motibo sa pagpatay sa kanila.
16:13Arestado ang tatlong Vietnamese na iligal na nagsasagawa ng surgical procedure sa Paranaque.
16:18Naaktuhan pa ng Criminal Investigation and Detection Group ang mga suspect na nagsasagawa ng surgical procedure.
16:24Ayon sa CIDG, walang permit mula sa Professional Regulation Commission ang mga suspect.
16:30Isang pasyente raw nila ang nagsumbong tungkol sa operasyon.
16:34Walang pahayag ang mga suspect na maaharap sa reklamong paglabag sa The Medical Act of 1959.
16:43Buis-buhay na tinatawid ng mga residente ang Hilabangan River sa Tayasang Negros Oriental.
16:49Wala raw kasing tulay sa lugar para makatawid sila.
16:52Kaya araw-araw nilang hinaharap ang panganib para lang makatawid papunta sa kanilang trabaho.
16:58Kaya ang panawagan nila, magkaroon doon ng tulay.
17:02Sinusubukan pang kunan ng payag ang lokal ng pamahalaan kaugnay sa hiling ng mga residente.
17:07Ito ang Rodrigo Roa Duterte.
17:15Tutol ang defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa sweeping use o malawakang paggamit ng closed court session sa
17:23paglilitis ng International Criminal Court sa Custom Crimes Against Humanity laban sa dating Pangulo.
17:28Dito sa Pilipinas, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng mga anak ng dating Pangulo na kumistyon sa pag-aresto
17:36at sa pagdala sa kanilang ama sa The Hague, Netherlands.
17:39Balitang hatiit ni Darlene Kai.
18:28Pagdidiin ang korte sa Pilipinas lang pwedeng ipatupad ng writ of habeas corpus at hindi sa labas ng bansa.
18:33Na ayon man o hindi sa batasang nangyari, wala na raw control o custody ang mga otoridad sa dating Pangulo.
18:40Paglilinaw ng Supreme Court, ang pagbasuran nila sa mga petisyong ito ay hindi raw nangangahulog ang sinasabi nilang legal ang
18:46pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte o na walang nalabag sa kanyang mga karapatan.
18:51Ang mga usaping yan ay dapat daw dumaan sa hiwalay na legal na proseso, hindi sa pamamagitan ng petisyon para
18:57sa habeas corpus.
18:58Pero may ibang opinion ng ilang mga maestrado.
19:01Sa kanyang concurring at dissenting opinion, bagamat dapat nga raw ibasura ang mga petisyon, sabi ni Senior Associate Justice Marvick
19:08Leonin,
19:09hindi siya sangayon sa kabiguan ng Korte Suprema na resolbahin ang tinawag niyang seryosong mga tanong tungkol sa saligang batas.
19:17Kaugnay sa kasong ito na maaari raw maulit.
19:19Nabiguraw ang Korte Suprema na bigyang gabay ang mga hukom, abogado o otoridad sa pagpapatupad sa saligang batas at sa
19:25mga obligasyon ng Pilipinas sa ilalim ng Rome Statute.
19:28Para kay Leonin, walang international court warrant na maaaring ipatupad sa Pilipinas nang hindi dumaraan sa ating Korte.
19:35Hindi rin daw nabigyan si Duterte ng pagkakataong humarap sa local judicial authority alinsunod sa karapatan niya sa ilalim ng
19:41Rome Statute.
19:42Sa dissenting opinion naman ni Associate Justice Henry John Paul Inting, giit niya na hindi moot ang mga petisyon.
19:49Dahil isang legal question ang pagrisol ba kung nasunod ba ang saligang batas sa ginawang pag-aresto at pagsuko kay
19:55Duterte sa ICC
19:56at hindi isyong politikal na pagdedesisyonan na lang ng mga ahensya ng gobyerno.
20:01Sa dissenting opinion naman ni Associate Justice Antonio Coe, iginiit niyang hindi pwedeng isuko ng gobyerno ang isang Filipino citizen
20:09sa isang dayuhang hukuman
20:10o magpatupad ng anilay extraordinary rendition na walang lokal na batas sa otoridad mula sa Korte.
20:16Kaya anya, unconstitutional daw ang pagsuko kay Duterte sa ICC.
20:21Patuloy na sinusubukan ng GMA News na kunin ang pahayag ng kampo ni Napulong, Baste at Kitty Duterte.
20:27Para naman sa abogado ni dating Pangulong Duterte na si Atty. Israelito Torion, hindi moot o walang sa isayang petisyon
20:34ng magkakapatid na Duterte.
20:36Anya, kinu-question din kasi ng Hibias Corpus Petition ang ginawa ng mga opisyal ng Pilipinas noong March 11, 2025.
20:43Kabilang ang pagharang sa dating Pangulo sa Naiya Terminal 3 at pagdetain sa kanya sa Villamore Air Base bago ilipad
20:49papuntang The Hague, The Netherlands.
20:51Paglilinaw ni Torion, hindi siya abogado para sa ibinasunang Hibias Corpus Petition.
20:56Abogado siya ng dating Pangulo at ni Sen. Ronald Bato de la Rosa para sa isa pang nakabingbing petisyon na
21:02kumu-question din sa pag-aresto sa dating Pangulo.
21:05Kinakalang naman daw ng Administrasyong Marcos ang desisyon ng Korte Suprema.
21:10Wala nang isang linggo bago magsimula ang child proper ni dating Pangulong Duterte sa ICC sa The Hague, The Netherlands.
21:16Ayon sa ICC, inaasahang magbibigay si Duterte ng kli sa korte.
21:20Limang prosecution witness ang inaasahang tetestigo bagong Christmas break ng ICC sa December 18.
21:26Sa buong paglilitis, nasa isandaang testigo ang inaasahang ipatatawag.
21:30Giit ng ICC, presumed innocent until proven guilty ang dating Pangulo.
21:35The judges will ensure that the proceedings are conducted fairly and that the rights of all trial participants are respected.
21:43Let's be clear, the court's role is not to pursue any political objective.
21:48Rather, it's to determine through independent and impartial judicial proceedings whether the charges have been proven according to the law.
21:58Ayon pa sa ICC, mahigit limanda ang biktima ang inotorisan na lumahok sa proceedings sa pamamagitan ng common legal representatives.
22:05Depending on the circumstances of each individual, the judges may order protective measures to safeguard the security and the well
22:17-being of these witnesses.
22:18Tinutula naman ang defense team ng dating Pangulo ang anilay hiling ng prosekusyon na sweeping use o malawakang paggamit ng
22:26closed court session para sa kanilang mga testigo.
22:28Paglabag daw ito sa karapatan ni dating Pangulong Duterte sa public trial.
22:33Ayon sa prosekusyon, hiniling nilang special in-court security measures para protektahan ng kaligtasan, dignidad at privacy ng mga testigo.
22:41Darlene Cai, nagbabalita para sa GME News.
22:45Iapila rao ng kampo ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica ang desisyon ng Korte Suprema
22:51na ibasura ang habeas corpus petition na inihain niya at ng dalawa niyang kapatiyan.
22:56Ayon sa abogado ni Veronica Duterte na si Atty. Paolo Panelo,
23:00dismayado sila dahil bukod sa itinuturing na moot o wala ng saysay ang petisyon,
23:05hindi pa tinalakay ng Korte Suprema kung legal nga ba ang pag-aresto at pagdala sa dating Pangulo sa The
23:10Hague, Netherlands.
23:12Tila lumalabas daw na minamadali lang na mailabas sa Pilipinas ang dating Pangulo bago pa man makagawa ng aksyon ang
23:18mga korte.
23:26Isang babae ang natagpo ang patay sa isang abandonadong nga bahay sa Bacolod City.
23:31May mga tama ng bala ng baril sa dibdib at mata ang 32-anyos na biktima nang madiskubre ng pulisya
23:37sa barangay Banago kahapon.
23:39Ayon sa ilang residente, lunas ng gabi nang makarinig sila ng dalawang putok ng baril.
23:44Kwento ng kapatid at syahe ng biktima, ilang araw nang hindi umuuwi ang kanilang kaanak na problemado umano sa kanyang
23:51mga anak.
23:52Napagaluman ng pulisya na dati nang naaresto ang biktima at kanyang asawa kaugnay sa iligal na droga.
23:59Nakalaya ang biktima habang nakakulong pa rin ang kanyang mister.
24:03Nasa pangangalagan na ng kaanak ng biktima ang dalawa nilang anak.
24:07Habang pinaampun naman umano ang isa pa bago pa ang pagpaslang sa biktima.
24:12Iniimbestigahan pa kung may kaugnayan sa iligal na droga ang pagpatay sa biktima.
24:16Hinala rin ng pulisya, drag din, ang abandonadong bahay kung saan natagpuan ang biktima.
24:21Hindi nagbigay ng pahayag ang mga opisyal ng barangay Banago ng puntahan ng news team.
24:30Iminungkahin ni Sen. Alan Peter Cayetano na kung mag-aambaga ng bawat Pilipino,
24:34mababayaran ng trilyong-trilyong pisong utang ng Pilipinas.
24:37Sagot ng isang mambabatas,
24:39ginagawa na yan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng binabayarang buwis.
24:44Balita nga din ni Dano Tingcunco.
24:49Sa datos ng Bureau of the Treasury nitong Setyembre,
24:52umabot na sa halos 19.7 trilyon pesos ang pambansang utang ng Pilipinas.
24:58Kung i-divide mo yan sa tinatayang kabuuan bilang ng Pilipino ngayon 2026,
25:03batay sa 2020 census data,
25:05ang lalabas na utang ng bawat isa,
25:07mahigit 170,000 pesos.
25:11Binanggit ito ni Sen. Minority Leader Alan Peter Cayetano sa budget deliberation sa Senado.
25:16Tanong ni Cayetano,
25:17wala bang mekanismo ang gobyerno para pwedeng mag-aambag ang mga gustong tumulong sa pagbabayad ng pambansang utang?
25:24Korea was in terrible debt and people didn't just pay taxes.
25:31They got out their jewelry and donated it to the government.
25:34That happened once in history to our neighbor. Why can't it happen to us?
25:38Sabi ni Cayetano, batid niyang maraming walang tiwala sa gobyerno dahil sa isyo ng korupsyon.
25:43Pero pwede raw itong pangunahan ng mga mayayaman kung gugustuhin nila.
25:47What if each of them pay 170,000 for themselves and their family?
25:52And what if they're feeling generous and they have one or two kasambahay and they want to pay for it?
25:57What if one OFW in the U.S. says,
26:00You know what, I won't pay $3,000 170 now,
26:04but you know what, for the next two years I'll give the Philippines $100.
26:08Hindi naman pwede po yun kasi tayo mahirap na nga.
26:12Bakit tayo magbabayad pa?
26:13Paano yung mahirap pa sa atin?
26:16Naka-depende po talaga yun kasi meron pong mga Pilipino na hindi kakayanin magbayad ng $100,000.
26:23Kung kakayanin, kung merong kaya, pwede po.
26:27Ba't naman ganun? Sana sila yung mag-contribute sa bayan kasi wala na nga silang maayambag dito sa atin.
26:33Mahal na nga ng pamasay at saka bayaris.
26:35Kabaliwan yan eh, kalukuhan yan eh.
26:38Hindi naman utang ng bawat mamayan maliit pa bata sa magbabayad.
26:42Dapat ang sige niya, mga korap, yung mga gobyerno na kumukuha sa pera ng taong bayan.
26:49Sa 2026 national budget, 14.4% o katumbas ng P978.7 billion pesos ang nakalaan para sa pagbabayad ng
26:58utang.
26:59Kaya sabi ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, sa ayaw at sa gusto ng mga Pilipino,
27:06nagaambag na sila sa utang ng Pilipinas sa pamamagitan ng buwis.
27:09Ang pinakamalaking bahagi na binabayad natin, both yung nakikita sa budget at yung hindi nakikita sa budget
27:19dahil automatically appropriated, ay para sa pagbayad ng utang.
27:25So, hindi natin alam saan hinugot ni Sen. Cayetano ang suggestion na ito.
27:30Tanong naman ng Freedom from Death Coalition, napunta ba talaga sa servisyo publiko ang inutang ng gobyerno?
27:36Hindi masamang mangutang, pero ang hinuutang ba natin, nakakarating sa mamamayan,
27:41nagagamit ba ng mamamayan for development projects na nakikinabang ba talaga tayo as Pilipino?
27:48Matagal nang ikinakampanya ng grupo na mabuwag ang Automatic Appropriations Law.
27:53Ito yung batas na nagtatakda ng malaking bahagda ng pondo ng bansa para bayaran ang panlabas nating utang
27:59bago ito parte-partihin sa mga ahensya at proyekto ng gobyerno.
28:03Once we don't have, wala na yan, hindi automatic sa pagbabudget natin,
28:08nagdaglalaan agad tayo ng malaking porsyon ng ating budget na nagsasuffer ang ating public services.
28:14Bukod sa pagbuwag sa Automatic Appropriations Law,
28:18isinusulong din ang grupo ang wealth tax o dagdag buwes para sa mga mayayaman.
28:22Pero nilinaw ng FDC, ang punteriyan ng wealth tax na ito hindi lang basta mga mayayaman,
28:28kundi mga mayayamang nakinabang sa mga proyektong na buo dahil sa inutang ng gobyerno.
28:33Sa isang Facebook video, nilinaw ni Kayatano na hindi niya pinipilit sa ibang Pilipino
28:38ang pag-ambag para mabayaran ng pambansang utang.
28:41Ang tinutukoy niya ay yung mga generous at yung mga ultra-rich.
28:45Iginiit din niyang dapat gastusin ng tama ng gobyerno
28:48ang nakolektang pera at i-monitor ng husto ang loans.
28:51It might seem like a silly idea to some, it might seem like a good idea to others,
28:56but ang point ko, we need many ideas, we need to help each other, we need to love each other.
29:02Hirit naman na Malacanang.
29:04Kung may mga mababait na puso at siya naman nagpasimula nito,
29:10mas maganda siguro makita mismo nakin, mismo kay Sen. Alan Kayatano, pasimulan na po niya.
29:16Dana Tingkongkong nagbabalita para sa GMA News.
29:24Susubukan daw ng gobyerno na ibalik ang interes ng kabataan sa sports.
29:28Sinabi yan ni Pangulong Bongbong Marcos matapos makalaro si Pinoy tennis star Alex Ayala
29:34sa isang tennis game sa Pasig.
29:36Nito'ng November 4 lang, inilathala sa isang medical journal
29:39ang isang pag-aaral na nagsasabing ikapito ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo
29:45na mayroong pinakamaraming kabataang least active o pinakakaunti ang pisikal na aktibidad sa buong mundo.
29:52Sabi ng Pangulo, pinapaganda na ang sports facilities tulad ng Phil Sports at Rizal Memorial Coliseum.
29:58Pero kung sports excellence naman ang target, higit paan niya sa mga ito ang kailangan.
30:05Mga champion, yun kailangan ng mga may sponsor na siyempre tutulungan nila
30:10for the pamasahe, for the makakuha ng coach, ng fisio, ng nutritionist, all of that.
30:17Andyan si Alex, andyan si Aydeline, andyan si AJ.
30:21Hindi pa tumutulong sa kanilang gobyerno.
30:23Meron na tayong champion, si Kaloy.
30:27Ang magaling ang Pilipino. Kung tulungan pa natin, dadami pa yan.
30:31Kaya it's so important for me. It's for the mental health of the children.
30:35Ang lalaki ng pangarap ko hanggang ngayon.
30:37In my personal journey, it's difficult to talk for the masses.
30:40But in my personal journey, a lot of it started at home.
30:44So I have a family that's very supportive, very loving,
30:48and that builds a great foundation for someone to succeed in life.
30:55You are not authorized to conduct any maritime activity within this area.
31:01Nagkatensyon ng Philippine Coast Guard at Chinese Maritime Militia Vessel sa West Philippine Sea.
31:06Niradyo challenged ng PCG ang dalawang barko ng China na anilay iligal
31:09na nangkaakurahe sa Territoryal Sea ng Panata Island sa Kalayan Island Group.
31:13Maya-maya, lumapit ang isa sa mga barko ng China sa BRP Cabra.
31:17Sinubukan ding lapitan ng barko ng China ang inflatable boat ng PCG na may sakay na walong personel.
31:24Tinawag ng PCG na Dangerous Maneuver ang ginawa ng Chinese Militia Vessel.
31:28Wala pang pahayag kaugnay niyan ang Department of National Defense at ang Chinese Embassy.
31:35Iaapela ng dalawang kapo-akusado ni Sen. Rodante Marcoleta ang pagbasura ng Sandigan Bayan 3rd Division sa katilang petisyon para
31:42magpiansa sa kasong plunder.
31:44Ayon sa abugado ni nadating Congressman Mike Defensor at negosyanting si Joseph Espiritu,
31:50dismayado sila sa desisyon ng ating Graft Court kaya mag-aapela raw sila.
31:54Sabi naman ang kampo ni Sen. Marcoleta, pinag-aaralan pa nila kung maghahain sila ng motion for reconsideration.
32:01Sinusubukan pang kuna ng pahayag ang kampo ng isa pang-akusado na si Aristotle Viray.
32:07Ibinasura ng Antigraft Court ang bail petition ng apat na akusado dahil malakas daw ang evidence of guilt laban sa
32:13kanila.
32:14Nag-ugat ang kaso sa pag-amin ni Marcoleta na tumanggap siya ng 75 milyon pesos mula sa tatlong kapo
32:20-akusado noong siya ay kongresista pa.
32:28Ready to slay na ang pambato ng Pilipinas sa Miss International 2026 na si Katrina Ann Castaneda Johnson.
32:36Sa bisperas ng coronation sa Tokyo, Japan, may heartwarming dedication post si Katrina.
32:42Sabi niya, dream come true ang pagsali at pag-represent niya sa Pilipinas sa pageant.
32:46At marinig ang suporta ng ating mga kababayan.
32:49Dagdag niya pa, buong puso at tapang niyang i-re-represent ang Pilipinas.
32:55Mamayang hapon na ang coronation ng Miss International.
32:58Susubukan ni Katrina na maiuwi ang ikapitong corona ng Pilipinas sa Miss International.
33:06Balikan na po natin ang report ni Oscar Oida Kaugnay sa mga bagong barko ng Philippine Coast Guard.
33:12Oscar?
33:14Yes, sir, Connie.
33:16Tatlong bagong sasakyang bandagat ang opisyal na isinama sa plate ng Philippine Coast Guard bilang bahagi ng pagpapalakas sa kanilang
33:23operasyon.
33:24Pinangunahan ni Admiral Rommel Supahan at commissioning ceremony na yung umaga para sa BRT patag at BRT pag-asa na
33:33galing umano sa Estados Unidos.
33:35Pati sa BRT kalikasan na gawa naman sa bansa.
33:38Pilang bahagi na pagdiriwang ng 22 albersaryo ng headquarters sa Coast Guard Fleet.
33:44Inaasa ang mga katulong ang mga bagong sakyat ng dagat sa pagpapapupad ng operasyon laban sa mga banta sa karagatan,
33:53pag-iak sa kaligtasan ng mga marino at mga nista,
33:56mga laga sa kapaligiran ang dagat at pag-isagawa ng search and rescue operations.
34:01Baha ito ng patuloy ng modernisasyon ng Coast Guard upang mas mapalakas ang pangprotekta sa karagatan at maritime interest ng
34:10banta.
34:11Connie?
34:11Maraming salamat, Oscar Oida.
34:19Aprobado na po sa ikatlo at huling pagbasa sa kamera ang panukalang ibaba ang retirement age ng mga kawani ng
34:25gobyerno.
34:26Sa ilalim ng House Bill No. 10995, planong nga gawing 56 ang retirement age ng government employees mula sa kasalukuyang
34:3460.
34:35Kabilang sina House Speaker Bojidi at Majority Leader Sandro Marcos sa mga kongresistang nagsusulong niyan.
34:41Ano kaya masasabi ng netizens dyan?
34:44Sabi ni Ashley Nicole Reyes, magandang bigyang pansin ang pangmatagalang kapakanan ng mga kawani ng gobyerno.
34:51Para naman kay Agnes Goss, deserve nila ng more retirement options.
34:55Ang sabi naman ni Gin Fund, dapat kasama din ang private sector sa pagpapababa ng retirement age.
35:02Para naman kay Prince Mendoza, malaking tulong ito sa retirement planning ng mga kawani ng gobyerno.
35:07Mga kapuso, makisali po sa aming online talakayan sa iba't ibang issue.
35:12Kung may nais din kayong maibalita sa inyong lugar, mag-PM na sa Facebook page ng Balitang Halik.
35:21Tuloy na tuloy na nga ang Pasko Feel sa bahay ng Ilang Kapuso Stars.
35:25Si Barbie Forteza excited ng mag-celebrate ng Christmas.
35:29May bagong bihis kasi ang kanyang bahay na ready na for the holidays.
35:34Tila preview pa lang daw sa Pasko ang kanyang pag-move-in sa bagong bahay two years ago.
35:39Si Mika Salamangka naman, hindi lang the Christmas blessings ang paglipat sa bagong bahay.
35:44Christmas homecoming din daw ito na matagal na niyang pinapangarap.
35:48Chika ni Mika, first Christmas niya raw ito sa new house at sobrang natutuwa siya sa pag-uwi ng kanyang
35:54family galing abroad.
35:56Sabi ng dalawang stars, togetherness ang sisimula nilang tradition sa kanilang mga bagong tahanan.
36:10Inagiliwan ng marami ang pagtingala sa langit kagabi para pagmasda ng supermoon o beavermoon.
36:16Nasaksiyan ko ang pagpisita ng ilang Pinoy sa pag-asa Astronomical Observatory sa UP Diliman
36:20para makakuha ng good spot para makita ang buwan.
36:24Magsetup din ng free telescope viewing sa Sunken Garden.
36:28Nag-enjoy rin ng ilang taga Baguio City ang celestial event kagabi kahit medyo maulap doon.
36:33Marami rin ang nakakita sa supermoon sa Lawag, Ilocos Norte.
36:37Gayun din sa Tanawan, Batangas at Rojas Capiz.
36:42Ayon sa pag-asa, naka-supermoon mode ang buwan kapag nasa full moon phase ito at nasa posisyong pinakamalapit sa
36:48mundo.
36:49Nagmumukhang 14% na mas malaki ang buwan at tila 30% itong mas maliwanag mula rito sa lupa
36:55ayon sa National Aeronautics and Space Administration o NASA.
36:59Sa December 24, mauulit ang supermoon.
37:13Kaya ang dekorasyon sa ilang lugar, kinakapture ang kanyang essence, ang ganyang essence ng holiday season.
37:18True, at Christmas just got extra magical dito po naman sa Pasay.
37:23Ang plaza sa syudad, nagmistulang Santa's Toy Factory.
37:27Bida, ang 33-foot tall Christmas tree na tad-tad ng candy canes, lollipops at gingerbreads.
37:34Kasabay ng pagpapailaw riyan, hinandugan din ang regalo ang mga bata.
37:38It's Giving Candyland din ang isang Christmas village sa Pinili, Ilocos Norte.
37:43Okay, yari sa Indigenous Materials ang ilang dekorasyon sa pambatang pasyalan.
37:49Yes, Pasko na talaga.
37:51Oo, nakakasaya ang mga Christmas decorations, hindi ba?
37:55Kaya talagang pag mga ganyan, feel na-feel mo na, Pasko na.
37:59Pero syempre dahil mahirap ang buhay, pwedeng mas payak yung ating pagsisalubing.
38:04Simple.
38:05Pambatang Pasko, pero sa pagdating sa dekorasyon, doon na mamaya pag yung mga matatanda.
38:10Doon na lang bawiin.
38:11At yan po ang maiinit na balita ngayong tanghali.
38:14Ako po si Connie Simpson.
38:15Rafi Tima po.
38:16Saman nyo rin po ako, Aubrey Carampel.
38:18Ito po ang GMA News.
38:19Walang kinikilingan, walang pinaprotektahan.
38:21Noon at ngayon, servisyong totoo.
38:23Walang kinikilingan, pinapostahan.
38:28Bye.

Recommended