Mas maayos at ligtas na transportasyon para sa mga commuter at mas organisadong pagtitinda at pamimili. 


'Yan ang layunin ng itatayong Bagong Baclaran Multimodal and Market Hub sa Parañaque. Sa sandaling maipatayo kasi ito, wala na ang mga vendor sa palibot ng Redemptorist Church sa Baclaran, at maglalagay pa ng bagong terminal sa paligid nito. #24Oras 


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mas maayos at ligtas na transportasyon para sa mga commuter at mas organisadong pagtitinda at pamimili.
00:08Yan po ang layunin ng itatayong bagong Baclaran Multimodel and Market Hub sa Paranaque.
00:15Sa sandaling maipatayo kasi ito, wala na ang mga vendor sa palibot ng Redemptorist Church sa Baclaran
00:21at maglalagay pa ng bagong terminal sa paligid nito.
00:26Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:27Kung hindi niyo ginanggal, kami po magtatanggal.
00:32Matapos hindi nakapagbenta sa kanilang pwesto ilang araw, bago hanggang matapos ang summit ng Association of Southeast Asian Nations,
00:40business as usual muli ang mga vendors sa palibot ng Redemptorist Church sa Baclaran, Paranaque.
00:46Pero posibling hindi sila magtagal rito.
00:49Kanina kasi sinimula na silang ipagpatayo ng bagong Baclaran Multimodel and Market Hub
00:54sa tabi ng Redemptorist Ashana Station, isang sentralisadong pwestuhan.
01:00Mag-titinda po sila sa isang safe na environment, malinis, may cover sa ulan at araw,
01:07at hindi na po sila itataboy.
01:09Kasi tandayan po natin, ang karsada po hindi po yan ginawa para pagtindahan.
01:13Yan po ay para daanan ng tao, daanan ng sasakyan.
01:16Pero hindi raw maiwasang mag-alala ni Rose na mahigit sampung taon na nagbibenta sa labas ng simbahan.
01:24Mahirap po doon. Kasi dati na yung naging pwesto.
01:27Tapos noong time na yun, talagang matumal ang way na yun.
01:31Ang daming matatandang magsisimbahay yung mga senior.
01:34Kasi ang iba, yun ang umakyat na ano na sila, napapagod.
01:38Kaya mas okay pa rin yung way dapat dito.
01:41Lalong mahirapan ang mga tao pag doon sa kabila.
01:44Bakit?
01:44Kasi simpre tatawid pa, malayo doon eh. Mas paganda na rin dito.
01:48Kapag galing sa simbahan?
01:49Simbahan, diretso ka na lang mamili.
01:51Ayon sa MMDA, sa sandaling maitayo na ang bagong baklaran multimodal and market hub.
01:57Wala na mga magtitinda sa palibot ng Redemptorist Church sa baklaran.
02:01Pero siniguro naman ang lokal na pamahalaan na meron pa rin kikitain ang mga magtitinda.
02:06Ayon sa City Hall, maglalagay ng escalator sa walkway na magkukonekta sa simbahan at sa itinatayong market hub.
02:14Dito yung ating LRT station.
02:16Libo-libo na ang dumadaan dito sa LRT station.
02:19At kung magkakaroon po tayo ng multimodal, lahat ng ating mga mananakay, lahat ng pilgrim natin, lahat pupunta dito.
02:26Yung pong mga bumibiyahe na dati po umiikot-ikot lamang dito, yung mga iba na pipitang mag-color room dahil
02:34wala namang pong terminal,
02:36ay maglalagay po tayong terminal dito at ire-request po natin si LTFRB,
02:41aasapin po natin si Secretary Disson, na mabigyan ng linya yung pong magte-terminal dito.
02:47Maganda raw ang proyektong ito ayon sa e-trike rider na si Ali. Lalo't wala silang permanenteng pwestong ngayon.
02:54Para mas maayos ma'am. Pag may terminal, wala ng huli yan.
02:57Pero magpapasko munang may pwesto sa palibot ng Baclaran Church ang mga nagtitinda.
03:02Dahil bago mag-Disyembre ng susunod na taon pa target matapos, ang unang bahagi ng multimodal at market hub.
03:09Gayunman, lilimitahan na ang kanilang pwesto ngayon.
03:13Although kinilir na po natin yan for ASEAN, pero ayaw din naman po natin.
03:17Wala na hanap buhay yung ating mga kabayan.
03:19Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended