00:00Sa lunis mo, gugulong ang paglilitis ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
00:06Obligado po siya humarap sa trial.
00:09At para yan sa Kasong Crimes Against Humanity na muling giit ng depensa ay nakawalang batayan dawa.
00:14Here's what we know so far sa aking report.
00:17Wala na nga pong magiging hadlang para dumalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:22sa unang araw ng paglilitis sa kanyang kinakaharap na Kasong Crimes Against Humanity.
00:35Ito ay matapos i-deklara ng ICC na fit to stand trial daw si dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:42base sa kanyang pinakahuling medical examination.
00:45Pero ilang araw bagong pagsisimula ng paglilitis, nagsumite ng pre-trial filing ang depensa
00:50kung saan i-dinitalya nila kung bakit dapat ipabasura sa trial chamber 3
00:55ang kasong Crimes Against Humanity of Murder and Attempted Murder laban kay Duterte.
01:00Sa 77 pahinang pre-trial brief, muli i-giniit ng depensa
01:05na walang batayan o hindi mapaninindigan
01:08ang mga paratang na Crimes Against Humanity laban kay Duterte.
01:13Kinwestyon ng defense team ni Duterte,
01:16ang mga ebedensyang inilahad ng Office of the Prosecutor
01:20na nag-uugnay sa dating Pangulo sa mga pagpatay at mga pinagihin nila ang pagpatay.
01:26Gate pa ng depensa, bagamat nangyari ang mga pagpatay,
01:31hindi raw ito may tuturing na Crimes Against Humanity.
01:35Wala naman daw kasing malawakan o sistematikong pag-atake sa mga sibilyang Pilipino.
01:39Wala rin daw pulisiyang pagpatay ang gobyerno
01:42at mayroon daw na gumaganang sistema ng hustisya sa bansa
01:45at may mga mekanismo rin para panagutin ang mga sangpot.
01:49Dahil hindi raw ito Crimes Against Humanity,
01:51hindi raw ito dapat dinggin ng ICC.
01:54Sahalip, sa korte raw sa Pilipinas dapat litisin ang kaso
01:58sa tulong ng ICC gamit ang mga ebedensyang hindi kaduda-duda.
02:02At kahit naman sinabi ng ICC na fit to stand trial si Duterte,
02:06sabi ng depensa, may cognitive impairment ang dating pangulo
02:10na nakaka-apekto sa kakayahang makilahok sa pagdinig
02:12para mapaglaban ang kanyang depensa.
02:15Sa unang araw po na paglilites sa lunes,
02:18obligado po siyang dungalo sa trial alinsunod sa panuntunan ng porte.
02:22Inaasahan naman magbibigay siya ng guilty or not guilty plea.
02:26Hindi pa agad maririnig sa unang araw ang testimonya ng mga saksi
02:30dahil uunahin muna raw ang opening statements ng mga panig.
02:35Inaasahang magpipresenta ang prosekusyon ng limang testigo
02:39sa mga unang linggo ng pagdinig bago ang winter judicial recess.
02:44Inaasahan nga aabot naman na sa isang daang testigo
02:47ang iyaharap lahat ng prosekusyon.
02:49At titiyak po ng ICC,
02:52mayroon itong mga mekanismo para protektahan
02:55ang mga tetestigo sa panig ng kapwa-prosekusyon at depensa.
02:59Intimidating or interfering with witnesses at any stage of the proceedings
03:05can constitute an offense against the administration of justice at the ICC.
03:11And in the past, these offenses have resulted in prosecutions at the ICC.
03:16The penalties have been up to five years of imprisonment.
03:20Nagbabala rin ang ICC laban sa sino mang magtatangkang manakot,
03:24mangharas o manghimasok sa mga saksi at biktima
03:28na sangkot sa trial ni Duterte.