00:00Inihayag ng Bureau of the Treasury na nananatiling manageable ang utang ng gobyerno na nasa mahigit 16 trillion pesos sa pagtatapos ng March 2025.
00:10Ayon sa BTR, 68.2% o 11 trillion pisong kabuang utang ay galing sa domestic debt,
00:17habang 31.8% o mahigit sa 5 trillion piso ay mula sa external obligations.
00:23Dahil dito, nababawasan ang exposure ng bansa sa external risk habang sinasamantala ang malakas na domestic market.
00:31Sa kabila ng malaking utang na minanang administrasyon mula sa pandemia,
00:35giit ng BTR, lumalago ang ekonomiya ng mas mabilis kaysa sa utang na isang senyales na kaya pa itong bayaran.
00:42Naipagpapatuloy rin ang priority programs ng pamahalaan ng walang dagdag na buwis.
00:47Plano ng gobyernong pababain pa ang depth to GDP ratio sa 56.9% pagsapit ng 2028 mula sa 60.7% noong 2024.
00:58Dagdag ng BTR, nananatiling mataas ang kumpiyansa ng investors na makikita sa patuloy na demand para sa Philippine bonds.