00:00Pina-activate na ng PNP Region 5 ang mga local media action centers sa Bicol Region
00:05para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon tungkol sa Hatol ng Bayan 2025.
00:11Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Gary Carillo ng Radyo Pilipinas, Albay.
00:17Sa layuning labanan ang pagkalat ng maling impormasyon ngayong Hatol ng Bayan 2025,
00:23official ng inilunsad ng Police Regional Office 5,
00:26ang Regional Media Action Center o RMAC sa Camp Simeon Ola, Ligaspe City.
00:30Magsisilbing sentro ng komunikasyon at impormasyon sa pagitan ng PNP Bicol,
00:35mga ahensyo ng pamahalaan at media, ang naturang action center,
00:39kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking payapa at ligtas ang eleksyon.
00:45Kaya nga in-establish natin ito para directly makakuha kayo sa amin ng mga datas and statistics na galing mismo sa amin.
00:52That's why collocated siya sa REMAC para mas madali yung pag-gather natin ng info
00:57and kung may mga inquiries tayo sa kanila, mas madali po.
01:00Layunin ang RMAC na maging mabilis na daluyan ng impormasyon sa mga lehitimong balita
01:05kaugnay ng 2025 midterm elections hanggang sa May 18.
01:09Maglalabas din ito ng critical incident reports sa Presidential Task Force on Media Security
01:14para sa mga incidente laban sa media.
01:16Doon lang sila sa legit na mga platforms like yung mga media natin.
01:24Kilalanin, huwag lang tayong maniniwala yung mga nababasa o nanitikita natin.
01:28So check yung legitimacy ng mga platforms na nagpo-post ng mga information.
01:33Samantala, inatasan ang lahat ng public information offices sa bawat probinsya sa Bicol Region
01:38na i-activate na rin ang kanilang mga local media action center
01:42upang mapabilis ang pag-uulat at monitoring sa kanilang lugar.
01:45Sa ngayon, naka-full alert na ang buong PRO5 para sa Hatol ng Bayan 2025.
01:51Mula sa Radyo Pilipinas, Albay, Gary Carl Carillo para sa Balitang Pambansa.