00:00Tacloban City naman ang dinayo ng mga pambato sa pagkasenado ng Alianza para sa Bagong Pilipinas para Mangampanya.
00:07Nakatakda namang gawin bukas ng Alianza sa Mandaluyong City ang huling campaign rally at meeting di avansa ng partido.
00:14Ito ang ulit ni Mela Lesmoras live. Mela!
00:20Yes, Diane, sa mga puntong ito ay nagpapatuloy ang unity rally dito sa Eastern Visayas
00:26bilang pagsuporta sa mga pambato sa pagkasenado ng Alianza para sa Bagong Pilipinas.
00:34Nagsama-sama ang mga residente, mga lokal na opisyal at iba pang grupo sa Eastern Visayas ngayong Webes
00:41para sa isang malakihang regional unity party na naglalayong maghayag ng buong suporta
00:46para sa Alianza para sa Bagong Pilipinas Senatorial Candidates ng Administrasyon.
00:51Kabilang na riyan sina Sen. Francis Tolentino, Lito Lapid, Bong Revilla at Pia Cayetano,
00:57mga dating Sen. Tito Soto, Ping Lakson at Manny Pacquiao,
01:01Makati City Mayor Avi Binay, dating DLG Secretary Ben-Hur Abalos at Congressman Irwin Tulfo at Camille Villar.
01:09Pinangunahan ng Tingo Party Lease ang unity rally katuwang ang lakas CMD
01:13na pinamunuan naman ni House Speaker Martin Romualdez.
01:16Ngayong Diyernes, isasagawa ang huling campaign rally at meeting the advance ng Alianza
01:21para sa Bagong Pilipinas sa Mandaluyong City.
01:25Sa pinakahuling survey ng SWS na kinumisyon ng strat-based consultancy nitong May 2 hanggang May 6,
01:31nangunguna si Alianza candidate Irwin Tulfo sa listahan ng mga kandidatong may posibilidad manalo sa eleksyon.
01:38Mayorya rin ang iba pang kasama rito, taga-alianza, kabilang nasi na Soto, Lapid, Lakson, Binay Villar, Cayetano at Revilla.
01:47Lubos naman itong ipinagpasalamat ni Tulfo kasabay ng pag-uulat patungkol sa mga nakamtan na ng ACS-CIS party list na kanyang kinakatawan sa Kamara.
01:56Si Sen. Lapid abot-abot din ang pasalamat sa mga kababayan nating patuloy na sumusuporta sa kanila.
02:02Dayan, kabilang sa mga personal na dumayo rito sa Tacloban City para nga makilahok dito sa Unity Rally sa Eastern Visayas,
02:12si na-Congressman Tulfo, Sen. Tolentino at dating DLG, Secretary Benher Avalos.
02:18At sa ngayon, Dayan, inaabangan natin yung magiging talumpati ni House Speaker Martin Romualdez. Dayan?
02:24Maraming salamat, Mela Lesmora.