00:00O sa mga nagja-job hunting dyan para sa abroad, may mahigit pong 800 job orders ang bansang Austria para sa mga Pilipino.
00:15Ayon sa Department of Migrant Workers, ang mga inaalok na trabaho ay mula sa mga sektor ng architecture, construction, manufacturing, healthcare and wellness, household service, culinary at hospitality.
00:28Ang minimum wage at benepisyo na makukuha ng mga Pinoy worker ay kagaya rin daw sa natatanggap ng mga lokal sa Austria.
00:37Paaralan ng DMW sa mga lehitimong recruitment agency lang mag-apply na makikita sa listahan ng DMW website.
00:46Kapag government to government ang a-applyan, diretsyo sa DMW mag-apply at walang sinisingil na placement fee.
00:54Pinag-aaralan na rin ang Pilipinas ang pagbuo ng government to government labor employment track sa Austria, pati sa Hungary, Italy at New Zealand.