00:00Good news sa private school teachers!
00:02Tataasan po ng Department of Education ang annual subsidy para sa inyo sa susunod na taon.
00:07Sa ilalim ng Educational Service Contracting Program,
00:10mula 18,000 pesos magiging 24,000 pesos na po ang subsidia.
00:14Ayon kay Education Secretary Sonny Angara,
00:16matagal na itong hiling ng private schools at ngayon matutupad na.
00:20Nakareflect na raw ang nasabing increase sa proposed 2026 budget ng Kagawaran.
00:25Ang ESC Program ay bahagi ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education
00:31na nagbibigay ng financial support sa ilang private schools para matiyak na hindi mawala ng trabaho ang mga guro
00:37at tuloy-tuloy ang pondo para sa mga estudyanteng nasa ilalim ng Senior High School Voucher Program.
00:55Outro