00:00Nagliyab ang isang truck na may kargang frozen products sa North Luzon Expressway kagabi.
00:05May unang balita si Bea Finlac.
00:10Nabulabog ang biyahe ng delivery truck na ito habang binabaybay ang North Luzon Expressway sa Valenzuela pasado alas 11 kagabi.
00:18Ang truck biglang nagliyab.
00:20Kung kalit pa umarilao tapos bibiyahe kami ng Pasig, nakapansin ko po sa side mirror, may apoy sa bandang right side.
00:28Ngayon, dali-dali kong ginilid para hindi ako makaano sa kalsada, makaabala.
00:36Ngunit pagkagilid namin, biglang sumiklab yung apoy, nag-aalis lang kami.
00:42Walang sugatan sa tatlong sakay ng truck kabilang ang dalawang pahinante.
00:47Sinubukan pa raw nilang buhusan ng tubig ang apoy pero mabilis daw itong lumaki kaya tumawag na sila ng tulong.
00:53Napinsala ang bandang harapan ng truck.
00:55Hindi naman daw nasunog ang kahon-kahong frozen products na karga ng truck.
01:00Bale sa laman, nausukan lang siya.
01:03Itim lang yung bandang harapan.
01:06Itim lang kasi sa usok.
01:08Pero bandang likod, okay naman siya.
01:10Hindi siya na-damage.
01:12Ayon sa Bureau of Fire Protection,
01:14mag-aalas 12.30 ng madaling araw kanina ng tuluyang maapula ang apoy.
01:19Inaalam pa nila ang sanhinang sunog at halaga ng pinsala.
01:22Ito ang unang balita.
01:24Bea Pinlac para sa GMA Integrated News.