00:00Kakagawa pa lang pero meron ng nakitang pag-uho ang ilang residentes sa Dike Project para sa Buswanga River sa Rizal Occidental, Mindoro.
00:08At ang sa barangay chairman, hindi daw magkakadikit ang dike kaya aapaw pa rin ang tubig.
00:14At ang sabi raw sa kanya, kinapos ang ano? Ang pondo.
00:18Saksi si Maki Pulido.
00:23Tulad sa Oriental, Mindoro, binaharin na mga flood control project ang Occidental, Mindoro.
00:29105 flood control projects ang nakalista sa SumbongSapangulo.ph website na may kabuang halaga na mahigit 8.6 billion pesos.
00:39Ang Dike Project para sa Buswanga River, hinati sa anim na package na pinaghatian ng apat na construction company.
00:47Kagagawa lang ng portion na ito, gumuhu na.
00:50Sa SumbongSapangulo website, noong 2023 pa dapat natapos ang mga proyektong ito.
00:55Pero sa pagkakaalam ng kapitan ng barangay, nitong taon lamang natapos ang proyektong ito.
01:01At pagkatapos lang ng ilang buwan, ay gumuho ang portion na ito ng dike dahil sa pagragasa ng tubig sa ilog.
01:09Nagsimula ang proyektong ito, 2023 hanggang sa kasalukuyan na gumagawa ang proyektong ito.
01:18May gumuho na nga, hindi pa magkakadikit ang mga dike project, kaya aapaw din ang tubig, sabi ni kapitan.
01:25Nang minsan daw niyang tanungin kung bakit putol ang dike, sabi raw sa kanya, kinapos ang pondo.
01:30Tanong ko minsan yung isang engineer ng DPWH, hindi nadugtong ang dalawang project na ito magkasunod dahil sa kumapos ang pondo, dahil doon sa kanilang design.
01:41Ang alam ko dyan ay a Sunwest Construction.
01:45Tulad sa Oriental Mindoro, Sunwest Construction Inc. din ang naka-corner ng pinakamalaking pondo sa Occidental Mindoro.
01:53Mahigit 2 billion pesos sa Oriental, mahigit 1 billion naman sa Occidental.
01:59Dahil walang koordinasyon sa LGU at walang mga karatula na may detalya ng proyekto, limitado ang alam ng LGU.
02:06Iba-iba yung design, may manipis, mababa, tapos sunod mahaba, tapos may putol.
02:14Iba-iba yung lapad, yung buhangin, yung taas.
02:17Sa mga gumagawa ng flood control project, sana raw isipin silang mga binabaha.
02:22Dahil tuwing nasasalanta ang kanilang mga pananim, hindi sila nakakakain.
02:27Ang pakiusap po lang po, sana sa mga may project po dito, sana ayusin ng maayos para maiwasan na po yung naranasan namin yung bahay.
02:40Hinihinga namin ng pahayag ang Sunwest Construction at ang lokal na tanggapan ng DPWH.
02:45Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.