Skip to playerSkip to main content
Tumatawid ngayong gabi sa Northern Luzon ang Bagyong Isang. Nagpapaulan iyan pati ang hanging habagat sa iba't ibang lugar sa bansa. Binaha na naman ang ilang bahagi ng Metro Manila pati Manila City Hall at tapat ng Senado! May report si Darlene Cay.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tumatawid ngayong gabi sa Northern Luzon ang Bagyong Isang.
00:03Nagpapaulan yan pati ang hangi habagat sa iba't ibang lugar sa bansa.
00:07Binahana naman ang ilang bahagi ng Metro Manila, pati Manila City Hall at tapat ng Senado.
00:13May report si Darlene Cai.
00:18Nagmistulang ilog ang Calao Avenue sa Maynila dahil sa taas ng baha, resulta ng ulang dala ng Bagyong Isang at Habagat.
00:25Halos di makadaan ang mga sasakyan pati ambulansya.
00:28Kung hindi stranded, ang ilang sasakyan, lubog at tumirik pa.
00:33Ang mga namamasada maging ang mga delivery rider, apektado ang kita.
00:38Baha rin sa Taft Avenue.
00:40Sa kanto ng Taft at Pedro Hill Street, nakalubog sa hanggang tuhod na baha ang mga nakapilang pasahero paakyat ng LRT1 Pedro Hill Station.
00:48Sa binaharing panulukan ng Taft at United Nations Avenue, pahirapan din ang biyahe.
00:53May mga naglutangan pang basura.
00:55Mismong ang Manila City Hall, hindi nakaligtas sa baha.
00:59Sa paligid kasi, lubog sa tubig ang madaraanan, gaya sa Antonio Villegas Street, pati sa Padre Burgo Street.
01:06Sa labas ng City Hall, napasakay sa pushcart ang abugadong ito ng Public Attorney's Office Manila para makatawid sa baha.
01:13May kailangan kasi siyang daluhang pagdinig sa korte.
01:16Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa 30% ng lungsod ang binaha ngayong araw.
01:22Nalubog din ang ilang bahagi ng Pasay City.
01:25Tumirik ang motorsiklong ito sa hanggang hitang tubig sa Jocno Boulevard.
01:30Baha rin sa labas ng Senado kaninang umaga.
01:34Sumilong tuloy ang ilang pari at miyembro ng simbahan na nag-prepare rally para iprotesa ang mga anomalya sa flood control projects.
01:40Mag-aalas just kanina ng mag-landfall sa kasiguran aurora ang bagyong isang.
01:48Lumakas ang hampas ng hangin doon, kaya naputol ang supply ng kuryente sa ilang lugar.
01:55Sa bayan ng Dingalan, kinansil ang klase sa lahat ng antas sa mga privado at pampublikong paaralan.
02:00Sa mga karatig probinsya, nakaranas na rin ng mga pagulan dahil sa bagyo, gaya sa Isabela, Nueva Ecija at ilang bahagi ng Ilocos Norte.
02:11Kahit sa mga lugar na hindi tinatahak ng bagyo, ramdam ang pagulan dahil sa habagat.
02:16Sa Dato Blasensu at Maguindanao del Norte, nakataob at halos lumabog na sa rumaragas ang tubig ang pickup na yan.
02:22Ligtas ang tatlong sakay nito.
02:24Sa San Vicente, Palawan, gumuho na ang lupa malapit sa kalsada dahil sa dalawang araw ng pagulan.
02:33Halos apat na oras stranded ang mga motorista.
02:37Sa sindangan Zamboanga del Norte,
02:41tinawid ng ilan ng ilog habang buhat ang kabaong mula sa burol.
02:49Nagmistulang ilog naman ang bahagi ng National Highway sa tantangan South Cotabato.
02:53Maraming bahay din ang pinasok ng tubig.
02:57Maging ang ilang bahay sa Sen. Ninoy Aquino Sultan Kudarat,
03:00pinasok ng tubig dahil sa mabilis na pag-apaw ng sapa.
03:04Darlene Cai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:08Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
03:11Magsubscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
03:14Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn

Recommended